Pagdating na pagdating ko sa bahay ay agad na akong pinapunta ni Ina. Mayroon yatang pagpupulong na nagaganap ngayon. Dumiretso ako sa pagtitipon at marami sila sa loob.
"Ina, iyan na ba ang iyong mahal na prinsesa?" tanong ni Vladimir. Isa sa may pinaka mataas na antas sa pamumuno.
"Oo Vladimir. Siya na si Chandria. Ang batang itinakda" naguguluhan ako sa kanilang mga sinasabi. Prinsesa? Itinakda? Anong kaweirdohan ba to?
"Ina, ano ang pakay nila dito sa ating pamamahay at nagpupulong kayo?" tanong ko
"Malapit na ang iyong kaarawan anak. Malapit na rin ang itinakda sa propesiya." ani ni Luzviminda, ang kanyang ina.
"Ano ang ibig ninyong sabihin Ina?" Anong propesiya? Itinakda?
"Ina! Hindi nyo dapat dinala si Chandria dito. Wala pa syang maiintindihan sa mga bagay bagay!" pagtutol ng kanyang kapatid na si Kevin.
"T-teka kuya! Wag mo ko hilahin!" Hinila ako palabas ni Kuya sa di malamang dahilan.
"Chandria, hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang lahat.. Dumito ka lang muna sa kwarto. Huwag kang lalabas hanggang hindi pa kita tinatawag." paalam ng kuya nya at umalis na ito sa kanyang kwarto..
Maya maya ay tumunog ang kanyang cellphone.
♫Heart beats fast.. Colors and promises, how to be brave how can I love when I'm afraid...♫
"Hello?" panimula ko.
"Bes? Anjan ba si Mama sa inyo? Wala kasi dito sa bahay eh. Sabi ni Yaya may pagtitipon na naman daw jan sa inyo. May nabanggit ba si Ina?" Panimula sa akin ni Julia.
"Ah oo, nandito nga si Tita Cristina sa amin. Wala namang nababanggit si Ina kung anong napagusapan nila. Why don't you bother asking Quen? nakita ko sya sa pagtitipon kanina. Baka lang may alam sya." Chandria
"Di naman ako makakapagtanong dun. Bantay sarado daw sya ni Tita Darian at Tito Darius. Knowing them naman diba?" Julia
"Julia Ruse Montes, sabihin mo nga sakin? may nalalaman ka ba?" tanong ko sa kanya.
"H-ha? W-wala a-ah.." Julia
"I know you're lying." Chandria
"Ok Chandria Fate Bernardo. You win. Wait for me there. 10 minutes" Julia
Maya maya ay dumating na si Julia at parang namumutla.
"Hoy te? Ayos ka lang?" tanong ko.
"Eh oo.. Tara na saan ba tayo?" Julia
"Tara sa may garden. Peaceful dun.." Kath
End of Chapter 2-------------------