A L L E L E ' S P O V
Alam nyo ba yung in love? Ako yun e! Kasi naman, ang pogi nya kasi talaga! Alam mo yun! Ang puti, ang kinis, tapos ang tangos ng ilong, 180cm height nya, shet ang tangkad nya! Di ba?! Bagay kami e. Yung buhok nya! Pang kpop! Basta ang pogi talaga! (Kung kayo nasa side ko, maghy-hysterical din kayo) Yung ngipin nya ang puti puti tapos pantay pantay! Pag ngumi-ngiti sya nalalaglag yung panty ko! Shet! Kung ano ano na nasasabi -_-
"Lele! Tulala ka na naman! Lele ka talaga e no?" Singhal sakin ni Karla, may oh-so-bitch best friend. Bakit Lele tawag nya sakin? Kasi yung 'lele' daw makikita sa 'Allele' kaya ayun. Paki sapak nga.
"Iniisip na naman nyan si ano!" Sabat ni Sky, best friend ko din. Eto naman, kung sino gusto mo, ipagtutulakan ka nya dun. As in boto sya kung sino crush mo haha! Pero wag ka, bukal sya ng mga advices. Sa pag-ibig (shempre), family, kaibigan,alaga, kahit san. Gago e.
"Hayaan nyo na kasi ako. In love e! Palibhasa kasi, wala kayong love life!" Asar ko sa kanila.
"Ako talaga wala! Pero si Karla! Dalawa dalawa pa! Di nga makapili e." Speech ni Sky na nakapagpa-tahimik kay Karla.
"Osya, osya, tama na yan! Magpakasaya na lang muna tayo! Libre ko na kayo, canteen tayo!" Yaya ko. Oo, mayaman ako ngayon. Ngayon lang to! Andito kasi mama ko, galing ibang bansa. Moneeehhh!
"Okay lang yan. You'll be fine soon. Choose wisely, okay? Parang pagboto lang yan ng presidente ng Pilipinas. Piliin mo yung mas makakabuti para sa bansa. In your case, sa puso mo." Sabi ni Sky sabay pat sa likod ni Karla. Nag-sigh lang si Karla.
xx C A N T E E N xx
"Wow, di ka naman brokenhearted?" Sarkastikong tanong ni Sky kay Karla na kasalukuyang may spaghetti, burger, fries, sprite at sundae sa tapat nya. Tangina, napasubo ako e.
"Alam nyo yun? Kahit ang dami kong love life, parang brokenhearted ako sa lungkot at sakit na nararamdaman ko. Ang sakit lang talaga." Sabi ni Karla sabay kagat sa burger nya tas sipsip sa sprite. Nakikinig lang kami sa kanya. Kung ako din sa side nya, di ko alam gagawin ko. Buti na lang okay yung love life ko. Shet, ang saya lang. Tama na nga ednal! >.<
"Di ko magawang pumili, kasi once na pumili ako, may masasaktan. At yun yung ayaw ko, yung may masasaktan."
"Eh anong gusto mo? Walang masasaktan sa kanilang dalawa, pero nasayo lahat ng sakit? Di makatarungan yun, neng. Martial Law, walang hustisya." - Sky.
"Kailangan ko na ba talagang pumili?" Naguguluhang tanong ni Karla.
"Para sakin, para sakin ha, patunayan muna nila yung sarili nila sayo. Alam mo yun, pa-bonggahan ng effort!" Sabi ko.
"BUUURRRPPP!" And we all died.
"Putangina ang baboy!"
"Sorry V^_^"
"Tara na nga! Filipino na natin, tatalakan na naman tayo nun. Araw-araw na lang." Sabi ni Sky kaya umalis na kami sa canteen at pumunta sa room 308.
//
Sabaw, hehe sorry