CHAPTER EIGHT

589 11 0
                                    

                KUNG may tulong mang magagawa ang panaginip ni Jack ay duda dito si Bert. Kung iyon ngang mga ekspertong manggagamot sa dilim bigo sila doon pa kaya sa panaginip lamang, sa isang manghuhula lang? Ganun man ay sinmahan parin nya si Jack sa kakilala nyang manghuhula. Sa lugar na iyon ng Tondo. Sa simpleng bahay at tanggapan, dinatnan nilang may kasalukuyan pang hinuhulaan si Madam Elsa. May edad na ito. Nginig na ang kamay sa pagbalasa at paghipo ng baraha.

               Sa dami ng mga hula nito ay alsa at lamang ang mga nagkatotoo. Hanga ang marami at kilalang-kilala ito sa kanyang propesyon na isang manghuhula sa kanyang kasalukuyang panahon.

" Maupo kayo." paanyaya kina Bert at Jack. Tapos ng hulaan ang nadatnan nilang hinuhulaan nito. Naupo sa harap ng mesa nito ang magkaibigan.

" Upo lang." muling sabi. " Ngayon, anong atin? Problema?"

" Ito pong kaibigan ko, nanaginip po sya, gusto pong malaman ang taglay na kahulugan at lihim." sabi ni Bert habang nakatingin kay Jack na nakaupo lang.

" Anong panaginip iyon iho?"

" Nanaginip po akong kausap ako at naawa sa kalagayan ko ang isang dalagang nagmahal sa akin."

" Nakadamit daw po iyon ng itim, itim na itim Madam." singit ni Bert.

" May nagawa ka bang kasalanan sa kanya iho?"  tanong ng manghuhula

Matagal bago iyon nasagot ni Jack.

" Meron po."

" Pakilawayan mo itong bolang kristal, iho." utos ng manghuhula.   " Ngayon, iho. Isang tanong at isang sagot pa. Nang mapanaginipan mo siya ay ano ang huling nasa isip mo hingil sa kanya?"

" Ang amin pong huling pagkikita at di pagtupad sa pangakong pagbalik ko ay doon kami magpapakasal.

" Tuyong-tuyo na ang ipinahid mong laway. Tumahimik lang muna kayo at babasahin ko ang nilalaman nito."

Minasdan ng matagal ang bolang kristal. Pagkatapos..........

" Konsensya mo lang ang lahat, ingat lang at ang konsensya mong ito ang....."

" A-ano po Madam?" matuling tanong ni Jack.

" Wala, ayoko ng magsalita."

" Ho? Bakit po?" tanong ni Jack.

" Wala!" diin ng manghuhula. "Umalis na kayo!" sabi pa. " Umalis kayo! Umalis kayo!"

Muli sa pagtatakanina Jack at Bert. Habang nasa byahe .......

" Sa palagay mo Bert. Tama ako sa iniisip ko at bigla nagbago ang....."

" Nagbago ang ano Jack?"

" Ang emosyon sa atin ni Madam Elsa. K-kanina ay para siyang sinumpit ng takot!"

" Tama, Jack. At tama rin sigurong tapangan mo parin ang iyong loob. Malakas ang kalaban Jack. Huwag mo itong subukan."

" Kumpara sa isang sasabunging manok, Bert. Burog na burog na ang palong ko't puno na ng sugat, sa tingin mo ba ay ngayon pa ako susuko nito?"

" Sana nga, Brod. Sana nga, Jack."

Gabi na nang makauwi sila at isang gabing iyon....

" Inay tingnan po ninyo, oh?"

" Ang alin anak?" lumapit ang ina  sa bata habang ang huli ay nakapanungaw sa bintana.

" Ang ganda-ganda po naman ng kabilugan ng buwan ngayon."

" Paano'y maganda rin kasi ang panahon ngayon anak."

" Eh, diba Inay kapag bilog na bilog daw po ang buwan at maaliwalas ang panahon, sa ganyang panahon po may mga lumilitaw?"

MULTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon