Chapter 6: New Found Friend

10 0 0
                                        

Dumating na nga ang araw ng audition para sa Campus Got Talent. 

Isa lang ang iniisip ko sa mga sandali na ito. 

Makapasok man ako o hindi sa audition, masaya ako. 

Masaya ako na makita na unti unti, bumabalik ako sa dating ako. 

Dating ako na nawala ng matagal.


"Ano na? Nakapag-practice ka na ba? Ihahanda na ba namin mamaya yung banner?" Pangaasar na tanong sakin ni Jell.

"Oo naman noh. Nagpractice ako, ng bonggang bongga para di naman nakakahiya senyo ni Chesca." 

"Ay nako, galingan mo mamaya ha. Im so happy for you teh!" sagot naman ni Chesca. 


***

"Hello! Good afternoon!" 

"Hello din po. Good afternoon." pabalik na pagbati ko sa babaeng nakaupo sa registration table.

"What's your name?" tanong nya sa akin.

"Im Katy." nahihiyang sagot ko naman sakanya.

"Oh Hi Katy! Pakisulat na lang yung full name mo dito sa papel. Also, pakilagay na rin ung year, section and course mo. Bale pang-lima ka sa mag-peperform mamaya for the audition." 

"Ok po Miss?" tanong ko sakanya.

"Dont call me Miss. Just call me Ate Anji. Masyadong formal kapag miss e." ngiting sagot nya sakin.

"Ok po Ate Anji."

"Oh sige pumasok ka na. Dumirestso ka na sa backstage. Andun ung mga iba pang mga mag-aaudition. Dont worry i-aassist ka ni Gab. Wait lang. Tawagin ko lang sya."

"Ok po."

"Gaaaab! I-assist mo naman si Katy sa backstage kasama ng iba pang mga students dun. I-orient mo sila. Ok?"

"Sure Anji. Halika na Katy. Akin na yang gitara mo, ako na magdadala."

At dahil medyo kinakabahan na din ako, inabot ko na rin sakanya ang gitara ko.









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not Your Ideal GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon