Chapter-17 Yes

252 7 0
                                    

"Sorry...."

Tumayo naman agad sya... At Tunalikod sa akin...

"Pfft. Haha sorry sa kanina.." natatawa kong sabi sa kanya. Humarap naman agad sya.

"Hmmf. ikaw talaga!pinapahiya mo ako eh!" nagpout naman sya. aish ang cute nya kapag nag p pout sya .

"So,ano ng sagot mo? "sya..

Nagpout lang ako tapos parang nagissip isip lang.

"Wag ka ngang mag pout dyan, hahalikan kita eh!"

Parang namula naman ako sa sinabi nya kaya lumaki yung mga mata ko tapos di ko sya tiningnan sa mata.

Lapit naman sya ng lapit sa akin, ano ba yan! pulang pula na ako dito oh.. Tapos ang lapit na ng mukha nya sa akin, nakatitig sya sakin ayan na malapit na.. HAHALIKAN nya ako.. Wahh!!!
Ipinikit ko na lang yung mata ko. Wah! Sya yung magiging First kiss ko pag nagkataon. ...

"Pfft.. hahahaha"

Minulat ko yung mga mata ko tapos nakita ko syang namamatay na sa tawa. Aish! akala ko hahalikan nya ako eh. Naman eh! huhu T.T

Pinalo ko sya sa Balikat tapos binatukan ko sya. Aish naman kasi sya.

"Hahaha Ang cute mo pag nagba blush ka. Hahaha " Nanginis pa. Hindi ko kaya sya sagutin no?

"Sige alis na ako! Di na kita sasagutin!" Nagkunwari akong nagtatampo kaya naglakad ako paalis.

"Uy halla sorry na.. Uy.. Sagutin mo na kasi ako uy!" hihihi nakakatawa sya para syang bata kung magmakaawa. Tse! kahit amg cute cute mo Marco, wala sakin yan!

Sandali lang ay nahabol na nya ako tapos hinila nya yung kamay ko tapos lumuhod sya sa harap ko. Aish tong lalaking to.

"Huy tumayo ka nga dyan , ang daming tao. Nakakahiya uy!" pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. nakakahiya na. Habang tumatagal dumadami pa yung tao.

"Hindi ako tatayo hanggat di mo ako sinasagot" at nagpout pa sya. Halla!

"Hala tumayo ka na kasi dyan! Nakakahiya na uy!" Pilit ko pa din syang tinatayo pero ayaw eh, ang bigat kasi nya eh. Kainis bakit ba kasi ang payat ko eh, sa susunod nga kakain na ako ng madami.

"Ayoko. "

"Aish!"

May mga dumadaang estudyande at napapahinto sila dito at habang tumatagal dumadami yung nagpupunta dito za room. Aish naman eh. Kahiya naman dito.

'Krizel sagutin mo na kasi! !'

'Pakipot pa zel?, Sagot na !

'SASAGOT NA YAN! SASAGOT NA YAN!,OO NA YAN OO NA YAN!

halla! anu ba yan! hahaa Grabe naman pala sila.

"See? sabi nila sagutin mo na daw ako. Bahala ka kapag di mo ako sinagot sila na lang liligawan ko!" *Wink* Aish ewan ko sayo Marco Mendoza.

"At sino namang liligawan mo? Yung kasama mo kanina?" napatigil naman sya. Haha Sabi na eh

"Aish!Sagutin mo na kasi ako!"

"Tumayo ka muna dyan!"

"Sasagutin mo na ako?" ang kulet!

"Oo na! Sige na. "

Tumayo naman sya tapos nag sisigaw sya ng Yes.
Tumatawa naman yung mga nakakapanood sa kanya. Tong lalaking to! Walangya talaga. Haha

Tapos nagulat ako ng bigla nya akong niyakap. Wahh! Hindi ako makahinga.. Feeling ko namula din ako.

When a stalker fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon