The Breakdown

86 4 0
                                    

Tinawag na si Jane para rumampa at sigawan ang mga tao, napagtagumpayan niya ang pagrampang iyun sa kabila na meron siya iniindang pilay.

Sa Interviews sa kanya naging hot seat siya sa mga ibinigay na katanungan.

Anong masasabi mo Ms. Jane Romeo na naikokompara ka kay Ms. Olivia San Jose, dahil sa halos magkamukha kayo?

"Nakaka flattered po malaman yan dahil hinahangaan ko po si Olivia sa ugali at kagandahan para sa akin mas maganda pa rin siya pero we have our own identity, it's up to the voters na lang siguro ang huhusga kung sino sa amin ang gusto nila, pero ako I want to be me and I'm Jane Romeo at your service."

"What a nice answer came from a lovely lady Ms. Jane Romeo, ok this is your next question."

"Noong nakaraang interview mo absent si Mr. Harry Trujillo, inamin mo na crush mo siya sa competition ito at kung sakaling manalo ka siya ang gusto mong maging campus crush pair. Ngayon ba kayang mong sabihin sa harap muli ng maraming tao at sa presensya ni Harry ang sinabi mong iyon?"

Namutla si Jane at hindi niya expected ang question na iyon. Para sa kaniya ay napaka challenging sagutin dahil sa dami ng tao.

"Ah!..Eh!..Siguro?" nanginginig na nasabi lang ni Jane.

Sinumpong si Jane ng kanyang Mood Disorder na nakuha niyang sakit sa pagkaka-involve niya sa car accident dalawang taon na ang nakakalipas.

Tinitingnan lang siya ni Harry at pinakikiramdaman. Nang muling magtanong ang host "Ok ka lang Jane? Ang tanging nasagot niya lang ay "I want to sleep...I'm tired!" napaupo at humiga sa stage.

Nataranta si Harry agad dinala si Jane sa backstage para bigyan lunas sa pagaakalang nahimatay siya.

Medyo na shock ang host pero the show must go on "Anyway wala sanang mangyari masama kay Jane!"

May mga ilang tao nagalala pero ang iba naman ay natatawa sa nangyari.

Lalo na si Miggy na tuwang tuwa "Harjane! pala ah! hahaha! Sablay ka tuloy!"

Dinala si Jane sa First Aid para bigyan ng pantanging lunas pero nakonpirmang tulog nga ito sang ayon sa ilang medic. Medyo nawirduhan si Harry sa nangyari kay Jane pero andun pa rin ang pagaalala niya. Tuluyan na nga di natapos ni Jane ang turn niya sa event.

Mga 20 minutes din ang lumipas ng tawagin si Harry sa event, halos di na siya mapakali dahil sa pagalala pa rin kay Jane. Pero nasagot naman niya ng maayos ang lahat ng katanungan sa kaniya at kinampanya ang sarili.

Nagpahabol pa siya ng sweet messages kay Jane "To my sleeping beauty Jane, get well soon! Please catch my kiss to make you awake." sabay flying kiss ni Harry.



My Campus Crush PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon