Aiming for Olivia

126 6 0
                                    

Hindi na nawala sa isip ni Harry ang pagkakataon magkalapit muli sila ni Olivia at magkaroon ng tsansang magkabalikan muli.

"Ibig sabihin wala na sila ni Miggy, para sumali si Olivia sa ganitong event, para sa single lang ito...yes!!! Mukhang may pagasa akong makipagbalikan kay Olivia." mga salitang naglalaro sa isip ni Harry.

Kinabukasan ay nagkakaroon ng kumpulan sa Infoboard ng school, at naka paskil na ang mga litrato ng mga kasali sa Campus Crush Pair sinimulan na ang pagboto na aabutin ng limang araw. Kumuha ng 5 lalaki at 5 babae na naimbitahang sumali sa event kasama na nga dito sila Harry at Olivia na umaarangkada agad sa top votes.

Habang nasa bahay pa si Harry nag tetext na ang chubby barkadang niyang si Glenn. "Sumali ka pala Pare sa Campus Crush Pair panalo ka na tol ang layu na ng boto mo sa mga kalaban mo, teka pare sumali ka siguro dahil kay Olivia noh?"

Indenial si Harry kaya ito naging reply niya "Hindi ah, gusto ko lang ma try at di rin ako maka hindi sa mga organizers."

"Ows! Pare wag mo akong lokohin kilala kita pag dating sa ex mong si Olivia, pero alam mo rin bang kasali ang bf niyang si Miggy na top contender mo?" reply ni Glenn sa text.

Kinuha agad ni Harry ang Ipad niya ng mabasa ang message ni Glenn at nag check sa facebook page ng Campus Crush Pair, totoo nga na si Miggy Jacinto ang current boyfriend ni Olivia ay kasali. Biglang napanghinaan ng loob si Harry sa nakita niya at may halong selos na nararamdaman, kilala ni Harry si Miggy bilang isang anak ng maipluwensiyang pulitiko sa lipunan at lahat ay gagawin nito manalo lang silang dalawa ni Olivia. Pero umaasa pa rin siya na break na sila ni Olivia dahil nga sa pang single lang ang dapat sumali sa event.

Nagcheck ng tweet si Harry nabasa niya ang Direct Message sa kanya ni Miggy "Sana pare ang pagsali mo sa competition ay hindi dahil kay Olivia, wala ka rin mapapala kung siya lang ang dahilan, kasi kami pa rin. Pero lahat gagawin ko manalo lang kaming dalawa, gusto ko lang maging clear tayo sa isa't isa. Ok ba?"

Parang sinakluban ng langit si Harry ng mabasa ang message na yun. "Imbes na magreply sa DM na yun ni Miggy, nagtweet na lang si Harry sa kanyang 600k followers "No problem! Nothing to worry about." Nag favorites agad si Miggy sa tweet na yun.

Pero deep inside gustong mag back out ni Harry para wala na lang ganitong eksena, nag mindset na lang siya na hindi na lang pagpupursigihang manalo para wala na lang gulo. Dahil alam niyang mamanduhan lang ni Miggy ang competition.

Kaya naman marami ng nakapapansin kay Harry na hindi siya active gaano sa competition at hindi sumisipot sa mga interviews at caimpaign nila sa kabila na siya pa rin ang nagunguna rito. Nababawasan ng mga puntos si Harry pag wala ang presence niya tuwing may campaign event sila sa school.

Nag-aalala na ang mga kaibigan at mga tagahanga ni Harry, kaya napilitang tawagan ni Glenn si Harry "Pare, ano nangyayari sa iyo? Nasan ka ba? 2 days na lang ang natitira para ikampanya mo sarili mo? Di kaya masyado ka lang overconfidence kasi lamang ka pa rin sa voting?

"Overconfidence? di ah! Alam ko na kasi mangyayari diyan, 10k votes ang lamang ko after 3days lang 100 votes na lang ang lamang ko, mamanduhan ni Miggy ng husto yan para silang dalawa ni Olivia ang manalo" sagot ni Harry.

"Wala ka nga kasi eh, kaya naabutan ka na ni Miggy, saka kaya ka lang ba talaga sumali para makasama lang si Olivia? Alam kong kaya mong manalo pare, pero subukan mo naman may patunayan ka sa sarili mo hindi yun puro pa-cute ka lang dito sa campus, atleast pakita mo naman kay Olivia na di siya lagi ang habol mo, meron ka lang gustong patunayan sa sarili mo." sabi ng best friend niyang si Glenn.

Parang natauhan si Harry sa sinabing iyon ni Glenn "Thanks sa concern bro kaya bestfriend kita eh, pag-isipan ko pare marami rin akong raket sa modelling ng mga nakaraang araw, try ko tomorrow pumunta."




My Campus Crush PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon