chapter two

65 3 0
                                    

"S-sino k-ka?," tanong ko sa isang tao na may hawak na pamalo na duguan. Hindi ko siya makita dahil na rin sa dilim ng paligid at nakahoodie siya, pero halata  na lalake siya.

Walang salita ang kumabas sa bibig niya, tumutulo lang ang dugo mula sa hawak niyang pamalo. "Anong ginawa mo?" Lakas loob kong tanong kahit gusto ko nang tumakbo sa takot.

Isang hakbang palapit sakin, automatikong humakbang ako pabalik. Tinaas niya ang kanang kamay niya, nilapat niya ang hintuturo niya sa ibabaw ng maskara kung saan dapat ang bibig niya. Mag tatanong pa sana ako kaso may narinig na akong tunog ng mga susi, ibig sabihin papalapit na ang guard.

Narinig niya ito at tumakbo na siya paalis, sinundan ko siya at bigla siya lumiko. Pagkatapos niya lumiko hindi ko na siya nakita.

Bigla nanaman ako kinabahan.

Pumunta ako sa room namin at doon ko nakita.

Patay na ang substitute teacher.

Napaluhod ako sa harap ng Substitute teacher namin. Bigla ako napaisip.

Ako nanaman ang mapapagbintangan.

Tumayo ako at kinuha yung teacher at hinila palabas ng room. Sinigurado kong hindi darating yung guwardya na kaninang narinig ko. Kahit sobrang bigat, kahit namamantsahan na ang katawan ko ng dugo. Dinala ko siya sa likod ng gym kung saan may ilog. Konting tao lang ang nakaka alam sa ilog na ito, dahil dito kami madalas ng mga kaibigan ko tumambay. Doon ko na dinispatsa ang katawan ng pinatay na Substitute Teacher.

Sorry teacher. Umihip ang hangin at nilamig ako sa damit kong basa ng dugo. Hinubad ko ang damit ko at tinapon sa ilog, kahit suot ko lang ang bra ko pumasok ako sa gym para sa damit na naitago ko doon.

Hindi ako makapaniwala na ginawa ko iyon.

Bumalik ako sa room at kinuha yung mop para matanggal yung dugo. Sinigurado ko na walang bakas ng edibensya na nasa loob pa ako ng school. Sinigurado kong walang makaka alam na ako ang nag ligpit sa guro na iyon. Inayos ko ang mga upuan at umuwi na.

Habang nag lalakad ako pauwi hindi ako mapakali, kinakain ako ng kunsensya ko. Ano nalang ang masasabi sakin ni mama?

"Gralle Yusef, saan ka nanaman ba galing?!" bulyaw ng mama ko. "Sorry ma, may tinapos kasi ako sa library namin di ko namalayan ang oras," pag aalibi ko naman. Mas mabuti nang mag sinungaling muna ako, para din to kay mama.

Niyakap lang ako ni mama at hinalikan sa noo. "Pinag alala mo ako anak," rinig kong sabi ni mama.

"Sorry po,"pilit na ngiti ko sakanya. Umakyat na ako sa kwarto ko at naghanda na matulog.

Kahit anong gawin ko hindi ko matanggal sa isip ko ang mga ginawa ko kanina. Kung ano nakita ko. Sino ba ang lalaking iyon? Bakit niya ito ginagawa? Bakit sa lahat ng tao na pwedeng maka kita, ako pa?

Kahit anong gulong ko sa higaan wala akong makuhang kumportableng posisyon. Kaya napag desisyunan ko nalang na kumuha ng tubig.

Pag labas ko ng kwarto agad ako napa upo, ang lalaking nakita ko kanina nasa harapan ko. Nakamaskara pa rin siya, hindi ko siya kilala.

"Leave me alone!" Sigaw ko sakaniya. Hindi siya kumibo sa sigaw ko pero nag lakad naman siya papalapit sakin. Gumapang ako pabalik hanggang sa tumama na ang likod ko sa may sliding window.

Ang hintuturo niya naka lapat muli sa labi niya gaya nung una ko siyang nakita. Ang isa niyang kamay naman papalapit sa leeg ko.

Sa mga oras na ito hindi ako maka galaw, na estatuwa ako sa kinauupuan ko. Hawak na niya ang leeg ko at pinipigilan akong huminga. Nang ramdam ko nang hindi na ako maka hinga bumalik ako sa tamang pag iisip at inaabot ang kahit anong bagay na maabot ko.

Hindi lang ito pinansin ng sumasakal sakin, ang mata niya parang tuwang tuwa siya na nakikita akong nag hihirap. "B-bitawan mo a-ko!" Impit na salita ko.

Nang may mahawakan na akong bagay, hinampas ko ito sa ulo niya. Napabitaw siya sakin, agad naman ako gumapang paalis, binuksan ko ang sliding window at tinulak siya palabas.

Sa second floor man ang kwarto ko, sakto lang ang taas para masaktan siya. Pag tingin ko sa bintana, wala na siya.

Nasaan ka na?

Muli akong natakot, pano kung balikan niya ako?

Bigla nalang akong umiyak sa kinatatayuan ko, dahil sa takot, sa galit at sa lungkot.

EdItInG...

Class DismissedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon