Bigla akong nagising ng marinig ang malakas na pagring ng cellphone ko. Kinapa-kapa ko ang cellphone ko sa maliit na lamesa sa tabi ng kama ko at sinagot ang tawag.
"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya. Naramdaman ko ang pagtama ng mainit na sinag ng araw sa mukha ko, dahilan para mapatakip ako ng unan.
"Nasaan kana?!" Saglit kong hiniwalay sa tenga ko ang cellphone dahil sa lakas ng boses ni Kean. "Mauunahan kapa yata ng bride dumating dito! Kanina pa kita inaantay, oy! Wala ka bang balak pumunta? Hindi pwedeng mawala ang best man sa araw ng kasal ko!"
"Ano oras na ba?" Kinusot kusot ko ang mata ko at humikab.
"Mag-aalas dyis na pre! Magsstart na maya-maya! Wag mong sabihing kakagising mo lang?" Sabi sa kabilang linya.
"Oy! Oy! Nandyan ka pa ba?" Sigaw nya dahil halos isang minuto rin akong di sumagot.
"Sabi mo wag kong sabihing kakagising ko lang? Edi di nalang ako nagsalita." Seryosong sabi ko.
"Tangina mo! Nagawa mo pang mambara! Pag hindi ka dumating, magkalimutan na tayo!"
"Oo na! Oo na! Bibilisan na!" I ended the call and looked at my cellphone. Naaala ko parin yung picture na inistock ko sa cellphone ko ng limang taon. Nasanay ako na sa t'wing gigising sa umaga, ang picture na yun ang makikita ko. Pag hindi ko yun nakikita, I feel so empty. Pakiramdam ko, walang kukumpleto sa araw ko. Kahit litrato nya lang, ang laki na agad ng epekto sakin.
I headed straight to the bathroom. Binilinisan ko lang ang pagligo at sinuot ang barong na pinagawa pa ni Kean para sakin. I looked at the mirror and ran my fingers through my hair. Sinubukan kong ngumiti kahit papano. Panibagong araw nanaman ang haharapin ko. Panibagong araw na wala sya.
Dumating ako ng simbahan na naglalakad na si Maxine sa aisle. I used the other way para makapasok. Nagulat nalang si Kean dahil bigla akong sumulpot sa tabi nya.
"Late na ba ako?" Bulong ko sa kanya. Agad naman nya akong sinamaan ng tingin.
"Obvious ba? Naunahan kapa ni Maxine!" Sabi nya at binalik ang tingin sa magiging asawa nya.
I saw Maxine walking with her dad. She's like a princess. At nagulat nalang ako dahil habang naglalakad sya, mukha ni Melody ang nakikita kong papalapit samin. She's.. She's so beautiful.
Nang ngumiti sya, bumalik ako sa realidad at mukha na ni Maxine ang nakikita ko. Hindi ko maiwasan ang malungkot ng bahagya.
Napabuntong hininga ako at siniko si Kean. "Sana ikasal na rin ako."
"Ikaw lang naman ang may problema eh. Ang daming babaeng lumalapit sayo, at handang ialay ang mga sarili nila, ikaw lang naman ang may ayaw." Natatawang sabi ni Kean.
Tama sya, ako nga yata talaga ako may problema. Limang taon na rin kasi. Maraming babaeng nagtangkang pumasok sa buhay ko pero ni isa, hindi ko binigyan ng pagkakataon. Bakit ko naman kasi pipilitin ang sarili kong magmahal ng iba kung in the first place, may laman at may ari na ng puso ko? Lolokohin ko lang ang sarili ko, makakasakit pa ako. Alam ko na ang pakiramdam ng masaktan at parang halos araw-araw pinapatay. Ang unfair naman kung ipaparamdam ko pa 'yun sa iba. Siguro nga, karma na 'to sakin. Kaya ako nasasaktan ngayon ay dahil sa dami ng mga babaeng pinaiyak ko dati.
BINABASA MO ANG
It's You Again, Kuya
JugendliteraturDK #2 Kung may pagkakataon kang maitama ang mga pagkakamali mo, palalagpasin mo pa ba ang pagkakataong 'yon?