"Ang sarap naman pala dto sa Dairy Queen na to!! Pero bakit parang puro jejemon nakikita ko? Wait, don't tell me na, omg! Isa ka sa kanila?!" Gulat na tanong ko habang nakasubo ang mahabang kutsara na kulay pula sa bibig ko.
"Hahahahaha! Lokoloko!! Kay dad kasing branch to. Kaya pag bv ako, dito ako pumupunta kasi libre lang naman pag sakin." Bakit ang pogi mo pag tumatawa kaaaa?
"Ahhhhhh. Dapat kanina mo pa yan sinabi. Sorry ah, napagkamalan kitang jejemon."
"Baliw na to, binintang mo pa saken pagkajejemon mo! Hahahahahahaha!"
"Aba! Excuse me no, aminado naman akong jejemon ako dati. Pero hndi ngayon! I'm a changed woman. Kurimao ka!!"
Oo totoo, jejemon talaga ako dati :( isa sa mga malagim na pangyayari sa buhay ko ang maging isa sa kanila. Di ko rin alam kung bat nahawa ako sa virus na yan! May picture pa ako sa facebook ko dati na may fan sign ako nakasulat 'twiinbabe.cc0 arrAh eNaj' grabeng kajejemonan!!! Ayaw paawat!
"What the heck is 'kurimao'? Hahahahahaha!"
"Di ko alam actually. Pero feeling ko para syang kulugo." Sabay kain ng ice cream.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Nasamid tuloy ako sa tawa niya. Kainis naman to hahahaha!
"Hoy ulupong wag ka maingay nakakahiya ka!" Pabulong na sigaw ko. Wow kakaiba un ah. Hahaha!
"Jejemon tong ksama ko oh. Jejemon!" Sinigaw ba naman ni Zac tapos tinuturo ako! Pinagtitinginan tuloy kme!
"Kapal mo! Sampalin kita ng sapatos ko eh!" Ay nko pasalamat ka nalang talaga mahal kita! Hahahaha! Ang pogi nya tumawa pero nakakainis kasi nang-aasar hahaha!
"Hahahahahahaha! Ang saya mo ksama epal ka hahaha!"
Ay ano ba epal naman nito:"">
- - -
Matapos ang walang hanggang asaran namin, bumalik na kami sa bahay nya at nagsimula nang magplano para sa activities ng Math wizards.
We ended up with Quiz bee, Math camp and tentative pa kung itutuloy namin yung fieldtrip sa Paradise adventure camp sa Bulacan. Medyo magastos din kasi kaya makikipag-usap pa kami kay ms. Venus.
Pagtapos nun hinatid niya na ako sa amin. Ang laki daw pala ng bahay namin. Pero jejemon padin daw ako tapos biglang tawa na nman sya ng malakas. Nagtahulan tuloy mga aso sa kapitbahay. Bwisit talaga.
Pero isa lang ang narealize ko sa araw na to. Ayaw pa mag sink-in kanina pero ngayon alam ko na.
Nakasama ko si Zachary delos Reyes, nakasakay ako sa car nya, pinagtripan nya ako, hinawakan niya wrist ko, nilibre nya ako ng ice cream, pnagtripan na naman ako, masaya syang kasama nya ako, hinatid ako sa bahay, bibigti na ako.
Hay grabe!! Tangina kotang kota ako ah!!
Ang swerte kong jejemon hays