8

1.1K 33 2
                                    

Malalim na ang gabi at hindi ko magawang makatulog. Hindi ako magkandamayaw sa kakahikab dahil sa sobrang antok at mapapahawak nalang ako sa mukha ko dahil sa sakit. Sya ang dahilan ng pamamaga ng mukha ko. Natukso lang naman kasi ako nang makita ko ang labi nya kaya nawala ako sa sarili ko. Hindi ko naman akalain na masasabi ko 'yon. Bigla nalang lumabas sa labi ko na halik lang ang katapat ng pagkapaso nya. Ngayon, daig ko pa tuloy ang nakipagsuntukan sa maskulado.

"Ibang klase ka talaga. Nawala ka lang ng limang taon, naging mas lalaki kapa sakin?" Ang bawat kirot na nararamdaman ko, nawawala sa t'wing titingin ako sa kanya. Sya ang nagbibigay sakin ng sakit, pero sya rin ang nag-iisa at natatanging gamot. Isang nakakagagong parte ng pagmamahal, pero totoo. After what she did to me, nakuha ko pang kunin ang cellphone ko at kunan sya ng litrato. Ang ganda ganda nya sa paningin ko kahit gulo-gulo na ang buhok nya at nakanganga na parang nag-aantay sya ng langaw na papasok sa bibig nya. Para akong nakatingin sa isang anghel na natutulog ng mahimbing. Sa lahat yata ng mga magagandang bagay na nakita ko, sya ang pinakamaganda. Mas maganda pa sya sa papalubog na araw. Mas maganda pa sya sa ilang libong bituin sa langit. Mas magandapa sya sa buwan na nagbibigay liwanag sa gabi. After five years of waiting for her to come back, I could say that it was all worth it. Dahil sa loob ng limang taon na nagdusa ako, ito ang sukli. Nasa harap ko na ulit sya ngayon at nakikita sya ng dalawang mata ko.

Ayaw kong matulog. Kahit na antok na antok at pagod na pagod ako dahil sa byahe, ayaw kong matulog. Gusto ko lang sulitin ang pagkakataon na tingnan sya ulit ng ganito. Gusto ko lang sulitin ang pagkakataon dahil walang kasiguraduhan na nandito pa sya kinabukasan o mananatili sya sa tabi ko. She's not mine. At maaaring ipagtabuyan nya ako o kusa nalang syang umalis kahit anong oras.

"Sana dati ko pa sinabi na mahal na mahal kita." Tinanggal ko ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha nya at nilagay 'to sa likod ng tenga nya. Dahan dahan kong hinalikan ang buhok nya at sumandal sa pader.

Napamulat ako ng mata ng makarinig ako ng tunog na paandar na sasakyan. Dahan dahan kong inikot ang mga mata ko sa paligid. Bigla nalang akong napatayo nang makita kong maayos na ang kama at hindi ko makita si Melody. Agad kong kinapa kapa ang bulsa ko at nakita kong wala dun ang susi. Sht, nakatulog pala ako. Sa sobrang antok siguro, hindi ko na nakayanan imulat ang mata ko kahit gustuhin ko pang wag matulog. Bigla akong tumakbo at hinanap ang pinto palabas ng bahay. Then I saw her inside the car. Nagulat sya ng makita ako kaya agad nya na 'tong pinaandar.

"Melody, stop!" Tumakbo agad ako para harangan ang umaandar na sasakyan. Wala na akong pake kung sagasaan nya ako, pero hinding hindi ako papayag na umalis sya ulit.

Tinigil nya ang sasakyan bago pa man ako mabangga nito. Mabilis syang bumaba ng kotse at naglakad papalapit sakin.

"Please, let me go." Nakita ko ang namumuong luha sa mata nya. Nakaramdam agad ako ng kirot sa dibdib ko. Hinihiling nya na pakawalan ko sya. Hinihiling nya na mawala ulit sya sa tabi ko. Hinihiling nya na mapalayo ulit sakin. Alam nya bang sobrang hirap ng hinihiling nya? Alam nya ba kung gaano kasakit ang hinihiling nya? Alam nya bang para nya na ring hinihiling na mamatay ako sa hiling nyang 'yon?

Agad akong napabuntong hininga at hinawakan ang kamay nya. "Please, kahit ngayong araw lang. I won't ask for more. Just stay with me, kahit ngayong araw lang."

"Kung papayag ba ako, pakakawalan mo na ako?" She looked at me. Kung papayag ba ako, pwede na kitang patayin? Parang 'yon ang sinasabi ng mga tanong nya sakin.

And my answer is "Yes." It's always yes. Kung makasama sya ng kahit isang araw lang, magiging masaya na ako. Makukuntento na ako. I won't ask for more. Because after all, being with her is all worth it. Kahit pa kinabukasan magising ako na wala sya, I'll accept it. I'll try to accept it. Dahil pa kahit ipagpilitan ko ang sarili ko, kung ayaw nya naman, wala rin akong magagawa. Hindi mo mapipilit ang isang tao mahalin ka. Hinding hindi.

It's You Again, KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon