Recovering

67 2 0
                                    

Pagkatapos ng isang mahabang kwento ni Tita Ditas napagdesisyunan nila na dalawin sa Ospital si Jane. Sa Ospital naabutan nila si Jane na gising na nakatitig sa bintana habang nakahiga.

"Jane, may bisita ka na gusto kang makita." sabi ni Tita Ditas ng makapasok sa kwarto ni Jane.

Nang makita niya si Harry agad siyang naluha at humingi ng tawad "I'm sorry! Harry! I'm sorry!" umiiyak na sambit ni Jane.

Sa sobrang miss ni Harry kay Jane niyakap niya ito. "I'm sorry too, Jane!" I'm sorry."

"Hindi ka na galit sa akin?" pabulong na sabi ni Jane.

"Wala naman dapat akong ikagalit sa'yo. Sorry talaga sa nasabi ko, kalimutan na natin yun. Ang mahalaga masaya tayo ulit nagkita ngayon, Ok? can you smile now?" sabi ni Harry.

Dun lang ulit ngumiti si Jane at niyakap niya si Harry. Si Tita Ditas naman ay sobrang tuwang tuwa sa nakitang umiiging kalagayan ni Jane.

"Hindi nga malayong ma in-love ka Harry, kung ngayon pa lang ganyan na kayo ka close." kinikilig na nasabi ni Tita Ditas.

"Tita...Ano ba yan?" nangingiting sabi ni Jane.

"Napaka sweet lang po talaga ni Jane and i think she need my hug." payabang na sabi ni Harry.

"Uy! Wag kang ano dyan, feeling ka masyado." pabiro ni Jane.

"Talagang feeling ako! After kong makita ang mga koleksyons mo!" sabi ni Harry.

"Huh!? Gosh!! Really? Titaaa?" nahihiyang nanggagalaiting sabi ni Jane.

"Don't worry! Jane! Dadagdagan ko pa yun! Marami kang kulang. Ngayon pang ang lakas mo sa akin." payabang ni Harry.

"Talaga!? Wala na pala akong itatago sa'yo. Nahihiya na ako." sabay talukbong ng kumot ni Jane.

"Uy! Ano ka ba? I'm very flattered nga eh! Nang makita ko iyun muntik na akong maiyak. Na inspired lalo ako magtrabaho." sabi ni Harry.

"So drama na naman tayo akala tapos na'to kanina pa. Haha!" pang-asar na sabi ni Jane habang nakatalukbong ang ulo.

"Sumeryoso ako bumanat ka na naman. Uuwi na nga ako." biro ni Harry.

"Uy! Wag....wag na wag kang uuwi ng wala tayong selfie. Hehehe!" tumatawang sabi ni Jane habang tinanggal ang kumot sa ulo.

"Ganern! Gusto mo maya't maya may bago kang selfie ko. Ok lang sa akin." sabi ni Harry.

"Wow! Yabang! Anyway Thanks! Maliit na bagay! Hehe! Joke! Hoy! Promise mo yan ah!" sabi ni Jane.

Nagkakaroon masayang usapan sa kwarto, lumabas agad ang pagiging makulit ni Jane at pagiging masayahin nito. Inabot na ng gabi si Harry at ang dami na nilang napagkwentuhan. Halos nalaman na rin lahat ni Jane ang mga nangyari sa campus crush event at ang nangyari sa kanila ni Miggy.

Dahil sa pagdalaw na iyon ni Harry, mabilis na gumaling si Jane. Ilang araw lang at nakalabas na rin siya ng Ospital. Lalo pang naging close ang dalawa dahil madalas silang lumabas magkasama.

Hanggang sa campus ay ang daming kinikilig sa pagiging close ng binansagan nilang "Harjane". At ang dami rin tumataas ang kilay, dahil imbes na dapat ay si Harry at Olivia ang laging magkasama naitsupwera na tuloy si Olivia. Kaya naman sinusulsulan si Olivia ng mga supporters niya pero hindi siya nagpapaapekto.

Nang makatiyempo si Olivia na hindi magkasama ang Harjane sa campus agad niyang kinausap si Harry habang may klase pa si Jane.

"Harry...Bakit?" palungkot na tanong ni Olivia.

"Huh?" pagtataka ni Harry.

"Bakit mo na lang ako laging ginaganito?" paiyak na sabi ni Olivia.

"Olivia? Hindi kita maintindihan, anong ibig mong sabihin?" tanong ni Harry.

"Lagi mo na lang akong iniiwan." umiiyak na sabi ni Olivia.

Namula si Harry sa narinig niya kay Olivia. Bigla na lang siyang nakonsensya ng maalala ang mga nakaraan nila ni Olivia pati ang iwan siya sa stage. Parang natulala pa si Harry na di makapagsalita.

"Ngayon may Jane ka na, sana di mo gawin sa kanya ang ginawa mo sa akin. Minsan sa buhay mo, magpakalalaki ka naman." sabi ni Olivia.

Hindi na alam ni Harry kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga sinabi ni Olivia. Minabuti na lang niyang hindi kumibo at umalis na lang na tumutulo ang luha. Pero si Olivia ay ayaw pa rin siyang tigilan at pinagsalitaan pa rin siya nito.

"Oh! Di ba? Kausap pa kita, wala pa kong naririnig mula sa'yo pero lalayasan mo na lang ako. Naawa ako kay Jane magiging katulad ko rin siya someday na biktima ng kaduwagan mo!" galit na sabi ni Olivia.

Kahit narinig ni Harry ang mga salitang iyun hindi pa rin niya pinatulan at tinalikuran na lang niya si Olivia. Nagdesisyon na lang si Harry umuwi dahil sa sobrang sama ng loob.


My Campus Crush PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon