"Saan mo ba 'ko dadalhin? Anong gagawin mo sakin?"
Halos isang oras na akong nagdadrive pero paulit-ulit lang ang tanong ni Melody at wala yata syang balak huminto. Kulang nalang magwala na sya dahil hanggang ngayon, hindi parin ako nagsasalita, o ni hindi ko magawang sumagot sa mga tanong nya.
"Ano ba! Sumagot ka naman!" Bigla nyang hinawakan ang braso ko at nakaramdam ako ng kuryente. Ito nanaman yung pakiramdam na hindi ako mapakali at hindi magkandamayaw sa pagkarera ang puso ko. Daig ko pa ang sumali sa isang marathon. Pinagpapawisan ako.
Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya, at nagulat ako ng makita ang mga mata nyang nakatingin din sakin. Hindi ko alam kung bakit nalang ako napapreno bigla. Muntikan na kaming mauntog, mabuti nalang at nakaseatbelt kami.
"Muntikan na tayong mamatay!" Sigaw ni Melody at nakita ko sa mga mata nya ang takot.
"Di naman, mauntog lang." Kalmadong sabi ko. Pero nabatukan ko nalang ang sarili ko ng marealize ko kung anu-ano ang pinagsasasabi ko. Muntikan na kaming mapahamak pero nagawa ko pang mambara.
Dahil sa sinabi ko, bigla nalang napanganga si Melody at nagsimula ng maging hysterical. Pilit nyang hinihila ang kamay nya, pero dahil nga nakaposas sya, hindi nya magawang makawala. Ang ginawa nyang pagsisisigaw ang naging dahilan para makakuha kami ng atensyon.
Napatingin ako sa paligid namin at nakita kong malapit lang pala kami sa police station. Kinabahan ako lalo ng makita na may mga pulis na malapit sa pwesto namin.
"Tumahimik ka muna." Pagsaway ko kay Melody na kasalukuyang nagsisisigaw. Pero pinagpatuloy nya lang ang ginagawa nya. Ang ingay nya.
"Gusto mo kong tumahimik? Paano ako tatahimik kung dahil sayo hindi matutuloy ang flight ko? Ang pagbalik ko sa Canada? Paano ako tatahimik kung itong posas na 'to, nakakabit sa kamay ko? Sige nga? Paano ako tatahimik?! Ni wala manlang akong kaalam-alam kung saang lupalop mo ko dadalhin!"
Nakita kong may nakakita saming pulis at nagulat ako ng biglang ituro ng isang kasama nya ang sinasakyan naming kotse. Bigla akong napahawak sa kamay nya ng mahigpit.
"Tumahimik ka muna!"
"Pwede ba! Ikaw 'tong bigla bigla nalang--"
"Tumahimik ka sabi!" Sigaw ko sa kanya. Wala na akong naisip na ibang paraan para mapatahimik sya, kaya mabilis pa sa pagkurap ng mata ko nang inilapat ko sa labi nya ang labi ko.
Nanlaki ang mata nya at nang matanggal ko ang labi ko sa labi nya, hindi sya nakagalaw, ni makapagsalita.
Napatingin ako sa bintana ng kotse ng marinig kong may kumatok. Nakita ko ang pulis na nagturo samin kanina.
"Sir, may problema po ba dito?"
"Wala pong problema." Dahan dahan akong ngumiti at kinurot ang pisnge ni Melody. "Diba baby?" Tiningnan ko sya na parang kinakausap gamit ang mata. Nag-aalangan, tumungo nalang sya sa pulis.
"Akala ko miss, hinaharass ka na nito eh. Mukha ka kasing nagwawala kanina." Natatawang sabi ng pulis habang nagmamasidmasid sa paligid namin. Mabilis pa sa alas kwatro ng bigla kong itago ang kamay namin sa ilalim ng upuan.
"Ah 'yun ba? May di lang po kami pagkakaunawaan. Alam nyo na, parte ng isang relasyon." Ngumiti ako at hinalikan ang pisnge ni Melody. "Pero mahal na mahal ko po 'to."
"Aba ayos! Yun oh!" Napasuntok ang pulis sa hangin at tumawa. "Pag kinasal kayo, ninong ako ah?"
Napangiti naman ako at nakipag-apir sa kanya. "Oo naman manong."
BINABASA MO ANG
It's You Again, Kuya
Teen FictionDK #2 Kung may pagkakataon kang maitama ang mga pagkakamali mo, palalagpasin mo pa ba ang pagkakataong 'yon?