Hindi ko na syang nakita muli pagkatapos nung bungguan. Naglaho sya na parang bula.
Nagkalat ang mga litrato sa loob ng kahon. Nagkahalo-halo na ang mga larawan dahil napakadami neto. Halata naman ang kalumaan ng mga ito dahil mejo nabubura na ang imprenta sa papel. Out of curiosity, I picked up some pictures and started browsing it. Kadalasan sa larawan ay may 5 tao. Pansin ko ang dalawang babae at tatlong lalaki. Pansin kong mga magulang ko ang kasama sa picture. Pero ang tanong, sino itong 3 pang tao?
Ramdam kong maraming sikreto pa ang hindi ko nalalaman. Lubos na malihim ang aking ina kung kaya naman ay pinapatay na ko ng mga ideya na naglalaro sa utak ko. katulad na lamang ng isa sa mga larawang nakita ko. Bukod sa aking mga magulang, nakakita ako ng mga napakapamilyar na mukha. Sa sobrang pamilyar nito, hindi ko maiwasang mapaiyak. Dahil nagbalik lahat ng sakit sa puso ko. Bakit kamukhang kamukha nya ang yung binata sa litrato? Bakit napakalaki ng pagkakahawig nila? Namamalikmata lang ba ako? Bakit hindi ko maintindihan ang mga nangyayari?
Natigil ang pagiisip ko nang maramdaman kong parang may papaakyat sa taas ng attic. Tinago ko sa bulsa ko ang isang litrato at sinara ng mabilisan ang kahon. Mahirap na, baka mahuli pa ako. Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon upang harapin ang mga bagay bagay na bumabagabag sa isipan ko.
Paglingon ko ay nakita ko si Enrique sa aking harapan.
“Bakit ka nandito Chandria? Kanina ka pa namin hinahanap ni Julia. Bigla ka na lang nawawala. Alam mo bang nag-aalala kami pag nawawala ka?”
“Hoy, ang OA mo naman. Inakyat ko lang dito yung ibang kahon para naman mas mabilis tayong matapos diba? May lakad pa kasi ako.” Chandria
Bumaba na ako at pumasok sa kwarto ko. Nagshower ako sandali at nagbihis. Simple lang naman ang suot ko. Nakajeans na black, sleeveless top and cardigan. Ayos naman, sandali lang naman ako e. I’ll be back before they notice that I left.
Enrique’s POV
Si Chandria, alam kong nasa panganib ang buhay nya. Hindi ko maiiwasang mag-alala para sa kanya. Knowing Chandria? She has it all. Mabait sya at caring. Napaka-matulungin nya din. I love Chandria not just like a sister. Minahal ko sya more than that. Sino ba namang hindi mafafall sa isang anghel na katulad nya diba? Pero alam ko namang hindi ako ang itinakda ng propesiya para sa kanya. Minsan nga iniisip ko kung ilalaban ko ba yung pag-ibig ko para sa kanya eh. Pero alam ko namang hindi nya ako mamahalin. Nakatakda syang umibig sa kaaway nya. Nakatakda syang isakripisyo ang buhay nya para lang iligtas yung nagiisang taong bumihag ng puso nya. Alam ko kung gaano kamahal ni Chandria yung huklubang ex nyang si Race. Isang taon na ang nakalipas pero madalas ko pa rin syang nahuhuli tuwing gabi. Nakaupo sa isang sulok at tinatanaw ang mga bituin habang umiiyak. Sana nga kaya kong mapalitan si Race sa puso nya e. Ayoko kasing nasasaktan yung prinsesa ko.
Chandria’s POV
Paalis na ako sa mansion ng pamilya ko. Dumaan ako sa likod para walang makapansin na aalis ako. Madalas akong tumakas sa pamilya ko nung kami pa ni Race. Pano ba naman kasi, ayaw nila kong paibigin. What can do naman diba? Mahal ko sya nun eh. Hanggang ngayon pa rin naman. I never thought na maghihiwalay na lang kami ni Race ng ganun. I mean, walang closure yung relasyon naming dalawa. Umalis lang sya ng walang explenasyon o kahit simpleng paalam man lang. Simula nung gabing yun, parang gumuho yung mundo ko. Sya kasi yung naging suporta sa pundasyon ko para maging matibay eh. Pagkababa ko, agad kong pinaandar ang aking Bugatti Veyron. Eversince, kasama ko na itong kotse kong to sa mga kalokohan ko. Hahaha pati ba naman kotse diba? Race used to drive this car nung kami pa. We always do roadtrips at night. Kung san san kami nakakarating. Baguio, Tagaytay, Vigan, Subic, Batangas lahat na yata e. Masaya ako nung mga panahong yun. Ni hindi ko nga naisip na magpicture kaming dalawa e. Ay once pala, stolen pic dapat yun eh, madilim so in-on ko yung flash ng phone ko. Kaya lang, nung nagflash, bigla syang nagalit sakin at tinabig yung phone ko. That’s the first and last time na nakita ko syang nagalit. Parang ang OA lang naman nung ganun. That’s the last time na din na nagtangka akong picturan sya. Hindi ko kasi kayang galit sya sakin.
Palabas na sana ako ng gate nang harangin ako ni Sven. Yung pinsan kong head over heels kay Julia. Tss if I know? Gusto ko kay Enrique lang si Julia. Hayhay bagay kaya sila!
“Get out of my way Sven!” sigaw ko sa kanya.
“Chandy, cous naman! Tulungan mo na kasi ako kay Julia my loves!”
“May lakad akong importante kaya lumayas ka jan at padaanin mo ko!” nakakainis na ah? Kung kalian naman ako nagmamadali tsaka naman ako haharangan ng gunggong na to.
“Alam ko namang tumakas ka lang sa nanay mo! Gusto mo tawagan ko si Auntie Min para ipatawag ang guards? Nako sigurado Chandy 1 week kang grounded sa mansion. How boring is that my dear cousin?” sabay tawa nya ng malakas. Aba’t! itong abnormal na to binablock mail ako? Ga*go talaga poreber.
“Fine! Sandali!” Tumawag ako sa isa sa mga maid.
“Open the gate for Sven. Lead him to Julia, let them talk privately.” Napatingin naman ako kay Sven na ang lapad ng ngiti. Tinaasan ko lang sya ng kilay at binaba na ang call.
“Thanks insan! Dabest ka talaga!” papalayo na sana sya when I grabbed my pistol and shoot his tires. Akala nya makakapagpas sya ? matalino yata ko ? hahahahaha pinaalis ko lang naman sya sa dadaanan ko. And about the phone call kanina? Wala naman talaga kong kausap. Hahahahaha uto utong Sven.
“Sh*t Chandy! Kakapalit ko lang ng tires! This costs thousands! Ughh!” halatang inis na inis si Sven sakin. Hahaha kinakalaban nya ko e.
“Sorry, sinasadya pinsan! Toodles bye!” nung mejo malayo na ko, I texted Sven.
“Subukan mong magsumbong sa mga tauhan ni Mama, hindi lang kotse mo ang babarilin ko ;)”
Takot yan sakin. Hahahaha magaling ako humawak ng baril. Pistols are my forte kaya sisiw lang sakin yang mga shooting shooting na ganyan. At kamalas malasan ni Sven, gulong nya ang natarget ko.
1 hour drive passed and nakadating na din ako sa destination ko. Malayong malayo ito sa Maynila. Dito kasi ako pumupunta kapag stressed ako. Kaming dalawa ni Race ang nakadiscover ng place na to. Dito kasi kami nasiraan noon habang nagroroad trip. Puro Race ba? Sorry ha? Puro sya lang kasi yung kasama ko sa mga unforgettable sights katulad nito.
Tumingin ako sa orasan. 4 pm na pala. Di bale, mageexplain na lang ako sa kanila mamaya. Umupo ako sa green na damuhan. Tanaw ko ang buong Manila. Napakapeaceful ng place na to. At dito ko nailalabas lahat ng sama ng loob ko. Humiga ako at pumikit. Dinadama ko yung lamig ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Parang dati lang. parehas lang ng feeling. Pero kaibahan lang, walang Race sa tabi ko. Miss na miss ko na sya. Isang taon na din pala ang lumipas mula nung iniwan nya ko. Hindi ko napansin at tumulo lang ang luha ko. Inaalala ang mga masasayang kahapon namin ng pinakamamahal ko.
“Crying won’t change anything you know?” that voice. Yung boses na matagal ko nang hinahangad na marinig. Ang boses ng pinakamamahal ko.
“Race?” ani ko. Ewan ko ba. Pero dire-diretso yung luhang tumutulo sa mata ko. Pinunasan nya ito at bahagyang ngumiti. Yung ngiting isang taon na rin noong huli kong makita. Niyakap nya ko at niyakap ko din sya pabalik. Mistulang nananaginip lang ako.
“Shh, just enjoy this moment. I love you and I’ll always will”
Hindi ko na inisip pa ang iba. Ang mahalaga, kasama ko sya ngayon. Kung panaginip man ito?
Ayoko nang magising pa……