"Pre!" Bumungad sakin si Kean pagpasok at pagpasok ko palang ng bar. Masyadong tahimik ang paligid at walang malakas na music. Nakakapanibago."Kanina kapa namin hinihintay, bakit ngayon ka lang?" Halata sa mukha nya ang pagkainip.
"Nasiraan ako ng sasakyan eh. Nagtaxi lang ako. Bakit hindi pa kayo nagsisimula?" Napakamot ako sa ulo ko.
Inakbayan lang nya ako at naglakad papunta sa mga kaibigan namin.
"Syempre, hindi magsisimula hangga't wala ang magiging best man ko." Bulong nya sakin.
"Ngayong kumpleto na tayo, let's start the party!" Sigaw ni Kean at sumenyas sya sa isang lalaki.
May mga waiter na nagserve ng mga alak at may mga babaeng umakyat sa stage at nagsimula ng magsayaw. Nagsimula silang magpatugtog ng malakas na music at halos ang iba nagsisigawan, dahil rin siguro sa mga babae.
Humingi lang ako ng isang baso ng alak at umupo sa gilid. It's Kean's bachelor party at ikakasal na sya. Nakakapanibago dahil dati, naglalaro lang kami ng basketball sa court at umiiyak pag hindi nakukuha ang mga laruang gusto namin, pero tingnan mo nga naman. Ikakasal na ang isa samin.
May mga lumapit saking mga classmate ko ng highschool at college na madalas kong kasabayang gumawa ng kalokohan dati. Lahat sila tinanong kong kamusta na ako at ano na nga bang nangyari sa buhay ko. I just gave them a wide grin and told them that I'm doing great.
"Oh, bakit parang nagmumukmok ka dyan? Bakit ayaw mong magsaya?" Umupo sa tabi ko si Kean at inabutan ako ng panibagong baso ng alak pero tumanggi ako.
"Alam mong matagal ko ng tinigil ang pambababae at paglalasing. Tsaka tama na 'tong isang baso lang." I said, grinning.
"Tangina, nagbago ka na nga talaga. Nasaan na yung dating Chase?" Umaktong naghahanap si Kean habang tumatawa.
"Nasa puso ni Melody."
Parehas kaming napatahimik bigla dahil sa sinabi ko. Nabigla ako sa sinabi ko at napangiti nalang. Damn, Chase. Why did you say that?
"Ikaw, bakit nga pala di ka mag-enjoy? Huling araw mo na 'tong single pre. Ikakasal kana kaya lubusin mo na." Pag-iiba ko ng usapan.
"Yun nga eh. Ikakasal na ako. Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako." Halata sa mukha nya na hindi sya mapakali at di alam ang gagawin.
"Bakit naman? Dapat nga maexcite ka diba?" Tanong ko. He looked at me.
"Sa sobrang excitement nga pre, kinakabahan na ako eh. Tipong maiisip ko palang na makikita ko si Maxine na nakasuot ng wedding gown, hindi na agad ako mapakali. Ang tagal ko ring naghintay. Ang tagal ko syang sinuyo. Ang tagal ko syang niligawan, tipong dumaan pa ako sa butas ng karayom. Naaalala mo ba nung sinabi ko sa kanya na liligawan ko sya?"
Napatawa agad ako nang maalala ko. "Oo, na-upper cut ka agad eh. Hanep!"
"She's different right? Nung una akala ko laro-laro lang lahat para sakin. Akala ko di ako seryoso sa kanya, pero nung tumagal narealize kong--"
"Tinamaan ka, pre." I patted his shoulder and gave him a teasing smile.
Ngumiti sya at napayuko. "What do you think? Ano kayang ayos at itsura nya habang suot-suot yun?"
"It's like the first time you saw her." I didn't know that those words would come out of my mouth.
Nagulat si Kean sa sinabi ko at biglang napangiti. He patted my shoulder. "Yeah. You're right."
"Puntahan ko na kaya sya ngayon?" Dagdag nya. Tatayo na sana sya pero pinigilan ko.
"Mag-antay ka. Hayaan mo syang mag-enjoy sa sarili nyang party."
BINABASA MO ANG
It's You Again, Kuya
Fiksi RemajaDK #2 Kung may pagkakataon kang maitama ang mga pagkakamali mo, palalagpasin mo pa ba ang pagkakataong 'yon?