Romance 6 ✞

474 7 3
                                    

Still Kathryn's POV

I bumped at somebody and I'm shocked when I saw his face... AGAIN

"Natatandaan mo pa pala ako Chandria" ani sa kanya ng binata

"Sino namang makakalimot sa isang tulad mo ha? You left me hanging jerk!" Pabulong na sabi ko. Ano nga ba ang meron sa amin nang isang Race Ford?

Flashback

3 years ago....

"Sh*t! Julia please answer the phone!" Pauwi na sana ako sa bahay pero nasiraan ako ng kotse. I should have brought my driver na lang sana. Malayo pa naman ako sa bahay. Tsk isama mo pa tong pesteng ulan. Basang basa na ko..

Busy ako sa pagda-dial ng phone ko nang hindi ko namalayan na may huminto nang sasakyan sa tapat ko.

"You should not be under the rain. Baka magkasakit ka." Sabi nung lalaking bumaba mula sa kotse at pinayungan ako.. Pagtingin ko sa kanya, whoah. May itsura.. Maputi tapos matangos yung ilong. Shete, kailangan ko na nga ng tulong humaharot pa ko. Hindi pa ako nagpapasalamat sa pagpayong nya sakin, eh nagsalita pa sya ulit.

" Iisa lang naman ang daanan dito. Isasabay na kita. Wag ka mag-alala, hindi ako masama." Sabi nya. Sumama na lang ako kesa naman maging basang sisiw sa gitna ng kalsada.

Tahimik kami sa biyahe. Kaya naisipan kong basagin na ang katahimikan..

"A-anong p-pangalan m-mo?" Panimula ko.

"Race Ford" tipid niyang sagot. Yung totoo? Bakit ang tipid ng sagot nya? Nagtu- toothbrush naman siguro sya diba?

Nandito na tayo. Sa susunod wag ka nang magpapabasa sa ulan. Magingat ka.." Huling sambit nya bago ako bumaba ng kotse. Magtatanong pa sana ako nang bigla nya nang sinara ang pinto. Ewan ko kung tama ang dinig ko o baka guniguni ko lang.. "Magiingat ka mahal ko. Babalikan kita, Chandria"

August 7, 9:00 pm

Nandito ako sa park malapit sa bahay namin. Mas peaceful kasi dito tsaka naiisip ko pa rin si Race. For 3 months na mula nung hindi kami nagkita, hindi ko namalayang nahulog na pala ako sa kanya. Akala ko, simpleng stranger lang sya para sakin. Hindi pala..

Nakaupo lang ako dito habang nakatingin sa mga bituin nang biglang may umupo sa tabi ko na siyang ikinagulat ko.

"Race.." Nginitian nya lang ako. Ngiti na inaasam asam kong makita. Dream come true. Hayy, nakakainlove.

"Sabi ko sayo wag ka nang nagpapagabi diba? ang pasaway mo talaga Chandria." ani nya sakin.

"ki-kilala m-mo ko?" nginitian nya ako at hinawakan ang kamay ko.

"oo naman."

"paano?" hinalikan nya ang kamay ko na hawak nya at sinabing....

"simply because.... I'M SECRETLY INLOVE WITH YOU"

hindi pa ako nakakasagot nang bigla nya akong hinalikan sa labi. How I dreamt for this to happen.

1 year kaming ganun. Naging kami pero, every monthsary lang sya nagpapakita sakin. Mas weird pa, sa gabi. On the day of our anniversary, syempre prepared na prepared ako. Kailangan maganda ako diba?

Pero nung araw din na yun.... namatay ang puso ko...

I'd waited for 5 hours. Pero walang ni anino ni Race ang nakita ko.

------------------------------------

Flashback part one

Scented Romance (KathNiel Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon