Chapter Eighteen

17 1 2
                                    


Third Person's POV....


Naka upo lamang si Merlin sa isang upuan sa balkonahe ng bahay na pansamantalahang tinitirahan nila na pag mamayari ng pamilya nila. Ngumiti lamang siya ng mapait... 'Pamilya nga ba?' yung lamang ang tumatak sa utak niya habang patuloy ang pag inom ng beer. "Naka ilan ka na  niyan," saad sakaniya ng isang babae. Ngumisi lamang siya at tinignan ito....


"Pangalawa ko palang ito wag ka mag alala," saad niya, hindi nakumbinsi ang babae kaya nilapitan niya ito. Nilapat niya ang kaniyang mga daliri sa labi ni Merlin, tinignan niya ang mga galos sa braso. "Bakit hindi mo pa ito pinapagamot?," tanong nito. Hindi siya sinagot at tumingin lamang ito sa kawala, agad namang napasimangot ang babae.


"Ayos ka lang ba?," iritadong tanong nito. Tumayo nalang si Merlin nang sanay matutumba pa ang babae. "Damn it Merlin! what the fuck is wrong with you!?," bulyaw niya. Kinakabahan siya baka sakaling biglang mag bago ang direksyon ng pag iisip ni Merlin.


"Burn this," tanging saad ni Merlin at inabot sa babae ang litrato na natagpuan niya sa may pinto ng bahay nila Ayah. Nanlaki namn ang mata ng babae, paanong napasakamay ito ni Merlin?!  Ang tanging kilala niya lamang na may kopya ng litratong ito ay si...


"Saan mo toh nakuha?," ma awtoridad niyang tanong. Hindi siya sinagot ni Merlin at iniwan lang siya sa balkonahe. Pero bago pa itong tuluyan na iniwan, hinagisan siya ng lighter. "Gusto kong wala na yan na huling kopya ng litratong yan Elise, kaya gawin mo ng maayos," saad nito.


Tulala lamang si Elise nang makita ang taong kitakatakutan niya na umalis, ito ba talaga ang Merlin na mahal niya noon?





Patuloy parin ang pag lalakad ni Merlin palayo sa balkonahe, kilala niya ang kambal niya, subalit hindi niya ito kilala ng lubos. Ilang taon ang lumipas simula nung aksidenteng iyon, kaya hindi na niya kabisado ang takbo ng utak ng kakambal niya. Baka hindi niya lang napansin ay nasa likuran na niya ito, but he knows better... He has the upper hand, he has Gralle. His brother's dearly beloved... pwe!


"Boss! gising na siya," saad ni Danny. Tumango ito at pumasok sa isang silid na puro puti, nakaka silaw man ito, mas lalo lang silang lahat na gaganahan sa pag papahirap kay Gralle. Iniwan niya sa isang lamesa ang jacket niya at kumuha ng isang maliit na kutsilyo. "E-Earl?," tawag nito kay Merlin. Napangiti ng mapait lamang si Merlin, 'another damn victim thought I was my coward brother, tsk'


"Guess again," ngisi niya, halata sa mga mata ni Gralle pag hihingi ng awa, yung awa na matagal nang nawala sa sistema ng mga papatay sakanila. "Si Ayah?! yung mama niya?! nasaan sila!?," bulyaw ni Gralle sinusubukang makatakas. 


Sinenyasan niya ang iba pa niyang kasamahan na, saglit silang umalis pero bumalik din agad na may dalang dalawang kahon. "Ito ang mga puso nila," ngisi ni Danny na naka suot ng gloves, ipinasok niya ang dalawa niyang kamay at linabas ang dalawang puso. Ang mga puso ng mag ina nag nagmamalasakit kay Gralle.


"Hindi sana magiging ganito ang kalagayan ni Ayah kung sumunod lang siya samin," bungad ni Elise na kadarating lamang. Nanlaki ang mata ni Gralle nang mag sink in sakaniya ang nangyayari.

Class DismissedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon