When Harry met Jane

109 6 0
                                    

Kinabukasan nagreready na si Harry papuntang school para ikampanya ang sarili sa Campus Crush Pair, biglang tumawag ang handler niya na meron daw siyang schedule na pictorial sa isang kilalang magazine para sa araw na iyon at hindi niya maaring ipa cancel dahil sa laki ng proyekto. Kaya wala na namang Harry sumipot sa campus.

Sa pictorial ni Harry habang inaayusan siya biglang may pumasok na naka mint green head wrap headband, simple at napakagandang babae.

Napatitig ng husto si Harry at parang nakikita niya si Olivia sa porma ng babaeng ito. Nakukuha nito ang atensyon niya kaya agad siyang nagtanong "Siya ba ang kasama ko ngayon sa photoshoot? tanong ni Harry sa beking assistant niya.

Sumagot ang beking assistant "Siguro, kanina pa siya dito eh."

"Kung kanina pa siya dito dapat inaayusan na siya di ba?" nakangiting tanong ni Harry.

"Hindi na niya kailangan ayusan maganda na ang lola mo, type mo siguro sir maganda siya eh bagay kayo" sabi ng beking assistant.

"Napaka intrigera mo talaga para nagtatanong lang eh!" sabi Harry

Bihirang mag tanong si Harry sa mga nagiging kasama niyang babae kapag may shoot siya. Sa pagkakataong ito pag katapos ayusan si Harry at nagaantay ng tawag sa pictorial, nilapitan ni Harry ang babae na kanina pa niya gustong makilala.

"Hello! I'm Harry, mukhang magkasama tayo sa work ngayon ah, can i know your name?" sabi Harry

Biglang parang tumigil ang mundo ng magkatitigan ang dalawa hindi agad nakapagsalita ang dalaga.

"Uhm! Uhm! I'm Jane...Jane Romeo at your service."

"At your service?" tanong ni Harry.

Sa pagkakataong iyon nagtawag na ang director ng pictorial kaya di nasagot ni Jane ang tanong ni Harry. Sa set ng pictorial nakatayo si Harry at lumabas ang mga babaeng model para sa pictorial, palingon lingon si Harry wala siyang Jane na nakita sa mga modelo. Start na ng pictorial nakabukas ang naglalakihang mga ilaw katulad ng spotlight, soft light. Sa isang set ng pictorial karaniwan ng madilim ang mga lugar tanging flash at ilaw lang ang liwanag sa set, lumabas na ang dalawang photographer at nag umpisa ng mag pose ang mga modelo.

Habang nagpo-pose si Harry lumilinga linga ang mga mata niya, iniisip niya kung sino si jane sa pictorial team, hanggang sa mag pose si harry sa second photographer, pagclick isang malakas na flash na nakasisilaw, pag baba ng camera sa mukha ng photographer....si Jane ang nakita niya. Mistulang huminto ang mundo sa titigan ng dalawa. Ang ganda kasi ng photographer niya.

"What happen to you Harry?! Are you wasting our time here?! I need your emotions now, I need your excellent pose...Ok? please? Kaya di ka makunan ng maayos eh. Nawawala ka sa sarili mo" sabi ng inis na Direktor.

"Sorry direk, sensya na talaga" sabi ni Harry. Si Jane naman ay nangingiti lang na medyo kinikilig dahil sa mga gestures ni Harry pero di na lang nagpaapekto si Jane at ginawa na lang ang trabaho niya ng maayos.

After ng pictorial agad nilapitan ni Harry si Jane "Hi! Miss Photographer! Ok ka lang? You amazed me sa style mo sa Fashion Photography. Galing!" papuri ni Harry.

"Ok lang ako! Thanks! Ikaw din ang galing mong modelo alam na alam mo na yun mga dapat mong gawin kaya ang dali ng trabaho ko" naka ngiting sabi ni Jane.

"Ang galing kasi ng photographer ko kaya ang dali ng trabaho natin sana lagi tayong magkaroon ng project ang gaan mo kasing katrabaho eh." sabi ni Harry

Kinilig naman si Jane sa narinig niya kay Harry sabay sabing

"Kung pwede lang bakit hindi hehehe! Pero di kasi ako pwedeng mag full time dito, nagaaral pa ko I need to focus my studies first, sideline ko lang ang pagiging Photographer." pag amin ni Jane.

"Really! san ka nag-aaral?" tanong ni Harry

Nag-alangan si Jane sabihin ang school niya " Dyan sa may Q.C."

"Ah! Ok...anyway baka di ka busy ngayon gusto mong mag coffee muna bago umalis?" tanung ni Harry.

"Next time na lang may pasok pa ako eh." tugon ni Jane.

"Ganun ba, gusto mo hatid na kita? sabi ni Harry

"No! Ok na ako" sagot ni Jane

"Pwedeng makuha na lang cell number mo?" tanong ni Harry.

Sabay abot ng callcard kay Harry. "Business phone naman ito, wala ba yung personal phone mo?" tanong ni Harry.

"Di mo na kailangan ng personal cell number ko, we have small world! Madali lang akong makita diyan sa tabi tabi, Bye!" sabi ni Jane.

"What? Jane? anong sabi mo? pahabol na tanong ni Harry.

Pero umalis na nang tuluyan si Jane. Sinilip na lang sa bintana ni Harry at nakita niyang may nagsundo dito matipunong lalaki na may dalang kotse.

"Hmm! Kaya pala ayaw mo, may bf ka na, Ok! " mga katagang nasa isip ni Harry.



My Campus Crush PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon