Mga mahihinang kalampag lamang ang naririnig sa isang maliit na silid ng Santos. Pilit na kalimutan ni Earl ang nakita niya sa Institute.
'Salamat kaibigan'
Yang mga katagang iyan ang mismong tumatak sa kaniyang kaisipan. Kung paanong tinanggap ng matalik niyang kaibigan ang bala na tatapos sa buhay niya. Hindi lamang lumabas sa kwarto si Gralle simula nung araw na iyon.
"after all the memories Merlin.... why pick now?" tanong niya sa sarili niya. Alam niya sa sarili niya na wala na talaga ang matalik niyang kaibigan at pruweba na ang mga katagang iyon na sumusuko na siya. "E-Earl," lumingon si Earl sa likuran niya at nakita ang asawa niyang si Gralle na namumugto ang mata at namumutla. "Bakit?" malumnay na tanong niya.
"S-si k-kuya?" utal utal na tanong nito. Pilit ni Gralle na hindi paniwalaan ang bagay na nakita na niya mismo sa kaniyang harapan. Ang pagkamatay ni Merlin Yusef. Umiling nalang si Earl at lumapit kay Gralle na nagsimula nanamang umiyak. "Gusto ko makita si kuya.... magaling na siya ehh," iyak nito kaya niyakap siya ng mahigpit ni Earl at ayaw na itong pakawalan.
"Babe, it's going to be okay... yeah?" punas nito sa luha ng kaniyang asawa. Naaawa na talaga siya sa kaniyang asawa sapagkat siya nalang ang nag iisa, wala na ang biological parents niya. Ang foster parents niya pinakawalan na siya simula nang mag 18 ito. Kaya hindi nakapag tataka kung bakit ayaw nitong paniwalaan ang pagkamatay ng nag iisa nitong kapatid.
......
Marami ang dumalo sa libing ni Merlin, kahit ang mga nurse na bumantay sakaniya noon ay dumalo din. Lahat sila nag kwento tungkol sa kung gaano kabaliw si Merlin.
"Sabi niya daw mag kakambal daw sila ni Gralle at Earl."
"Oo nga tapos, minolestya niya daw kapatid niya.... naku"
"Siya ang dahilan kung bakit namatay ang kanilang mga magulang, kreng kreng na kasi ang utak," dinig na dinig ni Gralle at Earl ang lahat ng mga bulong bulongan nila. Dahil sa mga kumento ng mga taong ito, nag pipigil na si Gralle sa pag sugod mga ito. 'Wala na ang kuya ko! sana naman respetuhin nila ang pag kawala niya!'
"Mga misis, hindi po tama ang mga pinag sasabi niyo diyan," seryoso na saad ni Denis na naka seryoso na mukha. Natahimik ang mga ito at tumingin nalang sa ibang direksyon.
"Gralle..." napalingon si Gralle kay Elise na naka benda ang kaliwang paa at kanang kamay. Agad naman itong niyakap ni Gralle at umiyak.... "Gralle.... magaling na ang kuya mo," maikling saad nito. "Alam ko Elise," singhap niya.
Umiling si Elise at tinignan si Gralle na grabe ang awa. "Hindi mo naiintindihan Gralle-" naputol ang sinasabi ni Elise nang mag humawak na ng braso niya. "Umupo ka na Elise, baka mapano ka pa niyan," saad ni Danny na may benda sa ulo. Tumango nalang si Elise at umupo na sa tabi ni Ella na may hawak na juice para kay Elise. "Wala na talaga si Ayah noh?" malungkot na tanong nito habang nakatingin sa 'natutulog' na mukha ni Merlin.
"Sadly," maikling saad nito at hinagod ang likog ni Gralle. "I'm sorry for the loss Gralle, kahit baliw yan si Merlin, mabait siyang kaibigan."
"That's what made my kuya one of a kind, kahit hindi siya gumaling.... at least hindi na siya mag hihirap."
Napatataas ang kilay nito ni Danny at tumingin kay Gralle. "What do you mean he didn't recover?" tanong nito. Confusion was written all over Gralle's face, "Gralle.... lumabas ang brain scan ni Merlin.... maayos na ang lagay niya noon pa."
Nanlaki ang mga mata ni Gralle...
"W-What?"
"Matagal nang magaling si Merlin Gralle, 9 months ago magaling na siya, kahit yung latest bago siya namatay" Hindi pa rin maintindihan ni Gralle ang sinasabi ni Danny kaya ang resulta ay hinila si Gralle ni Danny papuntang kusina ng bahay nila.
"Pano nangyari yun?!" bulyaw niya kay Danny matapos niyang marealize ang lahat. "Hindi namin alam Gralle.... basta alam namin magaling na siya noon pa, our theories were only mild, we thougt he was hallucinating."
"P-pero~"
"All we know that he was never on meds," seryosong sagot ni Danny.
"He knows to himself that he is okay, that he is cured.... we just don't get why he went awol on us that time."
"Anong nangyayari dito?" bungad ni Earl galing sa labas ng kusina. Inexplain ni Danny ang lahat sa dalawa.... Maya maya ay napaluhod nalang si Gralle...
"H-hindi.... B-bakit ganun,"Iyak niya. Nag sipatakan na ang mga luha niya at niyakap si Earl ng mahigpit. Lumabas si Danny at agad pumasok si Ella.....
"Bago mamatay si Merlin, gusto niyang basahin mo daw..."
Kinuha ito ni Gralle, nang mabuksan niya ito, bumungad ang isang origami na rosas. Kahit papaano ay napa ngiti pa nito si Gralle. Tinignan niya ang sulat....
Gralle, Earl....
Pag nabasa niyo na ito, ibig saihin wala na ako. Salamat at naging paerte ako ng mga buhay niyo. Kahit halos lahat ng nasa memorya ko ay puro kasinungalingan, mahal ko parin kayo. Alagaan niyo ang mga sarili niyo ha? Magkikita kita na kami nila mama at papa.
Mahal kita Gralle dahil ikaw nalang ang natitira kong kadugo. Pasyensya na kung hindi na ulit kita makikita, babantayan naman kita sa taas. Mahal ko kayo.
Merlin.
"Kuya...."
The End
BINABASA MO ANG
Class Dismissed
Misterio / SuspensoGralle Yusef the unthinkable innocent school outcast knows more.... Since that day..... Will everything be solved? thanks sa cover @freakasaur