chapter fifteen

22 1 1
                                    


Gralle's pov...


Pag bukas ng mga mata ko, bumungad sakin ay itim na kwarto. Akala ko pa namn ay magigising ako sa ospital, o kaya sa langit... pero eto ako sa impyerno. May malaking kalampag akong narinig sa tabi ko, dun nakumpirma ko na buhay pa ako at nakidnap ako. Ngayon ko kang naramdaman ang mga sugat ko, ang mga napaso ko galing sa sunog. Gusto ko man na hawakan ang mga ito kaso naka gapos ang mga kamay at paa ko. Sinubukan kong pumiglas kaso wala talaga....


Biglang bumukas ang pinto na siyang ikinagulat ko, dun ay nakakita akong babaeng naka puffy dress at may hawak na lollipop. Dinig ko ang mga kalampag ng takong ng sapatos niya, habang papalapit na siya sakin ay tumatawa siya. "Hi Gralle," nakakakilabot na bati niya sakin. Pinigilan ko ang sarili kong magsalita, kinakatakot ko na pag nagsalita ako ay baka maiyak ako at maiirita siya sakin at yun pa ang tumapos sa buhay ko.


Lalo siyang tumawa na parang baliw at hinawakan ng mahigpit ang mukha ko, halos bumaon sa mukha ko ang mga kuko niya. "Ganyan ba talaga ako katakot sayo?," nakangisi niyang sabi. Umiwas ako ng tingin. Nararamdaman ko ang inis niya sa pagkakahawak niya sa mukha ko at bigla niya akong sinampal. "Nagmamatigas pa talaga ang ulo mo ngayon?! mamatay ka na!! wala ka na bang ibang sasabihin!!?," naiinis niyang sigaw sakin. Hindi parin ako umimik, dapat maka alis na ako dito, kailangan ako ni Earl... pano kung dinakip din siya? pano kung ginulpi siya? pano kung pinatay na siya??


Lumingon sakin yung babae at bumalik yung ngisi niyang para sa demonyo, lumapit muli siya sakin at humahagikhik. "Iniisip mo si Earl no? hahahaha," tawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin, nandididri ako sa taong ito... kung sino man siya bakas sa prisensya niya ang makasalanan. "Ano kaya ang nakita nila sayo?," malamig niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. Hinawakan niya ang buhok ako at sinuklay ito gamit ang mga daliri niya, "hindi ka namn mabait... hindi ka rin masama."


"Pakawalan mo nlang ako please," naiinis kong sambit. Lumapad ang ngiti niya at pimalakpak. "Sa wakas nag salita ka na," patuloy siya sa pag palakpak at patalon talon pa siya niyan. Sinamaan ko siya ng tingin at binalewala ang ginagawa niya, "Ano ang kailangan mo sakin?."


"Hulaan mo," parang bata niyang sabi. Naiinis na ako sa babaeng ito, gusto ko na siyang sabunutan. Kailangan na ako ngayon ni Earl, wala akong oras na makipag laro sa babeng to. "Sino ka ba?! ano ba kailangan mo sakin?!..."


"Pwede ba wag na wag mo akong sigawan!?!??!," sigaw niya sakin nang matapos niya akong sapakin. Napapikit ako sa inis hindi ko alam kung may makukuha ko ba talagang maka takas dito, masyadong ignorante itong babaeng ito...


"Pag kina kausap kita titignan mo dapat ako!," sigaw niya at tinutukan ako ng kutsilyo. Nakatapat ang malamig at matalim na bakal sa leeg ko, sa sobrang takot ay hindi na ako naka imik. "Ngayon tatapusin ko na buhay mo---."


"Pinapatawag ka na niya," sabat ng isang boses lalake sa may pintuan, marahas na napalingon yung babae sa lalakeng iyon at sininghalan. "Sige na nga, kunin niyo na siya," padabog na sabi nito at umalis. Pumasok namn sa loob ang lalake na may kasamang isa pang lalake at tinaggal ang pag kakatale sa mga kamay at paa ko. "S-saan niyo ako dadalhin?," tanong ko.


Wala sakanilang umimik at kinaladkad at palabas, nilagyan nila ako ng blindfold.


Makalipas ang mahigit isang oras ay pakiramdam ko ay tinapon ako sa malayo... "MIss! okay ka lang?," tanong ng babae, tinanggal niya ang blind fold at nakita ko ay nasa harap ako ng ospital. "Nurse ipasok natin siya," saad nito.


Pinaupo ako ng nurse sa isang stretcher at ginamot ang mga sugat ko sa katawan. "Miss anong pangalan mo?," tanong nito habang may hawak na clipboard. "Gralle... Gralle Yusef," wala sa sariling saad ko. Ang daming tanong sa utak ko na hindi pa masagot sagot, gusto ko sabunutan ang sarili ko.


"Nasaan ang room ni Earl," natataranta kong sabi. Napataas ang kilay ng nurse,"Sinong Earl? ano po ang apelyido?," tanong ng babae. Hindi na ako sumagot at tumakbo paalis, tatanong sana ako sa front desk nang nakita ko si Earl na walang malay na dinala sa isang kwarto. Lumapit ako sa kwartong iyon, pero pinigilan ako ng doctor. "Kaano ano ka ba ng pasyente?," tanong nito.


"Pinsan ko po siya," pagpapalusot ko. Napatango tango nalang ang doktor at pinapapasok na ako. Dun naabutan ko ang nurse na chinechek yung fluids na pumapasok kay Earl. "Kumusta na po siya?," tanong na hindi nag papahalatang nasasaktan pa sa mga sugat ko at pilit itong tinatago.


"Maayos nmn siya, nag papahinga lang," saad nito at ngumiti sakin. Nginitian ko lamang siya at umupo sa tabi ni Earl, kitang kita ko ang mga sugat niya sa katawan.


'kasalanan ko ito'


'kung hindi lang sana ako naging mahina...'


'ano nga ba ang kasalanan ko sa mga taong iyon?'


'ang pagkaka alam ko wala akong ginawang mali'


Hawak ko ang kamay ni Earl, nang may bumukas ng pinto... Bumungad dito ang mga magulang ni Earl, mabilis na naglakad sakin ang ina ni Earl at sinapak ako. "Anong nangyari sa anak ko?!," galit na saad niya. Pilit siyang pigilan ng kanyang asawa kaso, sadyang nangigigil sakin ang ina ni Earl ay inatake niya agad ako. Hinayaan ko nalang sarili kong mabugbog, kasalanan ko kung bakit narito si Earl, wala akong karapatan na ipagtanggol ang sarili ko.


"ma?,"



*************************


hi po mga readers eto na po update ko, sorry kung ngayon nalang ako na UD busy po kasi sa school. grade 9 palang po kasi ako, nakaka taka po ang pag update ko noh? kasi po 10:30 am pa po klase ko, kaya ginagamit ko din po paminsan minsan ang time na yun sa pag update.


sa readers po ng little did she know


pag tapos na po itong book na to mag uupdate na po ako

Class DismissedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon