HIndi hadlang ang mga pangyayari upang pakasalan ni Jack si Mikaela. Ang nobya kasi ang nagiging lakas nya upang labanan ang kababalaghang nangyayari sa kanya kaya napagdesisyonan nilang magpakasal sa lalong madaling panahon.
FAST FORWARD
Pagkatapos ng kasal ay umalis agad ng bansa ang mag-asawa upang maghoneymoon sa ibang bansa. Mahigit isang buwan na silang namamalagi ay walang anumang kababalaghan ang nangyayari sa kanila bagay na labis nilang ikinatuwa lalong lalo na ni Jack. Plano pa na baka doon na sila mamalagi at kailanman ay hindi na bumalik ng Pilipinas.
Ngunit hindi nagtagal, isang gabi wala pa ang kanyang asawa dahil kasama ito ng ilang kamag-anak na mamasyal.
Laking mangha at pagkagulat na lang ni Jack ng sa loob ng silid nilang mag-asawa ay lumitaw ang multo ng isang bata. Ito rin ang batang gusgusin na tumawag sa kanya ng Itay sa loob ng kanyang opisina.
"HAHA" ngisi ng bata.
Gaya rin ng unang paglitaw nito ay gusgusin parin ang sira sirang damit . May mga bahid parin ng dugo ang mukha.
" Na-miss kita, Itay!" wika nito. " Huwag kang matakot. Ayoko lang naman na mawalay ka sa akin ng matagal, e, tingnan mo, eto ako diba, ha, Itay?" wika pa nito kay Jack na noon ay pinmumutlaan na naman ng kulay sanhi ng takot
" Sino ka man, layun mo ako. Hindi kita anak!" lakas loob na wika ni Jack. Kung hindi pa niya gagawin yun kailan pa baka tuluyan na syang pulutin sa kulungan ng mga baliw kung hindi pa sya lalaban. Kung di man sa sementeryo.
" Anak mo ako, Itay! Anak mo ako. Ikaw ang tatay ko!: " KAMPON ka ng kadiliman!" gigil na duro ni Jack sa bata.
" Haha! Mali, Itay! Ang kampon ay may sungay, ma buntot at mga pangit." nakakalokong sagot ng bata kay Jack.
" Lumayas ka dito. Layas!"
Muling duro at gigil na sabi ni Jack sa batang noon ay unti-unti na namang naglalaho.
Nkahinga ng maluwag si Jac. Sa kauna-unhang pagkakataon ay nakatagal sya nalabanan nya ang takot at pagsubok ng kadiliman. Ngunit hindi ibig sabihin nun ay natatapos na ang lahat. Na mapapatanag na siya. Magpapakita at magpapakita parin un.
Nagsisimula palang syang lumaban, simula palang iyon at hindi pa wakas. Ang wakas na naghihintay sa kanya ay handa nya na ring harapin. Ang hahanapin nya na lang ngayon ay kung bakit nga sya pinaglalaruan.
KASAMA si Mikaela, isang araw ay tinungo nila at sinadya ang isang kababayang nakilala nila. Isa itong bihasang manghuhula.
" Pasensya na kayo dito sa bahay ko, maliit lang." " P-pasensya na rin po kayo at kami ay makakaabala sa inyo, Madam Glenn."
Mahusay at may bertud din ito laban sa kapangyarihan mula sa kadiliman. Nagagawa din nitong makipag-ugnayan sa mga ligaw at pagala galang kaluluwang walang katahimikan at gayundin sa ilang mga kaibigang mabubuting espiritu.
Inilabas ang kanyang gamit sa paghula.
" hulaan na lang muna natin ang inyong problema, Mikaela." " Kayo po ang bahala."
Pinaupo ang mag-asawa sa harap ng mesa ng matanda at ang dalawang kamay ay ura-urada na sa pagbalasa sa kanyang mga barahang walang isa mang larawan. Mga blangko lamang iyon. Parang mga pira-pirasong puting karton lang.
Ngunit ng balasahin na ng balasahin at pataob na ilatag ang pitong piraso sa ibabawng mesa at papiliin ng isa si Jack at utusan ang lalaki na itihaya.
" Ha?" gulat si Jack ng makitang meron na yung larawan.
Pugot na katawan ng isang may edad na babae ang nasa larawan.
" Ano pong ibig sabihin nito? B-bakit Madam Glenn?" pinagpapawisan ang mukha na tanong ni Jack.
" Ano po?" pinagpapawisan din si Mikaela. " Ang nasa larawan ay sagisag ng kanyang matinding galit, puno ng emosyon, hinanakit."
" Bakit po Madam? bakit po at sino sya?" tanong ni Jack.
" Di pa iyon saklaw ng aking mga baraha, Ginoo."
" Shit!" pakli ni Jack.
" Hindi pa tapos ang laban, maupo kayo!"
At naghanda ang matanda ng mga gamit para sa panibagong laban nito. Inihanda ang mga gamit niya na pawang kakaiba gaya ng kanyang baraha. Inatasan nitong sugatan ni Jack ang kanyang braso, gamit ang isang kutsilyo. At ipinatak nila sa isang itim na bolang kristal ni Madam Glenn ang dumaloy na dugo mula sa sugat.
Maya maya pa. Halo halaong kaluluwa at espiritu na lamang ang nakikita nilang nagsisilabas sa naturang itim na bolang kristal. Nagtatawanan ang ilan. Lipad naman ng lipad na may mga kaharutan sa paligid ang karamihan. Para itong tuwang tuwang mga batang paslit kung magharutan. Parang noon lang mga nakawala sa kural. Mga sabik sa isat-isa.
Di nagtagal.... ...... kulang at mga kapos din ito ng tanungin nila at hingan ng impormasyon.
Sabi ng isang pinakamatalino. " Ang nasimulan mong katapangan ang siya mo na lang higit na pag-ukulan ng pansin. Wala kaming puwang upang lubos na manghimasok."
" Kung anuman ang dahilan ay hindi namin mapangahasang tukuyin at kami na lamang ang syang may alam." wika pa ng isang kasamahang may maamong anyo.
TAPANG na nasimulan! Tama............iyon ang sumasapuso at sumasaisip na lamang kay Jack at ng kanyang asawa habang pauwi na at makaalis sa tanggapang kanilang pinuntahan.
Tapang na muli nila gagamitin ng makabalik na sila ng Pilipinas. Iyon ay ng isang gabing bisitahin sila ni Bert at manggaling sila sa simbahan.
" Sana nga ganun Bert. Plano naming doon na manirahan pero hanggang doon ay nakakasunod sila kaya minabuti na lamang namin na bumalik dito."
" Marami rin kaming na miss ni Jack dito, Bert." singit ni Mikaela
Ngunit hindi umiimik si Bert at maya maya ay biglang nanlaki ang mga ulo at mata ng mag-asawa. Palibhasa ay nasanay na sila at hindi nagpadaig sa takot buong tapang na hinarap iyon ng mag-asawa. Hinarap nila ang panauhing nagbalat kayo bilang si Bert.
Inilabas ni Mikaela ang kanyang rosaryo at itinapat ito sa mukha ng nagbabalatkayong multo ng batang gusgusin. Walang parin iyong ipinagbago gunit gunit parin ang damit at puno ng dugo ang mukha at naka-angat ang paa sa lupa.
" Haha!" tawa lang nito nang itapat sa mukha ang banal na kuwintas na hawak ni Mikaela. " Di naman nakakatakot yan eh. Kuwintas lang yan. Meron din yata ako niyan." Dumukot sa bulsa. " eto oh!" at meron din nga. " Bigay ito ng nanay ko, Itay! baby palang daw ako nang ibigay nya ito sa akin.
May mga sasabihin pa sana ngunit inabot na naman ito ng biglang paglaho.
" Ano pa kayang ang nais nyang sabihin, Jack?"
Nang yayain ang kanyang asawa na matulog na lang sa halip na sagutin ang tanong nito at linguni. Ay bigla na lamang si Jack nangilabot. Kilabot na nagpahina sa kanyang tuhod dahilan upang siya at mapaluhod.
"MIkaela........."
Naglaho din ito!
----------------------------------
Makakayanan pa kaya ni Jack ang kanyang mga problema lalo na ngayong naglaho ang kanyang nag-iisang lakas??
Abanga..........
Salamat po sa mga nagbabasa ^__^