Chapter Eight: Three years had past

597 24 2
                                    

A/N: 

Ito na!!!

Don't forget to VOTE AND COMMENT!!!!

Chapter Eight: Three years had past

Keera's POV

Halos tatlong taon na rin ang nakalipas...

Marami ng nagbago pero may mga bagay pa ring nanatili at nakatatak sa isip ng tao. Isa na doon ang pangyayari na na-meet ko sa isang bundok. Alam kong nangyari yun pero bakit habang nalalagas ang mga araw sa kalendaryo ay unti-unti nang lumalabo ang lahat. Ipinapaalala ko rin kay Lacey pero wala na siyang matandaan simula nung....

Masangkot siya sa isang aksidente dalawang taon na ang nakakaraan.

******************

[Flashback]

Nag-ring ang phone ko habang nasa klase pa ko. College na kami ni bestfriend Lacey. Matagal-tagal na rin, pero hindi pa rin namin tinitigilan ang pag-iisip sa mga naganap sa amin dun sa pinag-camping-an namin na kung saan ay nakilala ko ang super hot at controlling na si Ray. Kaso saglit lang kasi kailangan naming harapin ang totoong mundo kung saan kami belong. Hindi sa mundo ng mga gaya nilang mga "werewolves".

Ramdam ko pa rin na naiwan ko ang isang malaking parte ng puso ko nang nagpasya kaming umalis at tumakas sa kanya.

"Miss Salazar! Baka gusto mong sagutin yang tumutunog sa bulsa mo o kaya patayin mo na lang kasi nakakaistorbo sa klase ko", sabi ni Sir Uy. Ang Istriktong matandang hukliban at ubod ng bitter kong professor sa Algebra.

Nagtawanan tuloy mga kaklase ko.

*Mauubos din buhok mo!

Nag-excuse na lang ako para masagot ang cellphone ko. Pagka-pindot ko ng answer button ay may frantic voice ako narinig.

"Hello, Keera?"

Kilala niya ang boses na yun. No other than, ang hilaw na boyfriend ni Lacey. Si Draco.

"O? Bakit ganyan ka magsalita? Parang may nangyaring masama", sabi ko sa kanya.

"K-Keera, naaksidente si Lacey."

Pagkasabi niya nun ay nabitawan ko ang phone ko. Pero dinampot ko din agad tapos nilagay ko ulit sa tenga ko.

"Asan siya?", tanong ko sa kanya.

Sinabi sa akin ni Draco kung nasaang hospital naka-confine si Lacey at agad siyang bumalik sa classroom at kinuha ang gamit niya. Nagmamadali na siyang umalis ng klase.

"Miss Salazar, bumalik ka dito!!!", sigaw ng prof niya.

Hindi na niya pinansin si Prof Uy at diretsong lumabas.

Nang makarating na siya sa sinabing hospital ni Draco at agad siyang pumunta sa reception ng ospital.

"Saang room naka-confine si Lacey Herras?", tanong niya sa nurse.

May tiningnan ang nurse sa computer at nilingon din siya nito agad. Pawis na pawis siya pagmamadaling pumunta sa ospital. Hinihingal pa siya.

"Nasa room 304 po siya."

Pagkasabi na pagkasi ng nurse ay tumakbo na siya at hinanap ang room,

Nang makarating na siya sa pinto ay malalim siyang huminga at hinawakan ang doorknob. Pinihit niya ito at nakita niya sina Tito at Tita, si Draco at ang kapatid ni Lacey na si Louie.

Her Beta ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon