9

1.2K 30 2
                                    

"Kahit gusto kitang tulungan, kung ayaw nya talagang makita ka.." Kean looked down. "Wala akong magagawa." Hinawakan nya ang balikat ko at tumingin sa bintana ng bahay nila.

"Wala ka bang balak umuwi? Kanina ka pang madaling araw dito. Mag-aalas onse na ng gabi eh." Dagdag nya.

"Ayokong umalis na hindi ko manlang sya nakakausap ulit." Kahit masakit na paa ko kakatayo, pinilit ko paring tumayo ng maayos. Napatingin ako sa bintana sa pangalawang palapag ng bahay nila. Nakita ko na bukas pa ang ilaw at alam kong gising pa si Melody.

Sumandal sya sa pader at napakamot ng ulo nya. "Alam mo ba kagabi, pumunta sya dito ng umiiyak. Tinatawag si Maxine." Bigla syang tumingin sakin. "Ano ba ang nangyari kahapon, Chase? Akala ko ba aayusin mo 'to?"

Pagkatapos umalis ni Melody kahapon, hindi nagawa ng mga paa kong sundan sya. Sa t'wing naalala ko ang mukha nya habang walang tigil sa pagtulo yung luha nya, may kung ano sa dibdib ko na sobrang sakit. Lahat 'yon dahil sakin. Lahat ng nangyayari, dahil sakin. Dahil sakin kaya nawala yung mga ngiti nyang abot tenga. Dahil sakin, unti-unting nawawala ang dating sya. Dahil sakin, nagbago sya. At ang guilt ang pumipigil sakin para habulin sya. Hanggang sa naalala ko kung paano nya ako tingnan at kung paano sinasabi ng mga mata nya na kailangan nya ako. Gusto ko syang yakapin. Gusto ko syang halikan. Gusto kong sabihin sa kanya na gusto kong bumalik kami sa dati. Gusto kong malaman nya na kulang ang isang pangungusap para masabi ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Ayaw ko na ulitin ang pagkakamali ko dati na wala akong ibang ginawa para hindi sya mawala sa akin. Kaya inalam ko kung saan sya pumunta at kahit inabot ako ng madaling araw at magdamag sa byahe, pinuntahan ko parin sya sa bahay nila Kean. Ilang oras ako nag-antay ng pagkatagal tagal pero magmamadaling araw na, hindi nya parin ako nilalabas.

"Ako ang may kasalanan ng lahat." Napayuko ako.

Bumuntong hininga sya at tumingin sakin. "Gusto mo ba munang pumasok?"

"Gago, kanina pa ako nandito. Ngayon mo lang tinanong yan?" Agad ko syang sinamaan ng tingin at agad naman syang nagpeace sign sakin. Bestfriend ko ba talaga 'to?

"Hindi na. Mukhang ayaw nya akong makita. Mas lalo ko lang syang papahirapan. Mag-aantay nalang ako kung kelan handa na syang kausapin ako ulit." Dagdag ko.

"So mag-aantay ka lang dito? Umuwi ka kaya muna." Napakamot sya ng ulo at bumuntong hininga.

"Dito lang ako. Aantayin ko sya."

"Sigurado ka?" Tanong nya at halatang hindi tinanggap ang sagot ko.

"Kean.."

Magsasalita palang sana ako ng biglang lumabas si Melody ng gate at nakatayo sa tapat nito. Nagulat kaming dalawa ni Kean at napatingin sa isa't isa. Agad ko syang sinenyasan at mukhang nagets nya naman agad kaya pumasok sya ng gate.

"Una na 'ko sa taas." Mabilis na naglakad si Kean papasok ng bahay nila at kaming dalawa nalang ni Melody ang nasa labas. Hindi nanaman magkandamayaw sa pagkabog 'tong dibdib ko. Pinilit kong umakto ng normal kaso ang hirap.

"Hindi ka ba uuwi?" Nagulat ako ng bigla syang magsalita at umupo sa mataas na bahagi ng semento. Agad ko syang sinundan at umupo din.

"Ayaw kong umalis ng hindi manlang kita nakakausap." Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din sya sakin. Nakita ko kung gaano kaganda ang mata nya sa ilalim ng buwan.

Inabot kami ng ilang minuto at nanatili lang na tahimik. Hanggang sa biglang bumuntong hininga si Melody at nagsimulang magsalita.

"Sumama ako kay mama sa Canada kasi akala ko makakamove on ako. Akala ko mahahanap ko yung sarili ko dun. Akala ko mabubuo ko ulit yung sarili ko. Pero--" Tumingin sya sakin at nakita kong may namumuong mga luha ulit sa mata nya. "Pero hindi pala. Sinubukan kong tumakbo palayo, umaasa na makakalimot, matatanggal yung sakit, pero hindi pala. Sa t'wing nakikita kita, bumabalik lahat lahat ng sakit." Ngumiti sya at nakita kong unti-unting tumulo ang mga luha nya. Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang luha nya.

Bigla akong napayuko at nakaramdam nanaman ako ng mga kirot sa dibdib ko. "Akala ko dati, hindi ko kailangan ng ibang tao para maging masaya. Kontento na ako sa kung anong meron sa buhay ko. Bar dito, bar doon. Babae dito, babae doon. Anong silbi ng lintik na pagmamahal na yan na sinasabi nila kung masasaktan ka lang rin naman?" Bigla akong napatawa. "Hanggang may isang babaeng dumating sa buhay ko na walang ibang ginawa kundi lutuan at hatiran ako ng pagkain araw-araw. Babaeng walang ginawa kundi sundan ako, guluhin ako.. at mahalin ako. Wala syang ibang gusto kundi makapasok sa buhay ko. Wala syang ibang hihilingin kundi kaligayahan ko. Ako dapat ang una at sya ang pangalawa. Mas pipiliin nyang maging masaya ang iba, kahit saka na yung kaligayahan nya. Pero lahat yun, sinamantala ko. Nang mawala sya, dun ko lang nalaman na hindi ko pala kayang mawala sya sa buhay ko. Hindi ko pala kayang hindi sya nakikita at nakakausap araw-araw. Hindi ko pala kayang hindi nakikita yung mga ngiti nyang abot tenga at yung pagkain na dinadala nya sakin araw-araw. Hindi ko pala kayang wala sya sa tabi ko." Pinunasan ko ang luha ko at napangiti.

"Kaso napagod sya. Gago kasi ako eh. Nasa akin na nga, pinakawalan ko pa. Pinaramdam ko na wala syang kwenta kahit ang totoo, sya lang ang dahilan kung bakit ako gumigising araw-araw. Tangina, mahal ko 'yun eh. Ang tanga ko dahil kung kailan sya nawala, do'n ko lang nalaman yung halaga nya. Na sa dinami dami ng tao sa mundo, ang swerte swerte ko dahil ako yung minahal nya kahit hindi ako kamahal mahal."

Narinig kong biglang napahikbi si Melody at napatingin ako sa kanya. Kusa nalang gumalaw ang mga kamay ko at yinakap sya ng mahigpit. "Sorry kung dahil sakin, nahihirapan ka. Sorry kung dahil sakin, nasasaktan ka."

Hindi ko alam kung ilang sorry na nga ang nasabi ko. Siguro, kung may ibang taong nakakarinig sa mga sinasabi ko, maririndi dahil sa kakasabi ko ng sorry. Pero kulang yun kumpara sa lahat ng mga kagaguhang nagawa ko sa kanya. Kung pwede nalang sanang kuhanin lahat ng sakit na nararamdaman nya at ako nalang ang magdudusa. Basta wag lang sya.

Nanatili kami sa gano'ng sitwasyon ng halos matagal na oras. Hindi kami nagsalita pareho. Yakap yakap ko lang sya ng mahigpit. Hindi nya alam kung gaano ko katagal hinintay na mayakap sya ng ganito. She's my home. And always will be.

"Kulang ang limang taon." Sabi nya at tumingin ulit sa langit para tingnan ang mga stars.

"I know." Ngumiti rin ako sa kanya at hinawakan ang buhok nya. "Pero masaya ako dahil pagkatapos ng limang taon, nasabi ko sayo lahat 'to. Nakausap at nakita kita ulit."

Tumayo kaming dalawa at yinakap ko sya ulit ng mahigpit. "Mahal na mahal kita." Hinalikan ko ang noo nya dahilan para mapaiyak sya ulit.

"Alam mo ba kung gaano ko kagustong marinig 'yan sayo?" Bigla syang ngumiti habang tumutulo ang luha nya. Pinunasan ko ang pisnge nya sa huling pagkakataon.

At pagkatapos kumawala na kaming dalawa. Unti-unti syang naglakad papalayo sakin at ganun din ako. Kahit masakit, dahan dahan akong naglakad palayo sa kanya. Pero humarap ulit ako sa kanya at nakita kong ganun din sya.

"Kung magkikita ba tayo ulit--" Hindi natapos ang sasabihin ko dahil bigla rin syang nagsalita.

"Tingnan nalang natin." Ngumiti sya at naglakad na papasok ng gate.

Hindi kami nagpaalam sa isa't isa, at alam naming dalawa na hindi na 'yon kailangan. I looked at her again. At sa di inaasahang pagkakataon, napangiti ako.

At pagkatapos ng pangyayaring 'yon, hindi ko na ulit sya nakita pa.

It's You Again, KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon