"Pucha. Mukha akong bakla dito!" Bulong ni Kean sakin habang inaayos ang palda nya.
"Wala ng extrang damit, mabuti nga napahiram pa tayo. Tiisin mo nalang." Sabi ko habang may dala dalang tray ng pagkain papalapit sa isang customer pero nakafocus lang ang atensyon ko kay Melody at kay Christian. Napapahigpit ang hawak ko sa dala dala kong tray sa t'wing nginingitian sya ni Melody.
"Sus. Madali lang sabihin sayo yan dahil nakapanglalaki ka. Gag* ikaw kaya magsuot neto huh?!" Inis na sabi nya.
Tumingin ako kay Kean at di ko maiwasang matawa. Mukha syang babae sa suot nya dahil nakasuot sya ng pangbabaeng uniform. Ito kasi ang binigay ng lalaking waiter kanina, kapalit ang ten thousand na binigay namin sa kanya. Bigla kong kinuha ang cellphone ko at agad syang kinuhanan ng litrato.
"Ang cute kaya. Tanungin pa natin asawa mo." Sabi ko at nagkunwareng senesend ang picture sa asawa nya.
"Tangin-- pag senend mo yan kay Maxine magkalimutan na tayo!" Sabi nya at sisikuhin sana ako pero tinawag kami agad ng isang costumer kaya agad kaming lumapit.
"Wag kang gagawa ng iskandalo." Bulong sakin ni Kean at naglakad palayo para dalhin ang order ng isang customer.
Halos isang metro nalang ang layo ko kay Melody at sa hunghang na kausap nya. Pilit kong nilalapit ang tenga ko sa kanila pero hindi ko sila marinig. Kung ano ang nararamdaman kong init ng ulo kanina, mas lalo pang nadagdagan ng hinawakan ng lalaking yun ang pinge ni Melody, hindi pa sya nakuntento at kinurot nya pa.
Habang hawak hawak ang tray na puno ng pagkain, hindi ko inaalis ang tingin sa kanilang dalawa kahit habang naglalakad na ako. Pinilit kong ilapit ang tenga ko pero hindi ko talaga marinig.
"Your order sir." Sabi ko habang nakatingin lang kay Melody na kasalukuyang nakangiti. Nakita kong unti-unting lumungkot ang mga mata nya, dahilan para makaramdam nanaman ako ng kirot sa dibdib ko.
"Hindi mo manlang ba ilalagay sa table ko? Hahawakan mo lang yan?" Narinig kong tanong ng customer. Ilalagay ko na sana sa table nya ang order nya ng bigla ko nalang nakita ang luhang tumutulo galing sa mata ni Melody.
"Pagod na pagod na ako, kuya."
Sa isang iglap, biglang bumalik sa alaala ko ang mukha ni Melody, habang tumutulo ang mga luha galing sa mata nya. It was a memory, happened five years ago. Ang panahon kung saan unti-unti na syang sumuko.
Biglang sumikip ang dibdib ko at bumilis ang paghinga ko.
Agad kong nabitawan ang tray na hawak hawak ko at hindi ko namamalayan na tumatakbo na ako palapit sa kanya. Agad kong sinuntok si Christian at napaupo sya sa semento. Kitang kita ko ang gulat ni Melody ng makita nya ako at agad ko syang yinakap ng mahigpit. Kahit isang salita, wala akong narinig sa kanya. Nang kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya, hinawakan ko agad ang magkabilaang pisnge nya at nilagay ang ilang hibla ng buhok nya sa likod ng tenga nya.
Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo galing sa mata nya. "Nandito na ako. Tahan na." Hinaplos ko ang buhok nya at yinakap sya ulit ng mahigpit. Naramdaman ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso nya. "Sinaktan ka ba nya ha?"
Magsasalita pa sana ulit ako ng biglang may humila ng braso ko at nakita ko si Kean na hindi maipinta ang mukha.
"Kailangan na nating umalis!" Agad akong napatayo at nakita ko ang lalaking pagbibigyan ko sana ng order nya na ngumangawa na sa hapdi dahil sa init ng sabaw na natapon sa kanya. Nakita ko rin na may lalaking papalapit samin na may katandaan na at kung di ako nagkakamali, 'yon ang manager ng restaurant.
Hinila ako ni Kean at unti-unti na naming nararating ang pinto palabas pero hindi naalis ang tingin ko kay Melody. Nakatingin rin sya sakin at halata parin sa mga mata nya ang pagkagulat.
BINABASA MO ANG
It's You Again, Kuya
Genç KurguDK #2 Kung may pagkakataon kang maitama ang mga pagkakamali mo, palalagpasin mo pa ba ang pagkakataong 'yon?