4

1.4K 37 4
                                    

"Lo, bumalik na po sya." 

Kasalukuyang nagbebenta ng lobo si Lolo Ernie sa isang bata, pero napatigil sya sa saglit dahil sa sinabi ko. 

"Yung Melody na lagi mong kinikwento sakin?" Halata sa mata nya ang pagkagulat, pero agad din syang ngumiti.

Inayos ko ang upo ko at napatingin sa mga taong naglalakad at nag-iikot ikot sa park. "Opo. Kahapon nakita ko sya sa kasal ng bestfriend ko. Ang ganda ganda nya. Halos lahat sa kanya, nagbago. Panananamit, pagsasalita, kahit ngiti nya nagbago din. Sinubukan ko syang lapitan pero wala eh, natatameme lang ako." Napakamot nalang ako sa ulo ko. 

Umupo si lolo Ernie sa tabi ko at tumingin din sa mga taong dumadaan. "Naalala ko tuloy yung mga panahong nakita ko ulit ang asawa ko noong hindi ko pa sya pinapakasalan. Ganyang ganyan noon ang naramdaman ko."

Tumingin lang ako kay lolo Ernie at inantay syang magkwento. Nakita ko kung gaano na karami ang puting buhok nya at kung gaano na sya nilipasan ng panahon. Naaalala ko nung panahong mag-isa ako at naglalakad sa ilalim ng malakas na ulan. Nang mga oras na 'yun, hindi ko alam ang gagawin ko lalo na't iniwan na ako ni Melody. Pero si lolo Ernie, pinayungan nya ako at dinala sa maliit na bahay nyang gawa sa kahoy. Inaapoy na ako ng lagnat ng mga panahong 'yun, at inalagaan nya ako. Napatingin ako sa kanya noon, at nakangiti lang sya sakin. Dun ko lang napagtanto na sya yung kinwento sakin ni Melody na nagtitinda ng lobo sa park. Ang matandang lalaking hindi naaalis ang ngiti sa labi. Ang matandang lalaking kahit marami ng pinagdaanan, nagagawa paring ngumiti. Kaya pagkatapos nun, lagi ko na syang pinupuntahan sa park para tulungang magtinda ng lobo pagkatapos ay papasok ako sa school. Minsan ako nalang rin ang bumibili ng lobo nya, pambayad sa kabutihang ginawa nya sakin. Si lolo Ernie? Sya rin ang naging inspirasyon ko para makabangon. Kahit may trabaho na ako at marami nang nangyari sa buhay, hindi ko parin sya nakakalimutang dalawin.

"So, nung naging kayo, naghiwalay rin pagkatapos ng isang taon?" Tanong ko kay lolo Ernie pagkatapos nyang magkwento.

"Oo. At pagkatapos ng isang taon pa ulit, nagkabalikan din kami. At nung bumalik sya sakin, hindi ko na sya pinakawalan ulit at hiningi ko na ang kamay nya." Sabi nya sakin at tumawa.

"Pero lolo Ernie, di naman kami katulad nyo eh. Hindi naman naging kami ni Melody. Tsaka limang taon syang malayo sakin. Pakiramdam ko, nakamove on na 'yun."

"Pag totoong pagmamahal yan, hindi yan kumukupas. Bakit ang pagmamahal mo sa kanya, kumupas ba?" Tanong nya sakin.

Mabilis naman akong sumagot. "Syempre hindi lolo. Kahit kailan hindi nagbago. Mas lalo pa ngang nadagdagan eh."

"Malay mo, ganun din ang kanya." Nakangiting sabi nya.

Hindi ko alam pero agad nalang akong lumuhod at pumulupot sa paa nya.

"Pero lolo Bernie, nababakla talaga ako pag dating sa kanya. Hindi ko alam kung bakit natatameme ako at nawawala ako sa sarili ko pag lalapitan ko palang sya. Ang ganda ganda nya tsaka naaalala ko yung mga kagaguhang ginawa ko sa kanya. Nagsisisi ako. Nahihiya ako sa kanya." Nakangiweng sabi ko. Hindi ko akalain na magiging ganito ako kay Melody.

"Alam mo, kung papairalin mo ang takot at hiya, walang mangyayari sayo apo. Sa ginagawa mong yan, binibigyan mo lang ulit sya ng pagkakataong makalayo sayo." Umupo si lolo Ernie at ngumiti sakin.

"Ipaglaban mo sya." Hinapos haplos nya ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit nagflashback rin lahat ng sinabi sakin ni Kean kagabi.

"Akala ko ba gagawa ka ng paraan para hindi na sya ulit mawala sayo, pero bakit papatay patay ka dyan? Bakit di mo pa lapitan?"

"Tss. Sa kakaganyan mo, baka maunahan kapa."

"Alam mo, panigurado hihingin nyan number ni Melody. Tapos magiging magkaibigan sila. Lalabas. Hanggang sa magkamabutihan. Tapos liligawan si Melody. Sasagutin naman nya. Tapos tatagal sila--"

It's You Again, KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon