The Announcement

80 7 0
                                    

Dumating na ang oras para sa announcement ng winner pero walang Miggy ang bumalik sa stage.

Kumpleto na rin ang kabuuang bilang ng mga boto sa text, online at mga judges.

Unang i-aannounce ang Top Votes ng Male Campus Crush.

"The winner of Male Campus Crush is....(Drum Beat)....Mr. Harry Trujilloooo!"

Umingay, dumagundong, tilian ng marinig ang pangalan ni Harry halos nagkakagulo na sa paseo ng campus. Si Harry naman ay di maka paniwala sa pagkapanalo niya dahil alam niyang may gagawin si Miggy kababalagahan.

Agad siyang niyakap ni Jane at kinongratulate at sinabing "Duda ka pa ba? Bakit parang tulala ka?" Ngumiti lang si Harry at kumindat sa kanya.

Maraming gusto manalo si Jane dahil sa love team na nabuo nila Harry sa sandaling panahon na iyon. Pero matinding contender talaga si Olivia pag dating sa hatak sa botohan, hindi lang dahil sa malakas ang impluwensiya ni Miggy kundi pati na rin sa tagal niya na sa campus kumpara kay Jane na transferee lang.

Bago i-announce ang winner ng Campus Crush Female bumulong si Harry kay Jane.

"Kahit anong mangyari ikaw lang ang gusto kong maging pair ko, always remember that." Sabay holding hands ang dalawa. Pero teary eyed lang si Jane na parang tuliro at di na umaasa pa.

Oras na para i-announce naman ang Top Votes ng Female Campus Crush. Ito' y kaabang abang dahil dito malalaman kung sino ang magiging Campus Crush Pair sa taong ito.

"The winner of Female Campus Crush to be paired to Mr. Harry Trujillo is......

(Drum Beat).......Ms. Olivia San Joseee!!!!"

Hindi alam ni Harry kung ano ang magiging reaksyon niya kung matutuwa ba siya o malulungkot. Dahil ang taong minahal niya ay may pagkakataon siyang makasamang muli. Subalit may bumabagabag sa kanya ang sandaling samahan nila ni Jane ay di niya kayang basta lang iwan.

Dahil sa pagkatulala di niya napansin nawala sa tabi niya si Jane. Hinanap niya ito pero di niya makita hanggang tawagin na siya sa stage kasama si Olivia para ipakilala sa mga tao.

"Our Campus Crush Pair Harry Trujillo & Olivia San Jose" maingay sa campus bumabagsak na ang mga confetti na kasabayan sa paglipad ang isip ni Harry.

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ni Harry nang makaharap niya si Olivia sa stage.

"Alam ko ito yung gusto kong mangyari makasama lang kita muli, pero bakit biglang-bigla nag iba parang hindi ako masaya? Bakit si Jane ang nakikita ko hindi ikaw Olivia? salita sa isip niya habang kaharap ang ex niyang si Olivia.

"Congratulations Harry! We both deserve this! Pakita mo naman sa kanila gusto mo ko makasama, hindi yung nakatayo ka lang diyan. Hindi ka ba magiging sweet tulad ng ginagawa niyo ni Jane?" paakit ni Olivia.

Ginawa na lang ni Harry kung ano ang gusto ni Olivia. Habang nasa stage sila, lumingon si Harry sa kaliwa at nakita niya si Jane paalis na. Bumaba siya ng stage kahit nakakahiya dahil iniwan niya mag-isa si Olivia at hinabol si "Jane! Jane! Jane!" sigaw ni Harry.

Isang di inaasahang tagpo ang nakita niya sa malayo habang hinahanap si Jane. Nakita niyang magkausap si Miggy at Jane, agad siyang lumapit dito na may inis. Paglapit niya nawala na si Jane at hinarang naman siya ni Miggy.

"Congrats! Harry! Wag kang mag-alala kay Jane! Kinongratulate ko lang si Jane at di ko siya aagawin sa iyo, di tulad mong mang-aagaw." selos na sabi ni Miggy.

"Wag kang magsalita ng ganyan di ko inaagaw ang gf mo, ginagalang ko kung anuman meron kayo. Bakit mo pala kinakausap si Jane?" galit na sinabi ni Harry.

"Kinongratulate ko lang siya for being Best Actress!" pagbubunyag ni Miggy.

"What!? Anong pinagsasabi mo?" gigil na sinabi ni Harry sabay duro kay Miggy.

"Di ba sabi ko sa iyo lahat gagawin ko, ang kaso sinubukan mo ko! Gotcha!!! Bitag ka sa pain ko! Lahat ng ginawa niyo ni Jane ay pawang palabas lang! Sarap ba?..."Girlfriend Snatcher!" payabang na sabi ni Miggy.

Sa sobrang galit at maiyak-iyak na si Harry, pinagsusuntok niya si Miggy na hindi naman lumaban. Nakita sila ng mga tao at nagkagulo na sa paseo. Pati ang mga supporters nila ay nag away-away. Humupa lang ang gulo ng makialam ang mga security at naawat din ang dalawa. Diniretso sila Guidance Office.

As usual napalabas ni Miggy inosente siya kasi di siya lumaban at nagpabugbog kay Harry, pinalabas niya na nagselos si Harry kaya siya nagwala. Hindi na ipinagtanggol ni Harry ang sarili dahil alam niyang wala rin pupuntahan.

Dahil sa insidenteng iyun, pina-hold ang Campus Crush Pair event. Kaya mukhang mauuwi pa ata sa wala ang lahat.

Marami ang sumisi kay Miggy dahil maraming naniniwalang di magagawa ni Harry mag umpisa ng gulo. Pero ang ilan ay galit din kay Harry kaya humingi siya ng sorry sa nagawa niyang gulo.


(Please Comment and Vote once you read thanks for supporting guys!)


My Campus Crush PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon