Chapter-7 Warning

412 12 0
                                    

Zel's POV~

Ang sarap pala sa feeling na araw araw kang nililigawan no? Kinikilig na naman ako. Ang sweet talaga ni Marco. Hindi ko akalain na mamemeet ko ang isang tulad nya. Dati nag stalk lang ako sa kanya, Hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari, I didn't expect that he will fall for me. akala ko ako lang yung nahuhulog. parehas pala kami. And i can't explain this feeling na para akong lumulutang sa ere sa sobrang saya ko.

1 Week na ang nakakalipas. Syempre di ko muna sya sinasagot. Part ng buhay ng isang babae ang ligawan ng matagal, hindi yung niligawan ka lang ng isang araw sasagutin mo na kinabukasan. Kahit pa sinabi niyang it is not about the length of time ng pagsasama ng dalawang tao, naniniwala pa din ako naliligawan muna ng medyo matagal para makita talagang kaya niyang maghintay para sa inaasam niyang oo.

"Zellll!!!!!" Si ysabelle!

Matagal na din kaming di naguusap ah since nung nililigawan na ako ni Marco. Miss ko Na magusap tungkol sa ming dalawa. Lumapit naman ako sa kanya at magyakapan kaming dalawa! Oa na kung Oa pero ganito talaga kaming dalawa as in parang magkapatid na talaga ang turingan namin.

"oh kamusta na ? " pangangamusta ko.

"Hihi. eto lumalandi- Este Okay lang." sabi nya

"Hahaha. Eh ikaw?" tanong nya.

Malamang di nya pa alam na nililigawan ako ni Marco.

"Ah.. eto.. ninlliligawan ako ni Marco" Sabi ko

"wehhhhhh!!!!!!?????" gulat nyang tanong sa akin.

"Oo nga "

" Seriously?" Tanong nya.

"Yeah. I'm serious. " me.

"Ilang taon na!?" binatukan ko nga.

"Aray naman!" Pag aarte nya.

"1 week pa lang no! Grabe naman yang ilang taon mo!" Sabi ko. Napatawa naman sya

"Syempre nagbibiro lang! Kaw naman! di na mabiro." Belle

"Haha. Eh ikaw? Sino naman nagpapatibok ng puso mo?" tanong ko.

"hmm. . sa ngayon wala pa. Haha" sabi nya.

"So, bukas meron na?" pagbibiro ko.

"Sana" sabi nya then tawa kaming dalawa.

"Tara mag lunch! pag aaya nya.

"Ah sige ba. Lilibre mo ba ako?" biniro ko nga.

"Di ah! Kaw kaya manlibre sakin" Sabi nya.

"Hmmf. Tara na nga" Sabi ko nga at nagtungo na kami sa Cafeteria.

~

Ysabelle's POV

"Nasaan nga pala si Enzo?matagal na tayong di nagkakasamang tatlo ah." paguumpisa niya ng usapan.

" Oo nga eh. Baka naman luma- lovelife na rin. hahaha" sabi ko

Ang hindi alam Ni Zel, kaya hindi sumasama sa amin si Enzo ay dahil ayaw nyang makita si zel dahil nasasaktan lang sya. At ayaw nyang umasa na mamahalin pa sya nito. Mahal na mahal kasi Ni Enzo si Zel. kaya lang hanggang pagiging bestfriend lang ang tingin ni Zel kay Enzo

"Uhmm.. Zel, Magingat ka kay Marco aah. Hindi mo alam kung anong pwede nyang gawin sayo. " Sabi ko sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin? " tanong niya.

"Ah.. alam mo na, Yung.. dadating yung time na sasaktan ka lang nya.." pagbabanta ko. Pero tumawa lang sya.

"Haha. bakit naman? Paano mo nasabi?" patawa nyang tanong.

"Syempre, Hindi mo pa sya masyadong kilala, ini-stalk mo lang sya, at paano kayo naging close sa isat isa?" sabi ko.

"Haha. Ano ka ba! Basta. May tiwala ako sa kanya. at sabi niya wala naman daw yan sa tagal naming magkakilala eh. basta gusto namin ang isa't isa."

Bakit kaya ganun sya? Di ba nya naisip yun? Naging close sila agad ng hindi ko maintindihan ang dahilan. Hmm. Well, Banta ko lang naman yun na baka masaktan lang sya. Siya na bahala sa sarili nya. Alam naman nya siguro ang ginagawa nya.




When a stalker fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon