CHAPTER SIX

707 14 0
                                    

              NANGILID ang luha ni Tata Ador. Gaya ng kanyang pangambang harapin at pangamba rin ng ibang tulad niyang medium, ang kinatatakutan nito ay nangyari kay Mang Menong.

" Siya lang kasi ang nagpumilit pa, Bert. Sa kabila na paalala ko, sabi ko naman sa kanya......huwag siyang mangahas."

" Dahil po ba sa mabigat po talaga  at  malakas at mapanganib na harapin ang......."

" Tama, Bert. Pero saludo  ako sa ginawang ito ni Menong. Tunay na sya ay manggagamot ng kadiliman. Nangahas siyang lumaban at kahit na ito ay ikamatay nya."

Luhaan si Tata Ador. Nasa palad ang ilang pirasong labi ni Mang Menong.

" Di tulad ko at ng iba....na kumikilos lamang kung tiyak ang aming tagumpay."

" Paano ang pasyente natin. Hindi pa rin po sya nagigising. Ang kaibigan ko?"

'" Maya-maya lang ay magigising na sya Bert. Ligtas sya at walang masamang nangyari sa kanya."

Napanatag si Bert. Lalo na ng matiyak nito ang kaligtasan ni Jack. Ikinuwento nila ang pagkasawi ni Mang Menong.

" Pati ibang tao ibang pamilya ay nadadamay dahil sa akin. Hindi lang kabuhayan ko at buhay ang nasisira..." sabi ni Jack matapos nilang magbigay ng pera sa pamilya ni Mang Menong.

" Kung hindi lang talaga ako umaasa parin sa moral support mo baka bumigay na ako ng tuluyan. Ikakabaliw ko na ito o baka ikamatay  ko pa."

" Gusto mong ihinto ko at idaan ssandali itong sasakyan natin sa simbahang nadaanan natin kaninang tunguhin natin ang pamilya ni Mang Menong?"

Nag-aalangang sumagot si Jack. Mula ng mapaglaruan ito ng kadiliman, gamunggo na lamang ang pagsamba niya at pananampalataya sa Diyos.

"Sawang sawang na ako sa Kanya, Bert. Iuwi mo na lang ako."

" NO, Jack. Minsan matagal bago dumating kaninuman ang Kanyang pag-ibig sa atin at pagpapala.....pero kapag inabot na ng palad at puso Nya wala na itong hanggan."

" Wala nga. Pero kailan pa, Bert? Kung sira na ang ulo ko, sorry Bert."

Kahit anong kumbinsi ang gawin ni Jack hindi nya talaga ito napapayag. Siya na lamang ang mag-isang pumunta sa simbahan. Ang problema at dalahin sa buhay ng kaibigan a isinama na lang sa kanyang panalangin.

Samantala hindi na ikinagulat ni Jack ang muling paglitaw ng gusgusing bata nang sya ay mag-isa na lamang sa kotse. Kasamang lumitaw ng bata ang matandang babaeng pugot ang ulo  nakaupo lang ito sa likurang bahagi ng sasakyan himas at hawak sa kanyang kandungan ang isang malaking itim na itim na pusa.

" Huwag kang matakot sa kanya Itay. Lola ko yan gusto ka lang din nyang makita."

" Kampon kayo ng kadiliman. Tumigil kayo!" bulyaw ni Jack. Dinuro ang bata at matandang pugot ang ulo.

" Hihi!" ngisi ng bata " Di kami kampon ng kadiliman....ikaw ang kampo, ikaw Itay! Ikaw!" sabi ng batang sumeryoso ang mukha at naningkit ang mga mata.

Pagkuwa'y biglang na lamang naglaho ng parating na si Bert.

"Ha?" reaksyon ni Bert ng ikuwento nya ang nangyari.

" Oo, Bert."

" Ayaw ka talagang tigilan."

" Di lang ayaw kundi titigil lang sila marahil kapag gupong guppo na ako at makuha na nila ang gusto nila."

" Pero....." putol ni Bert na lubha na ring nagtataka at nag-aalala kung bakit sa likod ng mga pangyayari ay ano nga ba ang sadya at malalim na dahilan upang ang kanyang kaibigan ay napiling paglaruan ng kadiliman. Marami namang iba bakit ang kaibigan niya na kilala niyang  mabuting tao? Bakit hindi na lang ang mga salbaheng pulitiko na ganid sa kapangyarihan, bakit hindi ang mga taong kakainin na lang ng kapwa at isusubo ay  inaagawan pa? Palibhasa marahil ay kauri. Mga kampon ng demonyo, kaya halip na paglaruan at lupigin, pagpapala agn kanilang natatamo, upang lalong ikayaman at ikasama ng mga budhi.

" Bakit nga ikaw pare? Bakit Jack?" " Wala akong alam Bert. Wala!" 
 "Hindi, Jack! Naniniwala akong ang puwersa man at kapangyarihan ng kadiliman, di ito gumagalaw at kumikilos ng walang katiting mang dahilan. Isipin mo, Jack. Ano yon sa inaakala mong dahilan nito? Baka malaki ang maitulong."

Di lang ilang beses na iyong inisip ni Jack. Pero tuwing mag-iisip ito'y wala talaga. Wala talaga itong maisip na dahilan. Kung pagsubbok man iyon ng kbutihan niya sa Diyos, ano naman ang dahilan at sya ay sinusubok nito. Mabuti pa nga yatang mabaliw na sya.

Dumating ang isang bagong kabilugan ng buwan. Bilog ito at maliwanag na maliwanag. Ang panahon ay aliwalas na aliwalas. Katamtamang klimang hindi kainitan. Minamasdan ito ni Jack habang ang kanang kamay ay may hawak hawak na boteng ng alak.

Natigilan sa paglabas ng kanyang silid upang kumuha muli ng alak ng my bumati sa kanya.

" Magandang gabi at magandang kabilugan sa iyo Iho." bati iyon kay Jack.  "Gusto mo bang malaman ang dahilan ng lahat? Kung buhay pa ang asawa mo o patay na? O, kung bakit buhay ka pa ay parang ka na ring namatay?"
 sabingmuli ng lumitaw na multong pugot na iyon nga ay isang matandang damit ay larawan ng karukhaan.

" Sana at nang matapos na poa ang lahat ng paghihirap ko!"

" Hihi!" nakakatuyang ngisi ng pugot na matanda. " Talagang gusto mo na ha? Patawad iho, sa kalagayan mo at naging malaking pagkakautang sa akin, ako'y di pa maligayang- maligaya sa paniningil. Ang lahat ay gitna pa lang ng aking paniningil!" ang sagot sa pakiusap ni Jack na bigo parin sa kanyang inaasahan. Unti-unti ay naglaho na lang sa kanyang paningin ang matandang iyon.

Multong kung hindi lamang pugot ang ulo ay maaaring makilala ni Jack at maalala nito kung bakit sya nito ginagambala.

Maya maya pa, may daliring kumakalabit kay Jack nang sya ay nakahiga na at lubha ng pagod ang damdamin at kaisipan. Hindi nya yun inaasahan sa sobrang pagod ng damdamin at kaisipan yun lamang ang tanging muling makapagpapabalik ng kanyang lakas at sigla.

" Mikaela!" sabi nya

Si Mikaela nga. Ibinalik na ito sa kanya. Buhay na buhay. Puno ng pananabik na yumakap sa kanya at agad na inilapat ang mga labi sa mga labi ni Jack. Matagal, puno ng init at pag-ibig.

Pero iyon ay biro parin kay Jack ng kadiliman.. Dahil sa pagmulat ng kanyang mata ang kayakap at kahalikan niya ay isang kung kaninong naaagnas na bangkay. Ang mga kalamnan ay bulok na bulok na at mabahong mabaho na at inuuod.

Mga uod na napunta kay Jack dahil sa kanyang pagyakap at paghalik. Bigla niyang itinulak at pagbagsak niyon sa sahig ay bigla ding bumangon at tangka paring yakaping muli si Jack.

Nakiusap pa na magpa-angkin kay Jack.

Kinabukasan ng magising, siya ay nasa sahig parin at nasa tabi nya ang isang pirasong rosas na inihagis sa kanya ng bangkay kagabi bago ito maglaho sa kanyang paningin.

Tanda lamang na iyon ay hindi isang panaginip.

" Kung iisipin kong naganap kagabi sa akin  o isang bangungot ko lang Bert". sabi nya habang kausap ang kaibigan ng muling itong dumalaw. Si Bert lamang ang tangi nyang kinakausap at pinakikinggan.

" Wala ka parin bang maidadahilan." tanong ni Bert.

" Ewan kung may kinalaman ito."

" Ha? A-anong anong ibig mong sabihin, Jack?" sabik na muling tanong ni Bert.

---------------------------------------------

3 CHAPTERS LEFT.

THANKS SA PATULOY NA NAGBABASA

MULTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon