Chapter-14 Sorry

270 8 0
                                    


Zel's POV ~

Pagkaalis na pagkaalis nila Alexis , Umupo ako sa isang gilid at doon ako umiyak muli. Grabe ang sakit ng pisngi ko.....

Kaya lang mas masakit yung mga nalaman ko..
Paano nagawa ni Marco na ligawan ako habang may kinakasama syang iba? Bakit?

Kaya ko nga bang layuan si Marco? Pero Mahal na Mahal ko sya. Unang kita ko pa lang sa kanya ang gaan na ng loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Yung pag i-i-stalk ko sa kanya , Biru-biro lang namin ni Belle yun. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat. Yung Simpleng Pag i stalk ko lang dati, Kasiyahan ko lang yun dahil bored ako dati pero nagsimula ang lahat sa Isang pagkakamali... Yung pagkakamali na Chinat ko sya noon.. Then humiling sya na magkita kami, Sa araw araw din na magkasama kami, kahit na hindi kami magkaklase, Kinikilig ako at Mas lalo na nung sinabi Nyang Gusto nya ako at Liligawan nya ako, Hindi ko pa alam kung seryoso sya dun. Hindi ko nga alam kung kailan ko sya totoong nagustuhan eh. Dahil ba sa Pag Stalk ko sa kanya? Dahil ba binansagan akong Ms. Stalker? Ang alam ko hindi..... Aish! Ano ba to!

Tumayo na ako at naghilamos ng Mukha , pagkatapos pinunasan ko na ang mukha ko , halata pa rin na namumula yung pisngi ko dahil sa mabibigat na sampal galing kay Alexis.

Lumabas na ako ng Cr, Pagkatapos kong kinuha ang bag ko.. Pagkalabas ko, Nakasalubong ko si Marco.

Napahinto sya.. Nakalagay ang dalawa nyang
kamay sa bulsa nya. Ang Cool nya tingnan.
Tapos may Headphone sa leeg nya. Tiningnan nya ako.. Cold stare. Nakatingin din ako sa kanya. Kahit Cold stare sya halata kong nagtataka sya.. Dahil ba dito sa pisngi ko?

"layuan mo si Marco or else"

Naalala ko na naman yung sinabi ni Alexis, gustong gusto ko makausap si Marco, Gusto ko aminin sa kanya ang lahat. Pero.. pero.. Pumayag ako sa gusto ni Alexis..

Ang Bilis ng Tibok ng puso ko nung nakatingin sya sa akin ng ganyan.

Naramdaman kong Sinusundan nya ako ng tingin kahit di ko nakikita. Mahahalata mo sa mukha nya na nagtataka sya..

Pumasok na lang akong last subject ko , Maalala ko lang, kaklase ko pala dun si Alexis saka yung mga alipores nya na sila Francine at Abbie .

Buti na lang at hindi pa ako late dahil wala pa yung teacher namin. Pagpasok ko, Ang sama ng tingin sakin ng Tatlo. Hindi ko na lang sila pinansin , dumeretso na lang ako sa upuan kobsa dulo. Buti dun tahimik.

Nilapitan naman ako ni Ysabelle,

"sis bakit ... bakit.. bakit parang namumula yang pisngi mo? may sakit ka ba? o baka naman may umaway sayo? reresbakan ko yan!" sabi nya, napansin nya pala yung pisngi ko, sana nilagyan ko na lang ng concealer para di mahalata.

"Ah.. Wala to. nasaan nga pala si Enzo?" tanong ko sa kanya. Matagal ko na ring hindi nakikita si Enzo. Nasan kaya sya..

Ysabelle's POV~

"Ah.. Wala to. nasaan nga pala si Enzo?" tanong nya sa akin. Haist kung alam nya lang sana ang nangyari.. Kawawa naman si Enzo.. Mammiss ko sya..

flashback*

Pagkatapos ng moment na yun, lumapit sa akin si Enzo.. Halata mo sa mukha nya na malungkot sya.
Alam ko yung nangyari kanina. Kaninang na busted sya ni Zel.

Lumapit sya.

"oh enzo! parang may mali ? anong problema mo?" tanong ko.

"Haha wala to. Umamin kasi ako kay zel na gusto ko sya." malungkot sya..

"Oh anong sabi?",

"haha Busted ako. Pero masaya na ako kasi kaibigan ko sya pero sya lang ang nagiisang babae na nagpatibok ng puso ko." parang nasasaktan ako sa sinabi nya.

Oo gusto ko si Enzo matagal na. Hindi ko lang pinapahalata dahil gusto nya ang bestfriend ko, si Zel, Kaya humingi sya ng tulong sa akin na Ilakad sya kay Zel, Eto naman akong su Baliw, pumayag.

Sana ako na lang si Zel, sasagutin kita agad, Gwapo na gentleman pa at syempre mabait pa. Oh san ka pa. Sana ako na lang minahal mo para di na tayo nasasaktang dalawa.

"Uhmm. Bukas Belle aalis na ako *smile* "

Huh? Saan naman sya pupunta?

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Basta. Mag rerelax muna ako, Kakalimutan ko muna si Zel, lalayo muna ako kung saan ako masasaktan."

Nasasaktan ako.. Saan na pupunta si Enzo? Paano na ako? Paano ko maaamin sa kanya.

"B-babalik ka pa ba?" malungkot kong sabi

Tumawa lang sya pero alam kong nasasaktan na sya.

"Hahaha Depende kung makakabalik pa ako. "

"Ah ganun b---"
Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinila nya ako agad papalapit sa kanya. Niyakap nya ako. Feeling ko namumula ako. Nag iinit ako eh. Wahhh! >////<

"Wag ka mag alala , Kapag bumalik ako, Ibig sabihin nun binalikan kita..." Ano daw!!?!?!

natahimik lang ako....

"Pagbalik ko ikaw na ang liligawan ko. "

End of flashback*

"Huy bestie nasan na si enzo? hello! *kaway kaway* litang ka dyan." omy! di ko napansin. kinikilig kasi ako eh.. wahh!!!

"ah-ahm.. sabi nya kasi sakin aalis muna sya, hindi nya sinabi kung saan sya pupunta eh"

"ahh? kelan daw sta babalik?"

"Hindi nya daw alam kung babalik pa sya." sabi ko.

Zel's POV~

hays.madali lang natapos ang last subject namin. Sumasakit pa rin talaga ang pisngi ko.

Wala pala ako masakyan pauwi, makapaghintay na nga lang ng taxi.

paglabas ko ng gate ng school biglang may dumaang mabilis na motor sa gilid ko dahilan ng pagkatumba ko. Ang sakit, Natama yung Tuhod ko sa isang nakausling bato. Dumudugo na sya.. Di ko napansing lumuluha na rin ako...

Napahinto yung motor tapos nagsalita sya.

" sorry miss, magingat ka kasi next time!" sabi nya saka na umalis.

Bastos talaga yun! ako pa napagsalitaan! huhu ang sakit.

"KRIZEL!"

May lumapit sa akin na lalaki, di ko matanaw ang mukha nya dahil sa luha ko. Ang dami na rin kasing dugo sa tuhod ko. Masakit na . feeling ko nabali yung buto ko. Huhu

Binuhat nya ako. OUCH! huhu tuhod ko.

Patuloy pa din ako sa pagiyak..

"SORRY KRIZEL." HUH? bakit naman nag sosorry sya sa akin.

"sorry...."


When a stalker fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon