Sa iba na raw pala nakatira ang taong kakilala ng kanyang kaibigang si Bert nang ito ay dumating at sunduin sya.
"Saan?" tanong ni Jack. "Dun sa tabing sementeryo ng La Loma." sagot ni Bert. "At dun natin sya ngayon pupuntahan Jack"
"Nagsabi ka ba na ngayon na rin natin sya pupuntahan?"
"Nagsabi ako kaya nga hinihintay niya na lang tayo"
"Ikaw, Bert.Ano ito sa palagay mo?"
"Mahirap magsalita Jack. Lalo na at wala pa akong isa mang karanasan sa mga bagay na yan."
"Liban sayo wala ka bang ibang alam?"
"Meron!. Ang lolo ko. Binata pa ito ng mapaglaruan siya ng TIYANAK sa probinsya namin. Takot na takot sya. Ramdam niya'y para na rin syang namatay. O, daig pa ng kamatayan, Jack."
"Tinangka ba syang patayin?"
"Hindi, Jack. Pero sa itsura ng pulang pula ang kutis niyon. Una mapulang hamak sa dugo. Ikalawa ay likas pa namang nuno ng duwag sa maligno ang lolo ko."
PUMAKO kay Jack ang salitang duwag. Alam niayng di sya ganon saang bagay man siya daanin at subbukan ng sinuman. Demonya man at impakto, halang ang kaluluwa ay kaya niyang harapin at tanggapin na nilulupig sya at nililigalig sa paraang hindi nya mauunawaan at mahanap ng ganap at tiyak na tugon kung bakit ito napaglalaruan.
"Di nag bat yun na ngayon itong lakad natin,?Ano pa ang gumugulo sayo. Ikaw pa rin ang maysabing lubos ang pag-asa mong ngayon palang sa tulong ng taong kakilala ko at pupuntahan natin ay tapos na ang lahat ng ito." "Paano kung hindi un mangyari, Bert."
"So, asahan mo bilang isang matalik na kaibiganmo, gaya ng mga lumilitaw saiyo, nasa likod mo ako, Jack! Hahanap tayo ng iba. At malapit lapit na tayo, Jack. Handa mo na ang sarili mo."
Tanaw-tanaw na nila mula sa kinasasakyang kotse ni Bert ang La Loma Cemetery. Ilang sandali pa ay mararating na nila ang taong pakay. Makakaharap na ito ni Jack. Malalaman na nito ang ugat at punot dulo ng kanyang mga kinakaharap na mga pagkaligalig.
"Teka ito nang....." "Ba't, Bert? Ano't pinasok mo itong sasakyan dito sa sementeryo, ha?" akala ko bay sa tabi lang nito nakatira ang kakilala mo?"
"Relax Jack. Baka kako pwese nating dalwin ang nitsong nanay ko."
"Dito ba nakalibing?"
"Oo."
Itinabi ang sasakyan niya sa isang mapaparadahan nila. Niyaya si Jack para samahan sa nitso ng inang yumao na
Lumang luma na nitso. Halos sira na at kulang nalang ay magiba na. Nasa isang gitnang bahagi iyon ng sementeryo. May mga katabing sa tingin ay palitan na rin.
Ilang sandali pa ay narating na rin nila ang nitso. Habang nag-aalay ng munting dasal si Bert sa nitso ng ina tinungo naman ni Jack ang lilim ng isang lamaking punong di kalayuan kay Bert. Dun nagpalipas ng oras habang hinihintay ang Kaibigan, hindi maiwasang isipin ang mga nakaraang pangyayari na lumiligalig sa kanya na hanggang ngayon ay wala paring kasagutan. Nang maya maya ay bigla na naman syang pinagharian ng takot. Kinilabutan at pinaninidigan ng balahibo dahil sa kanyang paningin ay bigla na lamang dumilim ang paligid ng sementeryo gayong iyon ay nasa kahapunan pa lamang.
"No! God! God!" gusto niyang isigaw ng makita nyang isa isang bumabangon ang mga bangkay mula sa hukay ng mga ito. Papalapit iyon sa kanya. Gusto syang lukubin ng mga naaagnas ng bangkay.
"Bert! Aaaaaaaaaahhhhhhhhh!" sigaw niya
Pero parang walang tinig na lumabas sa kanyang bibig. Wala na syang nagawa kundi napasandal na lamang sa punong kinatatayuan at hintayin ang mga bangkay na gustong lumapa sa kanya.
"H-ha?"
Ngunit hindi nangyari dahil unti unting naglaho na lamang ang mga bangkay na sana'y lulukubin sya. Maging ang paligid ng sementeryo ay bumalik na sa dating ayos nito. Si Bert, hindi parin tapos sa paghahandog ng panalangin para sa kanyang ina.
Nahimasmasan naman si Jack. Bumalik na rin sya sa reyalidad. Tagaktak ng pawis ang kanyang buong mukha. Nang makitang tapos na si Bert ay sinenyasan ito na umalis na sila. Tumungo sila sa sasakyan at pumunta na sa talagang sadya nila sa lugar na iyo.
"Nainip kaba kanina pare?" "Hindi naman Bert. Okey lang ako. Pero..."
"Pero, ano?"
"M-may nangyari na naman, Bert." at isinalaysay nya dito ang kababalaghang nangyari sa kanya habang ito ay taimtim na nagdarasal. Sa halip na matakot ay nagbiro pa si Bert.
"Nakita mo ba ang nanay ko? Maganda pa rin ba? Kamukha ko, lalo na kung naging babae rin ako."
At natawa naman si Jack.
"Ganyan. Easy lang Jack. Don't worry be happy!" biro parin ni Bert. Kalmanteng kalmante ito sa pagmamaneho.
Di naman tumagal ay narating na nila ang pakay na bahay. Bumaba ang magkaibigan, kumatok sa pinto.
"Tata Ador! Tata Ador!" tawag ni Bert. Habang patuloy ang pagkatok sa pinto.
"Wala yatang tao, Bert?" "Puwede bang wala'y nagsabi na nga ako kanina sa kanya, baka nakatulog lang, lalabas yon."
Ilang katukan pa ay wala parin nagbubukas ng pinto, nangahas na iyong itulak ni Bert. Natuklasan nilang bukas at di nakakandado.
"Tara, pasok tayo Jack." "Teka, masamang......."
"Huwag mo nang isipin yon, kay Tata Ador at sa akin, pwede kahit walang abiso."
Umayon si Jack. Pumasok sila sa bahay. Halos lahat ng kasangkapan sa loob ng bahay ay antigo pati upuan ay sinauna. Sa dingding ng bahay ay may lumang larawan na nakaagaw ng pansin ni Jack. Nakalagay doon ang anyo ng lalaking pakay nila.
"Tama, Jack siya si Tata Ador. Kuhang larawn niya iyan noong kabataan niya at kakisigan kinababaliwan at sinamba ng marami. Nang maraming babae na isa man ay walang pinakasalan at naanakan. Bakit kamo Jack?"
"Bakit, Bert?" "Baog si Tata Ador. Sinira ng sumpa ng isang masamng espirito na nakalaban niya at napatay ang kanyang karapatang magtuluyang malagutan ng hininga ang masamang espirito."
"A-anong masamang espirito ang nakalaban at napatay niya?"
"Ang tanda ko, ayon sa kuwento nya sa akin, isa iyong Mandurugo."
"Ha? MaMandurugo?"
..................................................
Ano ang Mandurugo? Ito rin kaya ang gumagambala kay Jack? hmmm alamin nyo sa susunod na update :DD
@zed28love tnx po sa pag-encourage ♥
