chapter four

54 2 0
                                    

"Dito ka lang," mahinang banggit ko kay Earl na biglang nanigas sa kinauupuan niya. Sa sitwasyon namin ngayon mas mabuti pang ako nalang ang umalam kung ano o sino ang nasa labas. Saaming dalawa ni Earl, ako ang nasa ayos pa ang kalagayan.

Unti-unti akong naglakad papunta sa pinto,kinuha ko yung payong na nasa tabi. Kahit papaano may armas ako magagamit laban sa taong maaaring makaka sakit saamin

Binuksan ko yung pinto at nakita ko ang security guard ng school. Napahinga ako ng maluwag, at least hindi siya yung lalakeng gustong pumatay sakin kagabi.

"Bakit kayo nandirito?" tanong in manong guard. Mag sasalita pa sana ako kaso ano ang ipapalusot ko? Na nag hahanap ako ng mga ebidensya laban sa taong na nanakit sakin? "Magandang araw manong, pasensya na po kung nakaka abala kami, pinapunta po kasi kami dito ng librarian at pinapaayos yung mga tirang libro sa desk at shelves," rinig kong palusot ni Earl.

"Ganun ba, anong nangyari sayo?" tanong ni guard habang tinuturo so Earl na may mga band aid sa mukha at med cloth na nakapulupot sa braso at sa bandang tiyan.

"Ito po ba? Nahulog po kasi ako sa hagdan nung nag lalagay ako ng libro sa taas," palusot niya ulit. Pabalik balik ang titig ng guard sakin at kay Earl.

"Ijha bakit hindi ka makapag salita?" tanong sakin ng guard. "Inexplain niya na po lahat eh," kamot ulo Kong sabi habang naka ngiti. Kahit hindi ko aminin, kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.

Manong umalis ka na po.Parang awa mo na umalis ka na po.

"O sya mag iingat kayong dalawa ha, tapos na yung shift ko dito uuwi na ako, magsi uwian na rin kayo, pagabi na at baka hinahanap na kayo ng magulang niyo," huling paalala ni manong guard.

Tumango nalang kaming dalawa, at umalis na siya. Sinarado ko muli ang pinto at naglakad palapit kay Earl.

"Anong ginagawa mo dito?," tanong niya. Sinuot na niya ang damit niya na nakalagay lang sa isang upuan malapit sa hinigaan niya. "Gaya mo, Nag iimbestiga," kalmadong saad ko habang kinuha ang orasan ko sa bag.

"Sa gabing namatay ang substitute teacher natin, may nakita akong lalake. May pamalo siyang dala na may bahid ng dugo," paliwanag ko.

"At nang nasa bahay ako nakit ko ulit siya at ngayon naman gusto niya akong patayin."

Nanigas naman si Earl sa mga sinabi ko, hindi kami umimik matapos ng ilang minuto, ngayon siya naman ang nag tanong.

"Naka jacket ba siya?" tanong in Earl. Tumango ako. "Malaki din ang posibilidad na siya ang pumatay kay teacher, at nang bug bog sayo," dugtong ko.

"How can I know your not lying me?" tanong niya. "Sa tingin mo ba na kakausapin kita ng matino ngayon?" malamig kong saad. Napatango nalang siya.

Monday

Naglakad ako sa hallways habang hawak ang mga libro ko, ramdam ko ang mga matatalim na titig nila saakin.

"Bakit nandito ka pa?" Pabungad ni Danny at sibrang talim ng tingin niya saakin. Nakaramdam ako mga titig sa likod ng ko, at si Elise pala may kagagawan nun.

"Bakit hindi ka pa nakukulong Yuseff? Binayaran mo ang pulis no? Kaya hindi ka nila hinuhuli," dinig kong sabi ng isa sa nga kaklase ko.

"Wala akong kasalanan dito, bakit ako ang pinag sususpetsahan niyo?" Malamig na tanong ko sakanila. Nagulat si Danny sa sinabi ko at akma sana akong sasampalin, ngunit may narinig akong pamilyar na boses.

"Stop that all of you right now!"

Class DismissedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon