Chpater- 32 Moments

179 5 0
                                    

It's saturday and tamad na tamad akong bumangon sa kama ko dahil nag aaya si William na mag mall, Hay. wala naman akong magagawa kundi pumayag kasi Itinuring ko na din syang boy bestfriend ko. Naging bahagi na din sya ng buhay ko bukod kay Ysabelle at kay...... Marco.

"Zel, andito na yung pogi mong Boyfriend naghihintay sa baba. " Sabi ni Mommy .

Huwwattt?? Anong oras na ba!?? Wahhhh!!!!!
Omg! Omg!

"Pakisabi po maliligo lang ako. Saka di ko boyfriend yun. Bestfriend ko po yun" Pagkasabi ko nun ay nagmadali na akong nagpunta sa Bathroom At naligo na. Hindi ko na iisaisahin ang procedure kung paano maligo kasi alam nyo naman na yun. Depende na lang kung di kayo naliligo!

Nagayos na ako ng sarili ko, nakabihis na din ako. Naka Skirt akong Polka dots na blue at isang white top then nag flat sandals na lang ako para mas simple , hindi naman ako maarte manamit. hehe. Tapos naka loose braid lang ang napakaganda kong brown hair. Ayan. Ready na ako. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at yung phone ko sa bumaba .

"Hala William, Sorry. Nakalimutan ko yung oras ehm hehehe. Tara na?" sabi ko sa kanya. Tumayo naman na sya sa Sofa at Paalis na sana kami kaso sumingit si mommy.

"William ba pangalan mo? Iho? Ingatan mo yung anak ko ha. hahaha Napaka gwapo naman pala ng Boyfriend mo Krizel. " Pagbibiro ni mommy kaya sinita ko sya.

"Mom. Best Friend ko lang po sya" Sabi ko naman sa kanya.

"Hahaha. To naman. Dun na din papunta yun eh. hahaha Kaw talaga anak. Sige pumunta na kayo at baka matagaln pa kayo. William Wag kayong papagabi hah? " Pagbibilin sa amin ni mommy. Nagpaalam na din kami ni William kay Mommg at saka kami umalis. Sumakay na ako sa Kotse ni William. Ay Bongga sya. Ang lakas maka Lamborghini Reventon. Pang lima lang naman to sa pinakamahal na Kotse sa buong mundo. Oh diba ang Bongga ni William. I wish may sarili na din akong Kotse. Ang strict kasi ni Daddy sakin eh. And Speaking of My Dad. Uuwi na sya next week dito sa PH. Em so Excited pero kinakabahan ako. Baka malaman nyang may Boyfriend na ako. I mean, wala na pala kami. Hays. :(

"O bakit parang ang lungkot mo yata?" Tanong sa akin ni William. Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa mall. Sa sobrang bilis nya magpatakbo, ganun din kabilis ang takbo ng isisp ko. Hay. I wish kami pa ni Marco pero hindi na maibabalik ang dati.

"Ah-Hindi may naiisip lang ako. Haha Tara na?" Pag aaya ko sa kanya kaya bumaba na kaming parking lot saka nagtungo sa entrance ng Mall.

Pumasok na kami sa loob ng mall at naglakad lakad hanggang sa mapansin ng mata ko ang isang maganda pero simpleng dress,kaya nagaya ako dun at kinukulit ko si William na sumama sakin. Pumayag naman sya. Since Maganda naman daw ako, pagbibigyan nya ako. Oh diba? May tagapuri na naman ako. hahaha

Kinuha ko ang dress na yun saka ko sinukat sa fitting room, Pagkasuot ko, Tumingin ako sa Mirror ng FR tapos umikot pa ako para makita kung bagay ko ba. Napanganga na lang ako dahil Parang sinadyang ginawa tong dress para sa akin kasi Fit talaga sakin saka Bagay ko talaga sya. Lumabas na naman ang pagkadyosa ko. Hahaha. Ang Ganda ko talaga.

Lumabas na din akong Fitting room para ipakita ko sa kanila kung bagay ko.
Pagkalabas ko nandun nakanganga si William sa akin. Pati na din yung Saleslady kanina pati lahat ng tao sa Mall at sa Buong Sulok ng Mundo napanganga sa akin. Haha Joke. ^_____^

"Krizel ang ganda mo" Yan ang nasabi ni William sa kagandahan ko. Charr.

"Since birth naman eh. Hahahaha" Pagkatapos ko ikonsulta sa kanila Inalis ko naman na at Binayaran ko na sa Counter yung binili ko.

Lumabas na kami sa store na yun at naglakad lakad ng biglang hinila ni William yung kamay ko at kinakaladkad ako.

"Saan mo naman ako dadalhin?"tanong ko sa kanya.

When a stalker fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon