6

23 0 0
                                    



"WAAAAH! Tangina ano yun?! Bakit bagsak ako sa quiz sa Filipino?! Nag-aral naman ako ah!! Bwisit naman talagang buhay to oh!" Sigaw ni Sky pagkakuha ng palakol nyang score sa Filipino. Naka 24 sya out of 40 dun sa quiz namin. 25 daw passing score kaya naman grabeng panghihinayang naman tong si Sky.


"Sabi ko naman kasi sayo si Elias yung sagot dun! Sino ba kasi nagsabing si Basilio?!" Inis na sabi sa knya ni Karla. Si Sky lang kasi naka score samin ng below 25. Mga score namin eh above 25. Mga 26, ganon. Eh ano? Atleast pasado!!


"Si Paola! Sabi sakin Basilio daw yung sagot sa 17! Tangina mina-micro lang pala ko!! Ugh sarap hambalusin!"


Lahat kami tawang tawa sa mga reaksyon ni Sky. Pano ba naman kasi, imbis na mamula sya sa galit, nangingitim sya. Hahaha! Diba laughtrip? HahahahahaXD


"Ang saya mo ah porket kotang kota ka sa buhay mo." Pang-aasar naman ni Megumi. Ngayon lang ulit pumasok yan matapos ang tatlong araw. Diba parang mushroom? Lulubog lilitaw.


Eto na nga!! Wag nyo na ko pilitin ikkwento ko na kung bakit!


x x F L A S H B A C K xx


"Te Allele, hinihingi nga po pala ni kuya Zachary yung number mo." Sabi sakin nung second year na kasali sa Math Wizards.


"H-ha? B-bakit daw?" Shempre kilig kilig ang sis nyo! Ikaw ba naman hingiin number mo ng crush mo diba?! What the f!


"Para daw ata sa mga activities ewan ko. Wag kna madaming tanong ate bigay mo nalang." Bwisit na kulangot to ah! Tirisin ko to eh!

"Ito na letche. Demanding kang ipis ka." Pagkasabi ko nun, inabot ko na sa knya yung papel kung san nakasulat yung cellphone number ko.


Now, I will wait for him to text me.


xx End of flashback xx


At ayun na nga, hindi nya padin ako tinetext hanggang ngayon. Ewan ko ba, sguro naman touch screen yung cellphone nun! Hindi naman ganun kahirap magtext sa magandang phone diba! Konting touch touch lang tas send ayun na! Tsaka di naman ako choosy kung jejemon sya magtext eh!! Tanggap ko sya no!


"Ay nako te, wag mo kasi antayin. Kaya hindi dumadating eh. Hayaan mo lang. Magtetext din yan." Sabi naman sakin ni Karla habang inaayos yung gamit nya. Lunch na kasi namin ngayon at balak nilang tumambay sa library para matulog. Malamig kasi sa library ng school kaya madalas dun nagpapalipas ng oras yung mga studyante.


Habang naglalakad kami, ang dami naming nakakasalubong na tao. Sa dami ng tao na yun, wala akong nakita ni anino ni Zac.


Hindi na ako tinext, hindi pa nagpapakita! Iniiwasan nya ba ako? Pero bakit? Dahil jejemon ako dati? Oh no! Ang malagim kong past! Nagrerevenge sya!!!


"Allele! Si Zac yun diba?"


"Shit asan?! Teka teka, scanning!!"

THIEFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon