Chapter 5: My Love Is Like A Star

27 0 0
                                        

Kinuha ko ang headset at inilagay sa tenga nila Jell at Chesca. 

Now Playing: I Never Told You by Colbie Caillat

"Sure ka? Yan talagang kantang yan kakantahin mo? Bitter na bitter teh ah!" pangaasar ni Jell sakin.

"Oo nga Katy, di ba masyadong malungkot naman yung song na yan. Tska parang di sya bagay ipang-audition sa Campus Got Talent. Dapat ang piliin mo yung makakapagpasaya sa audience. Yung habang kinakanta mo, hahanga sila sayo, sa ganda ng boses mo." dagdag pa ni Chesca.

"Ay.. ganun ba? E kung "We are never ever getting back together" na lang kaya ni Taylor Swift?" tanong ko sa kanila.

"E kung kumaen ka na lang ng bubog teh kesa kantahin mo un,baka matutuwa pa kami! Sinabi ng wag mga pam-bitter song e! Campus Got Talent ang sasalihan mo ha hindi contest para mga bitter!" pambabarang sagot ni Jell. 

"Grabe naman to! Kaen bubog agad? hahahaha. Ganito na lang mga teh, ahm magsulat kayo ng mga bet nyong kanta para kantahin ko sa audition, tas mamili na lang tayo. Ok ba yun?"

"Good idea!" sabay na sabi nila Chesca at Jell.

Nagsusulat kami ng mga kanta ng biglang sumagi sa utak ko yung lalaking nambastos sakin kahapon. 

"Mamaya ka sakin."

Naku naku. Pasalamat pa sya sakin at plastic bottle lang ang naibato ko sakanya! 

Bakit kaya may mga ganung lalaki? Parang di man lang naturuan ng magandang asal ng mga magulang nya.

At sino kayang babae ang magkakagusto sa ganung klase ng lalaki?

"Hoy Katy! Tulala ka na naman. Oh eto tingnan mo ung sinulat namin ni Chesca. Pag may trip ka dyan sa mga yan, let us know ha."

"Sige akin na nga. Patingin." sabay kuha ko ng listahang ginawa nila.

"Try" - Pink

"Candles" - Hey Monday

"My Love Is Like A Star" - Demi Lovato

"Teenage Dream" - Katy Perry

"What If" - Colbie Caillat

Pagkabasa ko ng mga kantang nakasulat sa papel napatingin ako sakanilang dalawa.

"Hmm. Mukang alam ko na kung anong kanta ang kakantahin ko."

***

VERSE 1: 

♫♬ "The space in between us starts to feel like we're worlds apart."

"Like I'm going crazy and you say it's raining in your heart. "

"You're telling me nobody's there to dry up the flood."

"Oh but that's just crazy cause baby I told ya I'm here for good. " ♫♬

CHORUS:

♫♬ "My love's like a star, yeah you can't always see me but you know that I'm always there."

"When you see one shining,take it as mine and remember I'm always near."

"If you see a comet, baby I'm on it making my way back home".

"Just follow the glow yeah it won't be long, just know that you're not alone. " ♫♬

"Ang ganda talaga ng boses mo teh. Galing galing mo pa maggitara. Im sure mananalo ka, promise!" 

"Oo nga Katy. Bagay pa sa boses mo yung song. Excited na kami para sayo. Basta ha, just sing from the heart ." nakangiting sabi sakin ni Chesca.

"Thank you girls! Ako din excited na. Sa Friday na yung audition date nung contest kaya kelangan ko na talaga magpractice para makapaghanda naman ako."

Naeexcite ako sa Campus Got Talent!

Sana makapasa ako para naman matuwa tong dalawang kaibigan ko at syempre para na din sa sarili ko.

Sabi nga ni Chesca bagay sa boses ko yung kanta. Kaya malaki ang chance na maipasa ko ang audition. 

Gooooood luck sakin sa Friday! Alam nyo ng gagawin nyo ha. I-cheer nyo ko. :)

***

Not Your Ideal GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon