Working with Race is damn hell! Knowing na may past kami and my Mom doesn't even know a thing. Nagpasya nang iwan kami nila Mama at nung mag-asawang Ford. Buti nga sinama na nila yung hitad na syota nitong si Race este Daniel pala.
Awkward silence, walang gustong magsalita mula nung iniwan kaming dalawa dito magkasama. Hindi ako makatingin sa kanya dahil alam kong nakatitig sya sa akin.
"So we'll be working together Chandria"
"Ha?" para akong nabingi sa sinabi nya. Hayy snap back to your senses Chandria!
"Hindi ka nakikinig sakin. Ano ba yan" napaface palm sya sakin.
"Sorry" napayuko na lang ako. Nakakahiya e
"So I was saying, we'll be working together from now on. And that means madalas tayong magkasama. I don't want you to feel awkwardness when you're with me" napatigil ako sa sinabi nya.
"You're asking me not to feel awkward? How is that? Madali akong pakisamahan. Wag ka mag-alala." Muntikan ko nang makalimutan na tinatago ko nga pala ang identity ko sa kanya.
Napaisip pa ako ng konti nang nakita kong tumayo si Race sa upuan nya. Akala ko naman ay iiwan nya na ako dito pero yun pala lalapit lang sya sa akin.
Palapit sya ng palapit at saktong hahawakan nya na yung mascara ko nung pinigilan ko sya.
"Hindi mo pwedeng tanggalin yan" pagbabala ko sa kanya
"Bakit naman? May tinatago ka ba?" are you intimidating me Race Ford?
"Mukha ba akong may tinatago? Learn how to respect my ways Mr. Ford" gusto mong makipaglaro huh? Maghanda ka kasi ikaw ang babaliktad.
"You're making me feel uneasy Miss Bernardo. Tapatin mo nga ako, sino ka ba talaga?"
"I can be a friend, more than a friend or worse?" napatingin sya sa akin.
"I can possibly be your worst nightmare" pabulong kong tugon sa kanya. Dahil na rin siguro sa ginawa mo, naisipan kong sumali sa laro mo.
"You don't know me too well Chandria" nakatiimbagang tingin na ang pinukol nya sa akin.
"It seems you're troubled with my presence? Baka naman ikaw ang may tinatago sa akin? You don't know me well also." Hinawakan ko ang chin nya at nilapitan sya. Almost kissing distance na lang ang pagitan naming dalawa.
Tinaas ko ang maskara ko hanggang ilong at hinalikan sya. Maya maya lang ay tumugon na sya.
Nung napansin kong tumugon na sya, tinigil ko na.
"Sa pagkakaalam ko,may girlfriend ka Mr.Ford. Sabi ko naman sayo e, hindi mo ako kilala. Baka nga mamaya nyan, hindi mamalayan ni Martina, naagaw na pala kita" nginitian ko sya ng pagkatamis-tamis at binuksan ang pintuan.
Tinignan ko sya at sinabing....
"I'll be honored to work with you babe" I smirked and walked away leaving him dumbfounded inside the room.