NAALALA din ni Bert. Nuo'y kulang dalawang buwan ang inilagi ni Jack ng ito ay magbakasyon sa isang lalawigan. Lalawigan kung saan nakilala nya ang dalagang si Luna.
Probinsyana na may maamong mukha. Kabigha-bighaning dalagang si Jack lamang ang pinalad na sagutin ng kanyang ligawan. Sa dami ng mga nanliligaw at nanuyo sadyang kay Jack lang ito natutong magmahal. Naging una nitong pag-ibig. Si Jack lang din ang tanging lalaking unang nakahipo ng kamay nito at nakayakap at naging unang halik. Hanggang sa humigit pa iyon ng sila ay madalas na nagkikita sa tabing ilog ng lalawigan na pinaglalabahan ni Luna ng mga damit.
Birhen na birhen si Luna ng makuha ni Jack.
PAGKATAPOS ng mangyari sa kanila ay umiyak ito sa dibdib ni Jack. Parang humihingi ng assurance na wag syang pabayaan dahil si Jack ang nakauna sa kanya.
" Oo, Luna! Tahan na at mula ngayon isipin mong tayo ay ganap ng isa. Ang puso ko at puso mo ay iisa. Ikaw at ako magpakailanman.
"Isumpa mo Jack."
Sumumpa siya at walang kamalay malay na mula sa sanga ng isang punong di kalayuan sa tabing ilog na naging bahagi ng kanilang pag-ibig at pagsumpang iyon ni Jack. Tuwing sila ay nagkikita at nagtatagpo lagi ay nakamasid mula sa pagkakadapo ang isang itim na ibon.
Isang araw ng Linggo.
" Totoo?"
" Oo, Luna."
" M-magsasabi kana sa Nanay ko? Pakakasalan mo na ako?"
" Oo aking mahal."
" S-salamat."
" At tiyak na matutuwa dito ang nanay mo."
" Siyempre. Sino ba naman ang hindi Jack."
" Ikaw, hindi kaba natutuwa?
" Labis labis ang ligaya ko Jack."
" Maligayang maligayang din ako."
Pagkatapos ng salitang iyon ay muli nilang dinama ang isa't-isa. Mga muling pagkalimot, pagsasalo sa pag-ibig na patuloy na di alam at namamalayang duon sa tuwina ay isang lihim na saksi ang laging nakamata.
Nagpakalimot limot sila at sa pagbabalik ni Jack sa Maynila ay di na ito bumalik sa dalaga.
" Wala na akong nalaman mula ng iwan ko sya at mapagsamantalahan lang ng aking kapusukan Bert."
" Isang malaking kamalian ang nagawa mong iyon, kahinaan sa iyong pagkalalaki gaano ka man kabuti, Jack."
" Minsan lahat naman ay mahina sa tukso diba, Bert?" tanong nito matapos kapwa nila maalala ang lahat.
" Ano ngayonsa palagay mo, may kinalaman kaya ito..."
" Pwedeng wala, maaaring meron, Bert."
" Kung meron, Jack?"
" Sasamahan mo ako, pupunta ako ngayon din doon."
" Andun pa kaya sila?"
" Subukan natin, Bert."
Mahigit sa dalawang oras ang itinagal ng byahe nila bago narating ng mga ito ang pakay na lalawigan. Wala na doon ang dalaga at ang nanay nito. Ang andun na lamang ay isang abandonadong bahay.
Nagtanong tanong sila at sabi ng kanilang mga napagtanungan.
" Di namin alam kung nasaan sila lumipat." " Isa man sa amin dito na mga kanayun nila ay walang sinabihan o napagbilinan."
" Subukan nyong itanong pa sa iba at baka sila ay may alam."
" Pero palagay namin, wala ring makapagsasabi sa inyo."