CHAPTER NINE

683 23 11
                                    

                            DI na mukhang gusgusin ang bata. Maayos at malinisna ang pananamit nito. Wala na rin ang sariwang dugo nito sa mukha.

" Makinig ka, Itay." sabi nito. " Di naman ako totoong multo na gaya ni Lola Lagring ko. Gawa-gawa lang iyon sayo ng Lola ko, kasi naman may kasalanan ka eh. Iniwan mo kami na nanay ko."

Sa harap nito'y tigagal na napapakunot noo ang noo ni Jack. Kinapakapa sa emosyon at puso at alaala ang mga sinasabing iyon sa kanya ng bata.

" Anak mo ako, Itay. Anak mo ako kay Inay. si Lola ang nagpalaki sa akin. Tapos ng mamatay ang nanay ko, si Lola ko na lang ang nag-alaga sa akin, pero ng mamatay na rin siya, pinasok muna nya ako sa isang bahay ampunan. At tapos sabi niyon, sabi nya, kukunin ulit nya ako duon para makilala ka at sa iyo na raw ako titira.

Lukso ng dugo. Ngayong di na gawa o bunga lamang ng kapangyarihan ni Aling Lagring ang batang kaharap ay nakaramdam si Jack ng katotohanan na anak nga niya ang bata. Bunga ito ng madalas na pagkalimot nila noon ni Luna.

" At ito ang sinasabi ko namang paniningil ko na rin sayo, itay. Ang makasama ka. Ang makilala ka at madama ang pagmamahal mo."

Sumigla bigla si Jack. Sumaya ang puso. Ubod ng higpit niyang niyakap ang bata.

" A-anong pangalan mo, anak?" tuwang tuwa at galak na galak na tanong niya

" Joel po, Itay."

" S-sinong nagbigay sayo ng pangalan mo, ha?"

" Eh, si nanay ko po."

Saka muli'y niyakap na lang niya ng niyakap ang bata at ito man ay yumakap na lang din sa kanya.

" Saka alam mo, Itay."

" Ano pa iyon?"

May ibig pang ipaabot dito ang bata.

" Bago po ako dinala dito ni Lola. Ako na lang daw po ang magsabi sa inyong kanina kausap po ninyo sya dito....huwag na raw po kayong mag-alala sa kanya. Kanina pa pong kausap niya kayo, kayo raw po ay pinatawad na nya. At iyon ay dahil po sa akin at sa mga naging paki-usap ko sa kanya na patawarin na po kayo, gusto ko na nga po kasi kayong makasama, eh."

" S-salamat, anak. Salamat kung ito ay totoo."

" Totoo ito, Itay. Di na po ako multo sa inyong paningin."

Para maniwala pa si Jack. Bumitaw ang bata sa pagkakayakap. Niyaya sya nito sa bukas na bintana ng silid,nanungaw sila.

Nasa tapat ng bahay at bintana ang multo ni Aling Lagring at ang kaluluwa ni Luna. Payapa ang mga mukhang kumakaway ang mga iyon sa kanila. Binabadya ang natapos ng kabayaran sa isang nilarong pg-ibig. Mula ngayon,ay wala na ang mga ligalig at takot.

" Wala na po, Itay!"

Matatahimik na ang lahat. Ikatatahimik na rin ng mga nasa kabilang buhay at daigdig.

" Jack!" saka isang tinig na iyon pa sa likuran nila ang naghari. Tinig ito ni Mikaela.

" Buhay parin ako, Jack. Bukal na rin ito sa loob ni Aling Lagring."

Sa isang nilikhang bilangguan na natatanuran ng iba't-ibang mga aliping malignong matandang makapangyarihan ay pinalaya na nito si Mikaela.

Pangako lang at isumpa nilang itataguyod nila ang apo nito. Kanilang mamahalin at paglilingkuran. Dahil kung hindi.

" Kapag hindi. Kapag hinfi natin ginawa, Jack. Higit pa sa dati ang ga-" di natuloy na sabi ni Mikaela.

Dahil niyakap na rin ito ni jack kasunod si Joel.

            MAKALIPAS ang isang taon namuhay ng mapayapa sila Jack. Inalagaan at minahal nila si Joel gaya ng habilin ni Aling Lagring. Biniyayan din sila ng anak na babae ni Mikaela.

Ngayon alam na natin na hindi dapat pinaglalaruan ang pag-ibig dahil hindi natin alam kung ano ang karmang maidudulot nito sa atin kapag ito'y ating pinaglaruan. Hanggang dito nalang po ang kwentong ito, sana po ay meron kayong natutunan. Maraming salamat po sa pagbabasa :D GODBLESS ALL ♥ ♥♥

                                                                    ********** WAKAS ***********

MULTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon