CHAPTER FIVE

754 16 1
                                    

                NANG mawala si Mikaela, naging pabaya sa si Jack sa sarili.Gabi-gabi syang umiinom para maglasing, pati negosyo ay pinapabayaan na rin. At halos hindi na rin sya lumalabas ng bahay. Laging nagkukulong sa loob ng silid nilang mag-asawa. Tuluyan na nga syang pinanghinaan ng loob. Isa mang payo at malasakit sa kanya ng mga malalapit na kamag-anak ay hindi nya pinahalagahan, lahat ay binigo nya.

Tanging si Bert na lamang ang nagtitiyaga sa kanya at nangako na hindi sya iiwan.

" Go ahead Bert, tumuloy ka!" " Salamat Jack, pare."

 " Anong atin, Bert? Kumusta na sa labas?"

 " Ang hirap ng nasa loob at laging nakainum ano? Parang hindi kana kasama ng tao at galaw ng mundo."

 " Haha! " natawa si Jack.

 " Ikaw, pare? Ikaw ang kumusta na?"

 " Eto, walang bago, okey lang."

 " Anong okey? Ayan at di ka pa nag-aahit ng balbas mo at may hawak  ka pang bote."

 " Anyway, Bert."

 " Anong anyway ha?"

 " Tungkol sa asawa ko at kay Tata Ador."

 " Iyon na nga ang ipinunta ko dito. Sabi ni Tata Ador pumunta tayo ngayon din sa kanya. May taong naghihintay sa atin sa bahay niya, malaki raw ang maitutulong sa atin."

 " Tao? Tao na naman? Ilang punta na ba tayo sa kanya, pero wala pa ring magandang nangyayari.!"

 " Baka sa isang ito na Jack."

 " Baka...." may pait na sambit ni Jack

 " Malay mo, natin di ba?"

Sa mga ganung lakad, nabubuhayan ng loob si Jack. Nagkakaroon ng pag-asa. Ilang beses mang mabigo, bumabangon at  ginugusto pa ring mabuhay. Huwag tuluyang mabaliw.

Magtatakipsilim na ng marating nila ang bahay  na pakay.

" Tulloy Bert, Jack. Tuloy kayo, nasa silid ko lang si Mang Menong at kanin pa kayo hinihintay." " May pag-asa n ho kaya tayo?" tanong ni Bert. Tahimik lamang si Jack.

Si Mang Menong. Edad sitenta. Gaya ni Tata Ador, isa rin itong 'MEDIUM" may taglay na karunungan at kakayahang makipag-ugnayan at manghuli ng mag ligaw na kaluluwa at mga masasamang espirito.

Isang antigong itim na bastong yari sa kahoy na kamagong ang pangunahin nitong ginagamit na kasangkapan. Nakaukit sa puluhan ang imhen ng isang Birheng may koronang tinik sa ulo. Ang anyo nito at pananamit ay di nagkakalayo at si Tata Ador, kapwa hapis ang muka at may mahahabang balbas at buhok, prang yung mga buhok noon ng mga kabataang kung tawagin ay mga hippie hippie ng dekada 70's. Di rin ito nagsasapatos. Sandalyas lang din gaya ni Tata Ador. Kung mahal na araw gayang ibang medium pumupunta din ito sa kagubatan para a isang banal na pagpapkain nila ng orasyon  sa kanilang gamit na karunungan at bertud.

NAPALAYAS at nagawang hulihin ang anumang uri ng ng masamang espiritung sumasanib at nanliligalig ng tao. Nakakausap ang kaluluwa ng mga sumakabilang buhay. Mga kaluluwa ng mga taong hanggang sa kabilang buhay ay balot ng pagkabalisa at di mapanatag.

Pinainum niya ng isang basong tubig na may orasyon si Jack. Sinundan ng pagsusuot ng kuwintas na lubid sa leeg. Inipitan ng isang bala ng baril sa isang bahagi ng daliri. Tinakluban ng puting kumot ang buong katawan.

Pagkaraan ay nangisay na lang si Jack sa upuan nito at nanigas na tulad ng isang patay. Nawalan ng malay, bumula ang bibig, parang nilason.

Kinabahan si Bert. Aalamin sana kung may nangyari di maganda sa kaibigan niya.

" Hayaan mo lang, buhay pang kaibigan mo, epekto lang yon at bahagi ng orasyon ni Mang Menong."

Kumalma naman si Bert. Napanatag ang loob.

" Ganyan.... huwag kang patalo sa mahinang emosyon ng tao. Pumanatag ka at tinutulungan lang natin at hindi pinapatay."

" N-nabigla lang ako, Tata. Nag-aalala." sabi ni Bert at muli ay hindi napigilan ang mag-alala ng makitang nagkaroon ng mga bahid ng sariwang dugo ang puting kumot ng nakataklob kay Jack.

" Hahaha!" tinawanan sya ni Mang Menong. " Dapat ay matuwa ka. Dumating ang pagkakataong hinihintay natin....tanda lamang iyan na parating na ang puwersang lumilikha ng bangungot at lagim sa kaibigan mo, iho," habol na wika ng matanda kay Bert.

MINSA"Y sadyang ang hirap kalaro at kalaban ang puwersa ng kadiliman. Pero, gayundin naman ang tao diba? Minsa'y sila pa nga ang higit na masama....karumal dumal. Tulad ng mga nagaganap na masake, pati mga bata, pinapaslang....rape1 Mga walang patawad...walang mga kaluluwa.....buti pa ang kampon ng kadiliman may kaluluwa....at least sila, batid nating sila ay kampong dapt iwasan. Ang tao! Hindi mo alam kung sino ang masama at mabuti.....magaling magkunwari.

Nang itaas ni Mang Menong ang baston niya, pinagpapalo na ang katawan ni Jack. Nagising ang lalaki na may iba ng tinig.

" Sabihin mo, sagutin mo ako. Sino ka sabi at anong kasalanan ng taong ito... "

 " Naghahanap kang talaga ng kamatayan mo, ha?" mistulang tinig iyon ng isang matandang babae. Galit. Nagbabanta kay Menong.

Lalaban ang MEDIUM, aktong hahatawin na nitong muli ang katawan ni Jack nang namangha ito gayundin sina Bert at Tata Ador. Lumitaw sa harapan ng medium ang multo ng batang gusgusin, dali daling dinuraan ang mukha ni Mang Menor, kulay berdeng likido ang dura nito. Durang berde na tumapos at nagbigay wakas sa buhay ng isang medium. Tulad ng isang mabilis na pagkalusaw ng isang kandila ay gayundin ang nangyari sa matanda.

" Hahahahahaha! at tinawanan pa ng bata ang nangyari at ito ay naglaho na lang bigla.

------------------------------------------------------

Mga apat na chapter na lang po ito malapit na ring matapos. Kung may mga hindi po kayo maintindihan tanong lang po kayo.... sorry sa mga typos baguhan lang po ako....hindi nga ako marunong gumawa ng cover pinag-aaralan ko pa hehehe

THANKS po sa mga nagbabasa :DD

MULTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon