Awakening

98 6 8
                                    

Para sa talent ni Harry, sasayaw sana siya pero naisipan na lang niyang kantahin ang favorite love song niya ang "More than you'll ever know." Intro pa lang ng kanta napatingin na si Olivia kay Harry. Dahil ang song na iyon ay theme song nilang dalawa nung sila pa.

Feel na feel naman ni Harry ang pagkanta sa first stanza habang pasulyap sulyap siya kay Olivia, nang pakanta na siya ng chorus nagulat siya ng makita niya ang kagigising lang na si Jane ay nasa audience at pinanonood siya.

"I love you more than you"ll ever know, I love you more than you'll ever see" bumaba si Harry para kunin si Jane paakayat ng stage habang kumakanta. Muli na naman naghiyawan at nagtilian ang mga tao sa kilig moments na yun.

Habang kinakantahan ni Harry ang nakatitig na si Jane sa kaniya, napansin ni Harry lumuluha ito, agad niya itong niyakap. Pinatong naman ni Jane ang ulo niya sa balikat ni Harry na parang natutulog.

"Next time please don't leave me, I'm scared!" bulong ni Jane habang umiiyak na lalo pang humigpit sa pagyakap. Habang tuloy lang si Harry sa pagkanta at para na silang nagswe-sweet dance.

Pagkanta ni Harry ng last lines "I love you more than you'll eveer...knooow!" Bumulong muli si Jane habang nakapikit "I love you too! and I love you so much!" Kahit napakaingay ng mga tao naririnig lahat ni Harry ang mga sinabing yun ni Jane, naramdaman niya this time ng buong sinseridad ang pag amin ni Jane na walang halong lokohan.

Pero may bumabalot na pagdududa sa pagiisip ni Harry sa mga inaasal ni Jane na mayroon di magandang nangyayari sa dilag, naisip tuloy ni Harry na meron siyang problema sa emosyon.

Ang tanging nakakakilig na eksena na iyun ay nagpatuloy hanggang sa matapos ang kanta. Tinapos ni Harry ang turn niya.

Ilang sandali pa natapos na rin ang ilang kalahok, iniintay na lang ang final tally ng mga boto at ilang minuto na lang ay sasabihin na ang panalong Campus Crush Pair para sa taong ito.

Di na mapakali si Miggy dahil sa layo ng lamang sa kanya ni Harry at si Olivia naman ay nananatili pa rin sa top votes, namemeligro siyang matalo ni Harry at magkaroon ng tsansa ang dalawa na magkalapit muli na ayaw mangyari ni Miggy. Bigla na lang itong may kausap sa cellphone at nawala sa stage.

Ang tagpong iyun ay inaasahan na ni Harry na gagawa ng milagro si Miggy, pero wala nang pakialam si Harry kung anuman ang kalabasan ng boto, ang inaalala niya ang kasama niyang si Jane na medyo tuliro pa rin.




My Campus Crush PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon