Story so far…..
Masayang sinalubong ni Sophie ang bagong school year dahil classmate na naman niya ang kanyang childhood friend na matagal na rin niyang gusto na si Gino. Sinabihan naman siya ng kanyang Papa na umuwi ng maaga dahil meron silang espesyal na bisita. At ang bisitang ito ay si Raine na matapos ang sampung taon ay bumalik sa lugar kung saan sila dati ay nakatira kasama ang kanyang kapatid na si Rhianne. Pagdating naman nila sa kanilang bahay ay binisita sila agad ng isa sa mga kaibigan ng kanilang mga magulang na isa ring leader ng gang na tinatawag na “Redfangs” kung saan dati ay pinamumunuan ng kanyang ama. Matapos umalis ng kanilang bisita naghanda naman itong si Raine dahil pupuntahan naman niya ang matalik na kaibigan ng kanyang ama na si Mr. Jake Akashiya na ama naman ni Sophie. Nagalit naman si Sophie ng sabihin ng kanyang ama na nakatakda na siyang ipakasal kay Raine. Maraming nasabing di maganda si Sophie kay Raine kaya gustong humingi ng tawad nito sa kanyang ginawa ngunit hindi na niya ito nakita mula noong magpaalam ito noong gabing bumisita siya sa kanila. Ngunit di naman inaasahan ni Sophie na magiging classmate niya si Raine mula ngayon…..
Lunch Break….
Mabilis lumipas ang oras matapos ang pagpapakilala ni Raine at ngayon ay lunch break na. Plano sana ni Raine na yayain si Sophie para narin makausap niya ito ngunit hindi niya ito magawang lapitan dahil napapalibutan ito ng kanilang mga kaklase. Nahihiya naman itong lumapit lalo’t unang araw pa lang niya ito at wala pa siyang kilala bukod kay Sophie. Nang hindi niya magawa ang kanyang plano ay minabuti na lang niya na humanap ng lugar na pwede niyang pagkainan at siya’y nagpunta sa rooftop ng school. Nang kakain na siya ay may biglang tumawag sa kanyang pansin at yun pala ay isa sa kanyang mga classmate na si Shin….
“ Yo!! Ikaw yung transferee di ba? “ tanong ni Shin
“ Ahm. Oo transferee nga ako. Hmm. Nagkita na ba tayo? ” sabi naman ni Raine
“ Awts. Sama mo naman. Classmate mo kaya ako. Ahaha. Ako nga pala si Shinry Lopez, Shin na lang for short ” pakilala ni Shin
“ Sorry ha, May iniisip kasi ako kanina kaya di ko masiyado naalala mga mukha niyo. Hehe. Anyway, Ako naman pala si Raine Redfox. Nice to meet you ” pakilala naman ni Raine
“ Nako ok lang yun binibiro lang kita. Haha. Redfox huh? Parang pamilyar sakin yan. Hmm. Lol. Hayaan mu na nga. Haha. Aba lunch box ba yan? Mukhang masarap ah. hehehe” sabi ni Shin
“ Ah oo. Gusto mo samahan mu na kong kumain dito. Medyo marami naman ito e ” anyaya ni Raine
“ Sigurado ka? Kung ganoon di na ako tatanggi. Haha. “ sabi ni Shin
“ Oo naman. Mas masarap kumain pag may kasalo di ba. Hehe. “ sabi ni Raine
“ Wow. Ang sarap naman, ang galling naman magluto nang mama mo. Sana mama ko ganyan din kasarap magluto. Hahaha. “ sabi ni Shin
“ Ah. Eh. Actually, ako nagluto niyan. Pero salamat pa rin sa compliment. Haha” masayang sabi ni Raine
“ Di nga? Pero ang sarap talaga. Haha” sabi ni Shin
“ Haha. Ahm. Gitara ba yang nasa likod mo?” tanong ni Raine
“ Ah. Oo. Hilig ko kasi ang pag gigitara. Haha. Ahm. Gusto mong i-try? Eto oh..” sabi ni Shin
“ Nako, wag na ok lang ako. Di naman ako marunong mag gitara e. haha. pero gusto ko lang yung nakikinig sa mga banda” sabi ni Raine
“Ah. Gusto mo turuan kita? Bilang ganti sa masarap na lunch na ito. Haha. “ anyaya ni Shin
“Ahm. Hehe. sige2 salamat. Ang totoo kasi niyan matagal ko nang gustong matuto niyan kaso wala akong kakilala na magtuturo sakin” sabi ni Raine

BINABASA MO ANG
Love Beats
Fiksi RemajaThe mind forget but the heart never forget..... This is a story about a innocent promise in which two people have taken it differently as the the one remembers it and the other one forgets it...