Mistaken for granted

61 1 0
                                    

Hinabol niya ulit si Jane at di niya na makita ito, hanggang makarating siya sa terrace ng school sa 4th floor. Sa kakahanap, nakita niya rin ito sa wakas na nasa gilid at umiiyak ng nakatalikod. Lumapit si Harry at agad niyang kinausap ito.

"I'm so sorry! I didn't mean to hurt you...I'm just true to myself...Mahirap lang kasi magmahal ulit pag sobra kang nasaktan sa dati mong mahal. Mahina ako! Duwag ako! Ayoko lang na darating ang panahon na masasaktan lang kita dahil sa kahinaan kong ito. Sorry talaga! Sorry!...Jane!?" pahayag ni Harry.

Sa pag-aakalang si Jane ang kausap, natulala siya sa tagpong iyon dahil ang babaeng humarap sa kanya ay si Olivia at hindi si Jane.

"Ah...Akala ko...Olivia? Bakit ka umiiyak? Sinaktan kaba ni..?" napahiyang sabi ni Harry.

"Harry!? For almost 2 yrs. yan lang sana ang gusto kong marinig sa iyo. Ang sorry mo! Pero alam ko hindi para sa akin ang sinabi mong sorry ngayon. Atleast now marunong ka na palang magsorry. At nahirapan ka rin pala maka move on, akala ko dati ako lang kahit 6months lang yung naging relasyon natin. Pero sobrang sakit sa akin nun." naiiyak na sinabi ni Olivia.

Biglang naglabasan ang mga nakatagong team ni Olivia. Nag sho-shooting pala si Olivia ng kanilang reality video project sa school about human behaviour. Ang sistema ng project a-acting si Olivia na umiiyak magisa at kung panu siya i-cocomfort ng mga taong makakapansin at lalapit kay Olivia habang nakatago ang mga kukuha dito.

Pero nagback-out na si Olivia sa pagkakataong iyun at mismong mga kasama ni Olivia ay takang taka sa kaniyang naging pahayag.

Nang makahalata na isang video project lang ang lahat. Sa kahihiyan umalis si Harry at dahan-dahan naglakad na naka yuko at lumong lumo na napahiya sa narinig niya kay Olivia.

"Sa dami ba naman ng babae si Olivia pa yun nalapitan ko nakakahiya talaga na i-video pa ko. Badtrip talaga 'tong araw na 'to laki pa ng atraso ko kay Jane. Malay ko naman na project ni Olivia yun Tsk! Tsk!" inis na sabi ni Harry.

Sa kabila na bad trip si Harry sa nangyari sa kanila ni Olivia. Mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang mga nasabi niya kay Jane. Dahil kabisado ni Harry ang schedule ni Jane sa araw na iyun. Hinanap niya ito sa bawat room na may subject si Jane. Sa Room 307 nakita ni Harry na umatend ng klase niya si Jane. Kaya nagantay siya sa labas ng room hanggang sa matapos si Jane.

Bell Ringing!!! (Naglabasan ang mga estudyante sa room.)

"Jane!!!" sigaw ni Harry.

"Oh! Harry! Hi!" palingon na sabi ni Jane.

"Pwede ba kita makausap?" tanong agad ni Harry.

"Sige! Tama gusto rin kitang makausap!" sabi ni Jane.

"Galit ka ba?" biglang tanong ni Harry habang naglalakad sa pababa sa hagdan.

"Hindi, bakit naman?" sinabi ni Jane na nakunot ang noo.

"Tungkol dun sa mga narinig mo kanina, wala yun ah! Pinagti-tripan kasi nila ako eh! Kaya ganun ang mga sagot ko." sabi ni Harry na pahina ang boses.

"Yun ba! No need to explain. Ok lang yun." sinabi ni Jane na hindi nakatingin kay Harry.

"Bakit pala bigla ka na lang sumulpot kanina?" tanong ni Harry na medyo alangan.

"Kakausapin sana kita, kaso busy ka sa barkada mo." sinabi ni Jane na kinakagat-kagat ang kanyang kuko.

"Oh! Talaga so hindi ka talaga galit sa akin?" tinanong ni Harry na nakangiti.

"Hindi nga! Kulit naman!" naiinis na sambit ni Jane.

"Kung hindi ka galit, bakit mo ko tinakbuhan?" tanong ni Harry.

"Huh!? Tinakbuhan? Panong di ako tatakbo eh! Late na ako sa klase ko. Hello?? Feeling ka naman!" Naiiritang sagot ni Jane.

"Ganun ba? Sorry talaga ah! Ano bang sasabihin mo?" tanong ni Harry.

"Mamaya na lang siguro may klase pa ako. Sige!" Paalis na sabi ni Jane.

"Wait lang!!!...Bakit nagbago ka bigla sa akin nung maalala mo si Joseph?" pasigaw na sambit ni Harry habang pinipigilan si Jane umalis.

"Hindi ko alam, siguro natauhan lang ako sa nangyari sa buhay ko." sabi ni Jane.

"Huh?" nalilitong reaksyon ni Harry.

"Iyon ang dahilan kung bakit gusto kita makausap. Para sabihin sa iyo na titigil na ako Harry! Gusto kong matutong ituwid ang buhay ko na walang ikaw." sinabi n Jane ng mukhaan kay Harry.

Huminga ng malalim si Harry na malapit ng maiyak ng marinig niya ang sinabi iyon ni Jane.

"Pero...Bakit? Ganun? Parang ang bilis naman ata." Pagtataka ni Harry.

"Ang paglayo sa'yo ang nakikita ko lang na paraan para maayos ko ang buhay ko. Makisama ka na lang Harry. Please!" Sinabi ni Jane na hindi mapakali.

"Kung yan ang gusto mo sige, pero wala ka sanang galit sa akin para matanggap ko na sa ganito lang natapos ang pagkakaibigan natin." Naiiyak na sabi ni Harry.

"Makakaasa ka Harry wala akong galit sa iyo. Kailangan ko lang talaga ayusin ang sarili ko. Biruin mo sa sobrang pagmamahal ko sa iyo. Yung importante tao sa buhay ko nakalimutan ko. Si Joseph na nagpahalaga sa kung sino ako at minahal ako nakalimutan ko dahil sa'yo. Pero salamat talaga sa tulong mo!" Pag-amin ni Jane sabay alis. Pero muli siyang inawat ni Harry.

"Jane!" paawang boses ni Harry.

"Harry, wag kang magalala. Oo, narinig ko lahat kanina ang sinabi mo tungkol sa akin. Buti narinig ko yun. Malaking tulong yun para sa akin na atleast nalaman kong wala naman akong dapat asahan sa iyo. Malinaw na sa akin ang lahat." Nakangiting sinabi ni Jane.

"Sorry!..Jane!..So...Sorry!.." Nahihiyang sabi ni Harry.

"Bye! Harry! Salamat!" Kumakaway na sabi ni Jane.

Pagtapos ng paguusap nila hindi makapaniwala si Harry sa mga nasabi ni Jane.

"Siya kaya talaga yung kausap ko? Ganun na lang ba yun? Kasalanan ko talaga ito. Masyado ko siyang pinagtutulakan lumayo sa akin. Ngayon lumalayo bakit parang mas di ko kakayaning mawala siya. Malamang may kinalaman si Olivia dito. Dapat magkausap kami." Mga salita sa isip ni Harry habang naglalakad palabas ng campus.

My Campus Crush PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon