Chapter Thirteen: They Meet Again

566 23 1
                                    

A/N:

Hi guys!

sorry sa late update...

Eto na po....

basahin nyo na...

but before that!

Vote.

Comment.

Follow.

Share.

Ngayon.... magbasa na!!!! :)

**********************************

Chapter Thirteen: They Meet Again

LACEY'S POV

Aba! Sino kaya ang hinayupak na to?

Tiningnan ko sa screen kung yung unknown number na naman ba ang tumawag.

Pero nagulat ako nung nakita ko na si Drake. Inilapit ko ulit ang tenga ko sa cellphone.

"Hello, Drake?!"

'O! Anong nangyari sa iyo at hindi ka nagsasalita diyan? Akala ko na kung napaano ka, ayos ka lang?' nag-aalalang tanong sa akin ng fiance ko. Naks! Fiance na tawag ko sa kanya.

"Ah... Oo naman, I'm fine. Akala ko kasi prank caller na naman" sagot ko.

'Na naman?'

"Ah,wala. Mga batang nangloloko lang pala. Alam mo na, sabik sa paggamit ng IPhone 5 nila. Haha" pagdadahilan ko na lang. Ayoko naman na mag-alala pa si Drei.

'Okay. Nga pala, I'm going to fetch you there. Let's go out' yaya ni Drake.

"Ha? Eh, saan mo naman ako balak dalhin? Sa Luneta? Nakapunta na ko dun nang ilang beses, wag na lang" sabi ko. Kung sa Luneta naman talaga niya ko dadalhin ay huwag na lang talaga. Burung-buro na ko. Eh lagi ko kayang napupuntahan yun courtesy of Keera and my brother... Always.

'Ha? Maganda naman sa Luneta ah!'

So doon nga?

'Saka hindi naman kita doon dadalhin. Basta. Be ready. Malapit na kayo mag-uwian, right?' he asked.

"Hindi naman sa ayaw ko sa Luneta. Maganda kaya doon kaso doon ako lagi dinadala nina kuya at Keera eh kapag naiisipan nung mamasyal. And nadadaanan ko rin yun kapag papasok ako ng school."

Tumawa ito sa kabilang linya, malamang dahil sa sentimiyento ko. 'Fine, babe. But ready yourself because your fiance is coming to get you' , narinig ko ang boses nito na parang nanunukso.

"Bahala ka na. You better be here. Mamaya naman baka may gagawin ka na naman pala at paasahin mo lang ako" , I said dahil nangyari na iyon dati.

'Don't worry. Promise, I'm coming there to have our date' he assured to me.

Her Beta ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon