♦• • Hebe • •♦

109 4 2
                                    


Hebe a Greek goddess associated especially with the youth, and the Fountain of the Youth

Prompt Title: Dropped

Anonymous Name: Hebe

Softwares: Picsart

Link: www.imgur.com/WcK8EnC

Explanation: 

First, nagdownload muna ako ng pictures. Dapat si Tao and Channie kaso si Yeollie nalang XD haha Tapos sa picsart, ginamit ko yung texture na freebie ni kuya daisukejayar (not sure sa username T.T) basta si Kuya Jay'Ar Caballero (something) sa fb. Dun, ipinlace ko yung pic ni Yeol tsaka binlend. Nilagyan ko na rin sya ng black sa mata kasi naisip ko, monster nalang sya hahaha. Gumamit ako ng Drama effect para magpantay ang kulay ng bg at png. Then nilagay ko na yung title and yung subtitle. Para sa title, ginamitan ko sya ng motion blur and lens blur para maging text style. Pagkatapos sa draw naman, nilagay ko yung broken pieces something malapit sa text. For design lang.

Sypnosis:

Sa tatlong taong nakaliblib sya sa abandonadong bahay..wala syang ginawa kundi ang magplano ng magplano. Balisa at tila nababaliw na palakadlakad si Yeol sa tapat ng pinto. Sa tuwing hahawakan nya ang seradura, tila isang baga ito na pinapaso sya. Patakbong pumunta si Yeol sa isang sulok nang makita ang iilang sinag ng araw na tumatagos mula sa screen ng pinto. Nagsumiksik sya sa sulok at nagsisigaw nang matamaan ng mga sinag ng araw. Tumayo sya at tumakbo palayo ngunit napahinto sya sa tapat ng isang litrato na may mukha ng isang babae. Otomatikong naging itim ang kanyang mga mata at hinablot ang litrato at sinira gamit ang kanyang matutulis at mahahabang kuko. Matalas na tinignan nya ang kalat na nagawa nya. Ilang saglit pa.. tinalikuran nya ito. Ngunit ngayon, umaalis sya nang may luhang tumutulo sa kanyang mga mata at sakit sa dibdib na matagal nang nakapaloob doon. Para sa babaeng minahal sya, na ginago sya, na pinabayaan sya at na gumawa sa kanya sa kung ano sya ngayon.

Message: Annyeong guys! Woooh! First time ko sumali sa ganito. Haha! Good luck sa atin!♥ Credits sa lahat ng may-ari ng mga resources na ginamit ko.♥

♦♦♦

• Judges, comment your thoughts.

• Audiences, you can rate his/her work from 1-10.

Author's Note: I decided to translate this no more since I have no much time. Thanks.






Spectre: A Graphic CompetitionWhere stories live. Discover now