CHAPTER THREE

1K 13 2
                                    

Ang mandurugo ay isang matalim at walang patawad na masamang ispiritu. Maging ang kauri nito ay nilalapang(kinakain) niya. Ang makatuwaan ay paglalaruan niya. Walang pagpili sa gusto niyang mabiktima gayundin kung kailan niya gustong kainin at patayin ito kahit anumang oras ay ginagawa nya. Ang kabuuang anyo nito ay nagkukubli sa kaanyuan ng isang maitim na ibon. Malakas humupi at kapag gustong manila ay saka  nagiging napakalaking ibon. Nananagit bigla at saka walang awang hihigupin ang dugo ng kanyang biktima

" Sinasaid niya, Jack. Gapatak man ay walang itinitira."  "A-ang dami mong alam Bert. Akala ko bay kanina inosente ka at walang alam?" "Hahaha!" Tawa ng lalaking bumababa mula sa hagdan ng bahay. Gayak ng isang konde na gaya ng kasuotan ng pamosong si Konde Drakula. Nagpatuloy ito sa pagbaba, binati sila Jack, nginitian at napako ang atensyon sa kanyang mga panauhin.

"Kayo na ho pala, Tata Ador. At ito pong kasama ko ang itinawag ko po kanina." nakangiting sabi at bati ni Bert.

"Ikaw pala!" tugon nito at kinamayan si Jack. Nagkamayan sila at pagkuway ito ang sumagot sa tanong kanina ni Jack kay Bert.

"E, ganon po ba?" wika ni Jack. " Oo, sa reyalidad, walang karanasan si Bert pero sa'kin base sa mga kinikwento ko sa kanya ay may mga alam at karanasan na sya."

 " Ang problema ho niya, Tata....sisimulan na po ba nating...."

 "Ah, o-oo Bert. Halikayo, isama mong kaibigan mo sa silid ko."

Sumund ang dalawa at narating ang silid. Inutusan si Jack na maupong mag-isa sa sahig ng silid na may malaking puting bilog na guhit. Sa pinakagitna ng bilog paluhod na pinaupo si Jack.

"Luhod lang iho at titigan mo itong medalyong hawak ko. Sundan mo ng tingin ang bawat galaw sa kaliwat sa kanan hanggang ikaw ay makatulog."

Nasa tapat lang iyon ng mukha ni Jack. Duduyan -duyan kaliwat kanan. Antigong medalyon iyon na yari sa lantay na ginto. Nakaukit ang larawan ng isang bituin. Di kumikibo si Bert, tumayo lang sa di kalayuan kalmanteng nagmamasid kay Jack na maya maya pa ay nakatulog na ng paluhod. Kitang kita ni Bert, nagsimula na ring magliwanag gaya sa bituin ang medalyong hawak ni Tata Ador.  Sukat doon ay nagsilabas na lang bigla sa liwanag ng medalyon ang ibat-ibang uri ng masasamang espirito na doon nakatira.

"Malalaman natin ngayon sa kanila ang sagot sa problema ng kaibigan mo, Bert. Hintayin lang natin silang magkaroon ng kanya-kanyang ganap na anyo mula sa paglitaw nila na animo'y mga puting usok."

Nang gayon na ngat magkaroon ang mga iyon ng kanilang mga  anyo, mga anyong di kanais-nais sa sinumang dito ay makakita. Mga nakakatakot sila. Daig ang mga masasamang espiritung pawang ang mga kaanyuan ay likha lamang ng mayayaman na imahinasyon ng mga manunulat at ng mga pintor.

" Ngayon mga alipin ko! Alipin ko, alipin ng karunungan ko't taglay na kapangyarihan. Sino sa inyo ang tutugon sa bumabalot na ligalig sa katauhan ng lalaking ito..." "Wala po yata isa man sa kanila ang gustong sumagot sa inyong katanungan." singit ni Bert.

Mga nasa harap lang nila ang mga masasamang espiritong iyon at nakalutang sa hangin.

"Relax Bert. Kabisado ko ang mga yan, ang di nila mga pag-imik ay bahagi lamang ng kanilang pag-iisip."

LIMANG minuto. Sampu. Labing-lima at hanggang dalawampu na ang lumipas ay....

"W-wala parin pong ibig kumibo isa man sa kanila, Tata." "SHH...." saway kay Bert ng lalaki. "Hindi pa lang marahil maabot ng kanilang mga kamalayan ang tugon sa ating tanong..."

 "Ganon po ba iyon? Nagagawang maglakbay ang diwa nila at humanap ng detalye?"

 "Likas sa kanila iyon, Bert. Ayon sa kalikasan nila.

Parang imposible at di iyon mapaniwalaan ni Bert. At siyay nanahimik na lamang. Walang ano-ano ay......

WHOSSSSSSSSSSS!

Pinasukan sila ng pagkalamig lamig na hangin sa silid. Isang pahatid mensahe na may nakalap ng impormasyon ang naglakbay na mga diwat kamalayan ng mga alipin ni Tata Ador.

"Ano po ang nakalap nila?""Tsk! Tsk!" piksi ni Tata Ador

 "Bakit , Tata Ador?"

 "Ang kaibigan mo'y nilalaro ng isang puwersang kadiliman. Isang puwersang ang may tangan ay higit sa tangan kong galing. Mahihirapan tayong tulungan ang kaibigan mo."

 "Patay na." sabi ni Bert. "P-pero nakalap rin ho ba nila ang dahilan?" tanong at nuling sabi ni Bert

 "Walang ganong mensahe at detalye Bert. Ni ang may tangan ng puwersa ay di nila nalaman."

 "Naloko na ngang talga." Iiling ilng na muling sabi ni Bert. Pagkuway ito na ang gumising kay Jack.

 "Tara, pare. Gaya ng pangamba mo, bigo tayo, Jack."

 "Sandali, Bert." pigil ni Tata Ador sa kanila. "Tatawagan ko kayo sakali at magkaroon ng pagbabagong bihis ang kabiguan nyong ito."

"Aasahan po namin yan." at tuluyan ng lumabas ang magkaibigan

Walang kibuan. Lalo na si Jack. Tulala at tiim bagang.Nang maisip nitong manigarilyo at kumuha ng isang stick sa kaha ay halos nagulat na naman sya.

"Bert! Look!" sigaw niya.

Hininto sandali ni Bert ang kanyang kotse.

"God!" gulilat din ito.

Ang isang kamay ni Jack. Ang kaliwang kamay nito ay naging kalansay. Nawalan ito ng laman. Ngunit wala ni isa mang patak ng tulo ng dugo.

"Ano ito, Bert? Ano na naman ito?" iyak ni Jack. "No Jack! Lakasan mo pang loob mo, matatapos din ito." alo ni Bert sa kanyang kaibigang mukhang nasisiraan na ng loob. Wala na itong pagkunan ng tapang upang tanggapin parin ang ligalig at sindak na bumalot dito.

Nakalma lang nang magbalik na sa dati ang kamay nito. Pero at ano? Hanggang kailan siya sasakmalin ng gayung mga pagsindak?

Hanggang sa makauwi sa loob ng silid nito, gusto niyang mabaliw. Kitang kita niya ang pagkakabigti ng isang lalaki sa loob mismo ng kanyang silid. At kilabot na kilabot ito at sindak na sindak gawa ng kanyang sinuhin iyon ay mismong siya ang nakitang lalaking nakabigti.

"Hindi ko na kaya! AAhh! Ayoko na Ito!" sapo ng mahigpit ng kanyang dalawang kamay ang rindidong ulo. Mabuti pang di hamak sa kanya ang baliw. Baliw na, siya hindi pa. Mabuti pang di hamak sa kanya ang patay, Patay na, siya hindi pa.

----------------------------------------

Masyado pong malalim ung mga tagalog kaya sana maintindihan nyo :D

Senya na po if may error at typos bago palang po ako eh....Tnx po sa mga matiyagang nagbabasa LABYU ALL ♥♥♥

VOTE AND COMMENT

MULTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon