Julia's POV
Aamin na talaga ako kay Chandria. Ayoko naman maglihim sa bestfriend ko. Tsaka may karapatan naman syang malaman ang lahat dahil sya ang prinsesa ng aming angkan. Hindi lang kami basta tao. May dugo kaming lobo. Ang nanay ni Chandria ay ang reyna namin. Matagal na kaming nananahimik sa aming pinagtataguan. Bago pa man isilang si Chandria, isinuko na muna namin ang laban. Gusto sana namin ng katahimikan para kay Chandria. Sabagay, wala pa syang alam tungkol dito.
"Oh ano na Julia, magsasalita ka pa ba?" nabalik ako sa reyalidad ng kinausap ako ni Chandria.
"Eto na nga eh. Magkekwento na. Ganito kasi yun.."
Flashback
500 years ago.............May isang babaeng mortal na nagngangalang Arabella ang umibig sa isang imortal na patago. Alam nyang mali ang kanyang ginagawa pero hindi naman nya mapigilan ang kanyang sarili na mahalin ang nasasabing imortal. Mapanganib ang kanyang pangangahas na makita araw araw ang binata. Tumatakas siya sa kanilang bahay at pasimpleng naglalakbay patungo sa lugar ng kadiliman kung nasaan naroroon ang kanyang sinisintang si Hale.
Lumipas ang 1 taon ng kanyang pagsulyap ay nahuli sya ng binata na ito ay sumulyap sa kanya. Nilapitan sya nito upang tanungin kung anong ginagawa ng isang babae sa kanilang lugar na hamak ay mapanganib.
" Ano ang iyong pakay sa aking tahanan binibini?" pagtatanong ni Hale na kabababa lamang mula sa kanyang balkonahe.
"Nais lamang kitang makita Hale. Wala naman akong masamang intensyon sa iyo." pag-amin ng dalaga.
"Bakit mo ako nais makita binibini?" Hale
"Ikaw ang aking iniibig Hale. Matagal na panahon na akong nagmamahal sayo. Nawa'y mapansin mo naman ako. Ako nga pala si Arabella. At nais kitang makasama panghabang buhay." ani ni Arabella
"Ngunit alam mong mali ang iyong ginagawa. Isa kang tao at ako'y isang bampira. Magkaiba ang ating mundo. Hindi mo ako maaaring ibigin Arabella. At hindi ko rin maibabalik sayo ang iyong hangad na pagmamahal." ani ni Hale habang hinahaplos ang mukha ni Arabella
"Angkinin mo ako kung iyon ang magpapasaya sa iyo Hale. Gawin mo aking isa sa inyo." pagpriprisinta ni Arabella sa binata
Wala nang nagawa si Hale at maya maya lamang ay naramdaman na ni Arabella na may matulis na pangil ang bumaon sa kanyang leeg at nawalan sya ng malay.
Paggising niya ay nasa isang sanktuwaryo na siya at nasa tabi nya si Hale.
"Ayos ka lamang ba Mahal ko?" ani ni Hale
"A-ayos lang ako Mahal. Nasaan ba tayo?" Arabella
"Narito ka sa aking silid. Kailangan pa kitang itago sa aking mga kalahi. Hindi ka pa maaaring humarap sa kanila."Hale
"Bakit?" tanong ni Arabella.
"Dahil sa pagkagat ko sa iyo kagabi, kailangan ko ring kunin ang iyong pagka-birhen para malaman ng lahat na ikaw ay akin lamang" ani ni Hale na syang ikinagulat ng dalaga.
"Ano ang iyong ibig sabihin Hale?" tanong niya
"Ikaw ang babaeng magdadalang tao sa aking anak. Ikaw ang napili kong maging ina nang aking mga anak Arabella. Sinisinta rin kita." Hale
Hindi naman nakaramdam ng pagsisisi si Arabella. Marahil ay dahil ito sa tindi ng kanyang pagmamahal para kay Hale. Lumipas ang walong buwan at malapit nang isilang ni Arabella ang kanilang anak. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, yun din ang araw na nalaman ng mga bampira na nagdadalang tao ang isang mortal at anak pa iyon ni Hale. Labis na ikinagalit iyong ng mga magulang ni Hale kaya disidido silang ipapatay ang babae at ang kanyang dinadala.