Harjane Step

84 4 0
                                    

Ilang sandali pa, nagtunugan na ang cellphone nina Harry at Jane, nagtetext at tumatawag na ang mga kasama nila para papuntahin na sila sa paseo, dahil naguumpisa ng tawagin ang pangalan ng mga kasali sa event. Nagmadali si Jane at pinilit pa ring lumakad ng iika ika.

"Please don't do this, Jane." sabi ni Harry.

"Ikaw na nagsabi gawin ko na lahat ang kayang kong gawin, ang alam ko lang ay tapusin na ang kompetisyong ito, sige na mauna na ako. Thanks!" sabi ni Jane.

Nilapitan siya ni Harry at niyaya siya nito at inakay sa mas malapit na daanan papuntang event para konti na lang ang lakarin niya.

Sa pababang hagdanan diretso sa stage ng event di magawang makatapak sa hagdanan ni Jane dahil sa iniindang pilay nito.

Dahil nakita ni Harry na hindi kayang bumaba ni Jane, tinanggal niya ang panyong benda sa paa nito. Bigla niyang kinarga si Jane na parang kinarga ng groom ang bride niya, napayakap naman si Jane sa leeg ni Harry, "Trust me, Jane...Trust me" ang bulong ni Harry. Halos di na nakapagsalita si Jane kay Harry dahil sa sobrang sweet ng ginawa nito, napatitig nalang siya kay Harry habang karga siya nitong bumababa sa hagdanan.

Nang makita sila ng Host ng event at ng mga tao sa campus pababa sa hagdan, nagtilian ang mga ito at kanya-kanyang kuha ng cellphone para ma-ivideo ang nakakikilig na scene na yun at nag announce pa ang host ng "Please welcome ang ating newly wed Harry and Jane!" May nagpaulan pa ng confetti at nagpakalat ng petals sa hagdanan, sobrang ingay ng mga tao mistulang naging instant favorite love pair ang dalawa, binansagan silang "Harjane! Harjane! Harjane!"

Nakita ni Miggy ang ginawang iyun ni Harry dahil nasa stage na siya nung pagkakataong iyun, "Mukha talagang palaban ka Harry, alam ko plano mo, lahat gagawin mo mapalapit ka lang ulit kay Olivia, gumamit ka pa ng ibang babae, pero di kita hahayaan mapalapit kay Olivia" mga salitang naglalaro sa isip niya.

Si Olivia naman ay nakitaan ng insecurity ng makita niya ang tagpong iyon, lalo pa't napansin niya na halos lahat ng tao sa loob ng campus ay nag che-cheer na sa kanila. Agad nitong pinacheck sa kasama niya ang tally ng votes, "Don't worry Olivia you're still leading."

Good Job Harry and Jane that was brilliant nakabawi ka Harry ah! Kaya pala ang tagal niyong lumabas may gimik pala kayo, anyway thank you for that lovely grand entrance! Wow! sobrang kinilig ako dun! said by the event host.

Laking pagtataka nang dalawa dahil lahat ng nangyari ay pawang insidente lang at walang plano. Binaba na ni Harry si Jane sa upuan ngunit pinanindigan na nito ang gimik dahil isa pang pahabol na pampakilig ang ginawa niya.

Kinuha niya ang kamay ni Jane nag lie down knee at hinalikan ito. Muli na naman naghiyawan, tilian, kantyawan ang mga audience at sumisigaw muli ng Harjane! Harjane! Harjane!

Habang kanya kanyang kampanya sa sarili ang mga kalahok sa event at hindi pa turn magsalita ni Jane kinausap niya si Harry.

"Bakit mo ginagawa ito sa akin Harry? Kung ginagawa mo lang ito dahil gusto mong manalo ako at hanggang dun lang, mas gugustuhin ko pang matalo kesa may iba akong asahan sa iyo" pagbubunyag ni Jane.

"Kahit hanggang saan pwede mo kong asahan wag kang mag-alala ok? This is how I treat my best friend, gusto ko bigyan ka ng confidence sa competition ito, nakikita mo ba na gusto ka rin nang mga tao, gusto nila tayong dalawa kaya keep it up kaya natin ito. Mananalo tayo" pag mo-motivate ni Harry.

"Pero hindi yun eh, puro ka gusto, gusto ka, gusto nila eh pano naman yung gusto ko? Mas lalong lumalim lang pagtingin ko sa iyo. Parang masisiraan na ata ako ng ulo, barilin mo na nga lang ako" paghahayag ni Jane.

"Jane hanggang dito ba naman sa harap ng mga tao maguumpisa ka na naman." sabi ni Harry.

Dinikit ni Harry ang dalawang daliri niya (hintuturo at hinlalato) sa kanyang labi at dinikit ito sa labi ni Jane sabay sabing,

"Oh! ayan please! Jane! Pampa Good Vibes lang! Magconcentrate ka na!"

Bumanat si Jane "Sumosobra ka na ah! Last na yan! Sa susunod wag mo nang padaanin sa daliri mo...pwede b? chos!"

Natawa na lang si Harry habang ka text ang kaibigan niyang si Glenn. Pero kitang-kita naman sila ng mga tao sa kanilang lambingan.

Tumahimik na si Jane pero si Harry hindi niya sineryoso ang mga salitang iyon, binuhat muli niya si Jane para dalhin sa backstage at dun naghihintay si Glenn na may dalang Quick Relief Anti-Sprain Pain Spray, agad itong ginamit sa kaliwang paa ni Jane, wala pang 2 minuto nakatayo na siya ng maayos.

"Oh! Ano bilib ka na? Pansamantala pwede ka maka rampa mamaya pag tinawag ka." Lumapit si Jane kay Harry niyakap siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi "Thank You! Harry!"

Damang dama ni Harry ang halik at yakap na iyun ni Jane, na kahit siya mismo ay gusto niya rin halikan si Jane. Pero namayani pa rin sa isip niya na sadyang sweet lang na babae ni Jane na di pwedeng lagyan ng kulay ang lahat ng galaw niya sa kabila na ito ay open ang feelings sa kanya.




My Campus Crush PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon