Chandria's POV
Kung marunong syang sumira ng buhay, pwes ako din. Alam nyo kasi guys, masakit ang maiwanan ng mahal mo no. Lalo na kung almost lahat ng efforts binigay mo.
Ano ba yung pagpapanggap ko kanina? Yung halik na yun?
Sigurado akong hindi na yun halik ng pagmamahal. Makita ko ba naman na kasama nya yung pinalit nya sa akin e. Gusto ko lang maibalik sa kanya yung ginawa nya sa akin. Iiwan nya ako for no reason tapos malalaman ko na lang na bumalik sya para ano? Para inggitin ako dun sa mukhang tupa nyang syota? Kung hindi lang siguro kailangang itago yung katauhan ko sa kanila, baka siguro naibuhos ko na yung galit ko.
Pero sabi ko nga. let's get this plan going. Itutuloy ko ang pagpapanggap at pangaakit kay Race na ngayon ay mas kilala bilang Daniel. I better call him Daniel nga naman dahil hindi naman sya ang Race na nakilala ko. Kung akala nya ay maloloko nya pa ko ulit, dun sya nagkakamali.
I can wake the sleeping monster inside me. Hindi ako dapat magpaapekto sa kanya. Isa na lang syang alaala ng kahapon.
Napatigil ako sa pagiisip nang may biglang kumatok sa kwarto ko.
"Pasok" unti unti namang pumihit ang pintuan at iniluwa nito ang bespren kong mukhang natripan ng adik sa kanto ang itsura.
"Oh anong nangyari sayo Julia? Mukha kang napagtripan ng adik sa kanto." napairap naman sya sa akin dahil natatawa na ako sa itsura nya.
"Ikaw kaya jan! hmpp. Palibhasa kasi hindi ka pa nagtratransform sa ibang anyo. Tawa ko lang pag naging ganap ka nang lobo." napatigil naman ako.
"Joke! HAHAHA bes ang chaka ng peys mo ha? pakisara ng bibig aba. Peram nga ng damit. Pinagtitinginan ako ng mga manyak nyong gwardiya jan sa labas." tumango tango na lang ako at iniwan nya na ako para pumasok sa loob ng walk in closet ko. Nahiga na lang ako sa kama ko at napaisip bigla. Spending more time with Race a.k.a Daniel is a great disaster Hayy. Magkasama kami bukas na titingin ng lupa para sa bagong factory. Baka nga kasama nya yung lintang asungot na Martinang yun! Hayy mukha talagang aso.
Nagpaikot ikot pa ako sa kama at dinalaw na ako ng antok. Maaga pa kaming aalis bukas kaya kailangan ko ng lakas. Alam naman din ni Julia kung paano lumabas ng bahay namin.
Ilang minuto pa ay nakaramdam na ako ng sobrang antok kaya naman ay ipinikit ko na ang mga mata ko at nakatulog na.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
"CHANDRIAAA BERNARDOOOO!" sigaw nang bwisit na nilalang sa labas ng kwarto ko.
"PASOOOK PUNYETAAAA" napasigaw na din ako dahil nasira na ang tulog ko.
"CHANDY NAKALOCK!" hayy bwisit ka Sven! Tumayo na ako at nagbukas ng pintuan.
"Minsan tanga ka din no? hiya naman yung nagimbento ng susi sayo. Oh anong problema at napasugod ka dito?" kinusot kusot ko pa ang mata ko.
"Insan, 7:30 na ng umaga. Baka gusto mo nang bumangon no? Mapapagalitan ka ni Auntie. May lakad ka pa daw ng 8:00 am. Kupad mo pa naman" napatigil ako ng ilang sandali ay ngayon lang nagsync in sa akin na may lakad pala ako ngayon with Race!
"Uh ah oo, sige a-anong oras na ulit?" napatawa naman sya.
"Pinsan, 7:35 na. Ang slow mo e." napatakbo na ako sa cr at narinig ko pa rin yung tawa nya. Ugh! I'll curse you to death Sven!
Natapos na ako sa pagligo at pagaayos. Napatingin naman ako sa orasan at nakitang what?
6:35 AM?!!
"IPAPALAPA TALAGA KITA SA ASO SVEN! HUMANDA KA TALAGAAAAAAA UGHHHH!"
"I LOVE YOU TOO INSAN! HAHAHAHA" tawa nung baliw dun sa baba. Tss
Umupo na lang ako sa kama ko at binuksan ang tv. Nanuod muna ako ng She's Dating The Gangster sa CinemaOne. Ang pogi pogi talaga ni Kenji Delos Reyes. Bagay na bagay sila ni Athena Dizon.
Natapos ang pelikula at nakita kong 7:30 na ng umaga. Inayos ko na yung pantalon ko at tumayo. Napasilip naman ako sa bintana at nakitang nandun sila Race sa labas? whut?
Pinress ko yung intercom at ipinagutos na papasukin si Race at yung linta nyang alalay este girlfriend na si Martina.
Agad akong tumakbo sa walk-in closet ko. Hindi pwedeng matalbugan ako nang higad nyang girlfriend na nakashorts na maiksi. Hindi na lang sya nagpanty no? Tss ang pangit pa ng legs. Masyadong maiksi. Paano pandak naman kasi. Hindi ko naman alam na pagtapos ko ay mawawalan na ng taste sa babae si Race.
Kinuha ko yung white ko na dress covered with lace. Kinuha ko na rin yung pumps ko na white sa lalagyan ko ng shoes at kinuha na ang sling bag ko.
Kailangan ipamukha sa babaeng yun na business matters ang pupuntahan namin at hindi kami maliligo sa beach.
Bumaba na ako at lumabas ng bahay. Nilagay ko na lanh sa bag ko yung tupperware ng sandwich na ginawa ni manang at yung bottled water na galing sa ref.
Napatingin naman sa akin si Race na tila inoobserbaham ang mukha ko. Kinapalan ko kaai n konti yun kilay ko tapos pulang pula yung labi ko. Sama mo na rin yung contacts na ginagamit ko. Nagsuot ako ng shades para extra ingat na din. New look ang lola nyo ngayon noh.
Napansin ko namang titig na titig naman sya sa akin. Tss ang ganda ko yata? At yung baliw na kasama nya ay salita ng salita. Kung alam nya lang na hindi nakikinig si Race sa kanya. Tawagin nga natin syang Daniel. Nalilito ako eh psh.
"Staring is bad you know?" sambit ko kay 'Daniel' bago ko inisnap yung fingers ko sa tapat ng mukha nya.
"Uh uh, let's go? sunuran na lang ng kotse." napabalik naman na sya sa reyalidad at binuksan na ang pinto n kotse.
"Daniel, alam ba ng girlfriend mo na sa sight tayo pupunta?" napakunot naman ang noo nya.
"Oo" tipid na sagot nya. Napaflip naman ako ng hair na kunwari ay hinangin.
"Akala ko kasi sa beach sya pupunta. Kulang na kang maglublob sa tubig tss." hindi na nakasagot pa si Daniel dahil pumapel na naman ang epal nyang syota.
"Ano namang care mo sa suot ko? Are you inggit?" conyo pala ang bruha aba.
"No I'm not. I'm just informing you that we are going to a sight premises and this is ALL ABOUT BUSINESS." napakunot naman sya ng noo at si Daniel naman ay poker face lang.
"And so?" hindi nya ako naintindihan. Hayy, tanga naman neto.
"So please try to act and look professional. Respeto na lang sa trabaho NAMIN." pinagdiinan ko talaga yung 'namin' hahahaha. Mukhang anytime sasabog ma yung itsura nya. Napanganga din sya.
For the last time, I snapped my fingers infront of her face and nabalik na naman sya sa reyalidad.
"Para san yun?!" galit na saad nya. Nginitian ko sya ng pagkatamis tamis na mukhang kinaiinis na naman nya.
"Baka kasi mapasukan ng langaw at akalain nyang nahanap nya na ang nawawala nyang lungga. So please? Come on. Nagsasayang tayo ng oras dito" sumakay na ako sa kotse ko at napangiti.
Hindi ako magpapatalo sayo. HAHAHA. Me-1 Martina-0 ;)
●●▪●▪●▪●▪●▪●▪●▪●●▪●▪●▪●▪●▪●▪●▪●▪●▪●▪●▪●▪●