Naalimpungatan ako dahil may tumatapik sa balikat ko. Nakasandal kasi ako sa puno. Sa puno na saksi sa pagmamahalan naming dalawa. Teka…. Nasaan na si Race? Napatingin ako dun sa tumapik sakin.
“Miss, mawalang galang na. Umaga na kasi eh. Baka gusto mo nang umuwi sa inyo?”
Napatingin ako sa wristwatch ko. 5 na pala ng umaga. Nakatulog nga ako. Naalala ko na naman yung kagabi. Nandito daw si Race sa tabi ko. Tapos niyakap nya ko. Ewan ko ba! Pero kasi, umaasa ako na sana totoo yun.
“Miss okay ka lang? may hinihintay ka ba dito kagabi?” tanong naman ni Manong.
“Ah? Wala naman manong. Pasensya na kung naistorbo ko ho kayo. Salamat po pala alis na ko. Pinagpag ko na lang yung jeans ko at sumakay na sa kotse ko. Hayy, Race bakit mo ba ko ginugulo?
Kahit gaano ko na kagustong magmove-on, parang hindi ko pa din kaya. Dahil alam kong babalikan pa ako ni Race. Umaasa pa ko. Kahit naman hindi nya ko mahal, baka sakaling bumalik pa naman yun pag nagsama kami diba? Tama. Sasama na ako sa kanya sa susunod. Hindi ko na hahayaang lumayo pa syang muli sakin.
Nagdrive na ako pauwi sa bahay. Malapit na sumikat ang araw kaya nagmadali na ako sa pagmamaneho. Mahirap na at baka maabutan ako ng mga guards na nakabantay sa loob ng bahay namin.
Paglapit ko sa mansiyon, may apat na kotseng itim ang nakatigil sa bahay namin.Ang aga naman yata ng mga bisita? Kinabahan ako bigla at hindi ko alam ang dahilan. Siguro dahil na rin to sa pagtakas kila Ina. Pinark ko sa labas ang kotse ko. At inakyat yung mataas na pader paakyat sa veranda ng kwarto ko. Hoy kayo, wala naman akong lahing magnanakaw. Expert lang ako sa mga akyat akyat scenes na ganyan. Feel ko ako si Catwoman hihi. Pag-upo ko pa lang sa kama ko, may kumatok na kaagad sa pintuan ko. Ano ba naman yan, inaantok pa ko e.
“Pasok po” sagot ko pagkatapos ng katok.
“Mam, pinapatawag po kayo ng council.” Teka? Ano daw? Council?
“What? Teka anong meron?”
“May pagpupulong pong nagaganap kasama ang mga bisita. Mag-ayos daw po kayo at siguraduhing itago ang katauhan nyo.”
“Sige, pakisabi na maghahanda lang ako.”
Umalis na yung tauhan ni Mama sa kwarto ko. Naligo ako at nagblower ng buhok. Nilugay ko ito at hinayaang nakastraight. Sorry kayo, model ako ng Rejoice e. sinuot ko yung black fitted dress ko at sinaklob yung blazer kong white. I wore my 6 inches black stiletto. And lastly, I walked inside my walk-in closet and grab my oh-so-gorgeous mask covered with 6 linings of pure diamonds. Well, sinusuot ko to pag may parties. So it means, hindi nageexpose yung mukha ko. Kapag may meetings at kailangan ako mameet, lagi talaga akong may masks. Even pag meron ding pagpupulong like last time.
Bumaba na ako sa hagdanan at dumiretso sa pagpupulong ng council sa secret room. Kinakabahan ako pero hindi ko maaaring ipakita ito sa kanila. Pagbukas pa lang ng pintuan, akala ko naman yung mga kameeting din ng nanay ko dati. Pero nagulat ako at limang tao lang ang nasa loob. Bago nila ako napansin, inabot ng katulong namin yung gloves ko para hindi mabasa ng mga taong ito ang iniisip ko kapag nakipagkamay sila sakin. Naguguluhan na talaga ako.
I walked and it was so awkward. Napakatahimik talaga ng lugar na ito. Nahuli ko ang atensyon nilang lima dahil sa tunog ng sapatos ko. Napalingon sila sa akin ngunit isang tao lang ang nakapagpahuli sa mga mata ko. Yung taong matagal ko nang gustong makasama. He stared at me as well, but sorry I can’t let you know who I am. Inalis ko yung eye contact namin. Mahirap na bumitaw once na napatagal ang pakikipag staring contest sa isang Race Ford. Yes you heard it right. Si Race ang nasa harapan ko ngayon.
“Good Morning anak” bati sakin ni Mama pagkalapit nya sakin. Pero may binulong pa sya “be careful darling.” Tumango lang ako sa kanya at sinuot ang oh-so-famous stare ko. Let’s say, fierce look.
“Anak, I want you to meet the Fords. Well, anak they are my business partners.” Sambit uli ni Mama. So sila pala yung parents ni Race, tapos ayun si Race na nakapoker face tapos may higad na nakakapit sa braso ni Race.
“Nice to meet you Mr. and Mrs. Ford” ngintian ko sila at nakipagkamay.
“Finally, nameet ka na rin namin. Your Mom’s been talking about you and we are glad to see you.By the way, this is our son, Daniel Ford and his girlfriend, Martina” Ano daw? Daniel? Eh si Race to e.
“Nice to meet you Daniel” Nginitian ko sya. Yung ngiting pang-akit? Eh bakit ba. Hahahaha Parang sumama naman yung tingin sa akin nung Martina at humigpit ng kapit kay Race. Ang linta mo naman! Ugh hindi ako nagseselos ah.
“And also to you Martina” wala akong panahon para makipagplastikan sa kanya. Halata namang natatakot sya sa presence ko no. Naku kung alam nyo lang, naging akin din yan kahit panandalian lang!
“So, what’s the point of having this meeting?” tanong ko kay Mama.
“Napag-isipan kasi namin ang pagmemerge ng company. Knowing na isa ang mga Ford sa loyal investors natin eversince. Our companies are working for years now. And nandito ka kasi…….”
“Kasi ano?” I’m being impatient right now.
“We’re thinking that you and Race will be working together from now on”
And that says it. I don’t know anymore