"Nasaan na sya?" Nakakunot ang noo ko nang si Bayot lang ang nakita ko sa studio. Halos ilang linggo ko rin syang kinulit at tinawagan para magtanong lang kung pumayag ba si Melody sa offer nya. Pero sinabi lang nya sakin na pumunta lang ako sa studio.
Mga taon din ang binilang ko para makita at makasama ulit si Melody. Nang nawala sya sakin, parang nawalan ng silbi ang buhay ko. Pakiramdam ko, humihinga lang ako at hindi naman talaga buhay. Ngayong inihahain na sa harap ko ang pagkakataon, hindi ko na palalagpasin.
"Nagsalamin ka ba? Ano oras ka pumunta dito?" Tanong nya sakin at nagulat ako dahil may nakuha syang suklay sa ulo ko na agad ko namang kinuha sa kanya. "Wala ka ng pakialam dun. Nasaan na ba sya? Akala ko ba, tuloy na?"
Sinadya kong gumising ng maaga para makarating agad sa studio. Sa sobrang kakamadali ko siguro, naiwan pa yung suklay sa buhok ko. Halos ako ang unang dumating dahil yung mga staff wala pa. Hindi nya rin naman ako masisisi. Matagal ko ring inantay 'to. At gusto ko, umpisa palang ng araw ko, si Melody na agad ang makikita ko. Sya lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito eh. Lahat ng bagay na 'to, ginagawa ko para sa kanya.
"Ilang beses ko syang pinilit para pumayag lang sya pero--"
"Sinasabi mo bang hindi nya tinanggap ang offer mo? Ano 'to?!" Bigla akong napahawak sa ulo ko. Imposibleng hindi nya tanggapin ang offer ni Bayot. Ang laki laki na ng magiging sweldo nya at idadagdag pa ang pera at magiging sweldo ko sa gagawing project na 'to.
Hinawakan ko ang kwelyo ng damit ni Bayot at nilapit sya sa mukha ko. "Nangako ka diba? Nangako kang gagawin mo lahat mapapayag lang sya, pero bakit? Bakit hindi mo nagawa?"
"I'm sorry I'm late Beau-"
Halos malaglag ang panga ko ng makita si Melody sa harap ko na gulat na gulat nang makita ako. May lalaki syang kasama at halos kumulo ang dugo ko ng maalala ko ang pagmumukha ng lalaking 'yon. Bakit ba umeextra 'tong lalaking 'to? Nililigawan nya na ba si Melody? Kailangan ko na yatang maglagay ng bato sa loob ng sapatos ko para sa susunod na apakan ko ang paa nya, wala na syang mailalakad pa.
"Hindi mo pa kasi ako pinapatapos sa pagsasalita eh. Masyado kang O.A." Bulong nya sakin. "Ang laki ng utang mo sakin. Lumuhod pa ako sa harap nyan mapapayag lang. Ahem." He cleared his throat and he walked closer to Melody.
"Oh hi, Ms. Melody. Don't worry, hindi ka late. Kakarating ko lang din. Ang isang model natin ang wala pa." Sagot nya.
"Saan ko 'to ilalagay?" Rinig kong tanong ni Christian kay Melody.
"Kahit dyan nalang sa tabi." Sagot naman nya at nilagay ni Christian ang mga gamit ni Melody sa gilid.
"Sige, una na ako. So, see you later?" Nakangiting sabi ni Christian na mas lalong nagpadagdag ng inis ko sa kanya.
Nakangiti si Melody na kumaway sa kanya habang unti-unti nawawala si Christian sa mga paningin namin. Pakiramdam ko, na OP ako ng ilang oras kahit minuto lang naman ang tinagal ng Christian na 'yon.
Hindi ko maiwasang mainis. Hindi ako sanay na may ibang kumakausap at may ibang lalaking umaaligid kay Melody. Mas lalo pa akong nainis nung nginitian nya pa ang hinayupak na 'yon. Pakiramdam ko para akong dinudurog ng paulit-ulit. Hindi ko matandaan kung napangiti ko na nga ba sya kahit isang beses lang. At ang sakit lang dahil sya, ginawa nya lahat para sakin noon. Pero wala manlang akong nagawa para sa kanya. Wala akong ibang ginawa kundi saktan lang sya. Ako dapat ang nagpapangiti sa kanya ngayon. Ako dapat. Pero ngayon, hindi ko alam kung paano sisingit sa buhay nya.
Bumalik ang diwa ko ng sumenyas si Bayot na lumapit sa kanila. Inayos ko ang sarili ko at pinilit umakto ng normal. I tried my best to smile as I walked closer to them.
BINABASA MO ANG
It's You Again, Kuya
Teen FictionDK #2 Kung may pagkakataon kang maitama ang mga pagkakamali mo, palalagpasin mo pa ba ang pagkakataong 'yon?