nakatingin ako sa isang malaking salamin, ang ganda ng repleksyon ko parang hindi ako ito.
"Ma'am Xochi, mejo ilalight lang natin yung blush on mo kasi mejo mapulapula naman na yang cheek mo and pink na lipstick, para bungga ka sa araw na ito.!"
Sabi nung bading na nag aayos saakin.
katagal kong hinintay tong araw na ito,na ikasal sa simbahan kasama ang mahal ko.
Naluluha na ko sa sobrang saya.
"Naku naku naku! Wag kang iiyak ma'am baka magulo make up nyo pagalitan ako ng Hot groom pag nakita nyang ganyan ang itsura nyo."
Natawa ako sakanya, ang daldal sobra.
Bumukas ang pinto at iniluwa non si Narrah.
"Waaah asan yong bestie ko anong ginawa nyo sakanya,ikaw ikaw sino ka?!"
Natawa ako sakanya.
"Ano kaba best ako to."
Natatawa kong sabi.
"Bestie,ang ganda mp today tiyak na mag lalaway ang Groom mo pag nakita ka nya. baka hindi na makapag hintay yon baka mag honeymoon na kayo agad aa simbahan"
Tumawa ako. tong babaeng to talaga may pagka taklesa.
"Manahimik ka nga Narz."
Sabi ko.
Bumukas ulit ang pinto at nakita ko si Papa na pumasok.
"Bestie,labas muna kami ah."
bulong nya at lumabas na sila.
"Yes papa?"
Tanong ko.
Lumapit sa saakin at umupo sa tabi ko.
"You're so beautiful Marie, you look like your Mom, nung kinasal kami."
May namuong luha sa mga mata neto.
"Papa, stop crying. Ang gwapo nyo panaman sa tuxedo nyobsayang baka pumangit kayo."
Sabi ko.
Nag tawanan kami sa loob.
May inabot sya saakin na Redbox.
Binuksan ko iyon.
Tumambad saakin ang
Elegant necklace with pair of earrings.
Nakita ko na to suot ni mama nung kasal nila ni Papa, sa portrait.
Tumingin ako kay Papa.
"Sabi ng Mama mo, na ibibigay nya yan magiging anak namin pag kakasal na eto."
Isinuot ni papa yung kwintas at niyakap ko ito.
"Thank you Pa."
Sabi ko.
...
Nandito parin ako sa sasakyan kinakabahan ako tumingin ako sa labas.
Pinagbuksan ako ng driver ng pinto at lumabas na ko.
kinakabahan ako.
Nag umpisa ng tumugtog yung music na Minus one.
"Nervous?"
Tumingin ako kay papa, at tumango bilang tugon.
Bumukas na yung malaking pintuan ng simbahan.
Tumambad saakin ang eleganteng desenyo nito.
Cranberry, brown, and gold ang motif namin.
Ang ganda. Gusto ko ng maiyak totoo na talaga to.
Tumingin ako sa mga tao at nakangito sila habang nag lalakad ako sa aisle.
Nakita ko yung kambal kasama yung mga Bfs nila.
Si Rei nakita ko din kasama nya yung soon tobe GF nya o baka sila na dahil magkahawak sila ng kamay.
Yung baby ko naman na ang cute sa tuxedo na suot nya na may hawak na ring.
Ang cute.Ang sarap sa pakiramdam na habang nag lalakad ka papunta sa harap ng simbahan ay nag aabang yung taong mahal mo.
Ng makarating kami sa harap nagmano si Azi kay papa. At ako naman humalik kila Mama lauren at Tito Zenrich sa pisngi.
Tumingin ako kay Azi, na titig na titig saakin.
"You're so beautiful Honey."
Pinamulahan ako ng pisngi.
"Ano kaba nakakahiya."
"Mahihiya kapa eh totoo naman. Parang gusto ko ng matapos tong kasal na to, para honeymoon na agad."
Tumawa sya.
Ako naman namumula na sa sobrang kilig.
tumikhim yung pari dahilan kung bakit napatingim kami sakanya.
Ang landi kasi ng Asawa ko.
Nag simula na yung wedding ceremony
Hinawakan ni Azi ang kamay ko at marahang pinisil iyon.
Kadaming sinasabi ng pari at di ko maintindihan.
Narinig ko nalang na palitan na ng mga vows.
"Ako si Azitech Lhourd, ipinapangako ko na aalagaan at mamahalin ko si Maria Xochiquetzal Eston ng habang buhay, for better or for worst and richer or for poorer, I will love her till death so as part ."
At isunuot na yung sing sing sa kamay ko.
"I, Maria xochiquetzal, take this man for better or for worst and richer or for poorer, I will not leave him no matter what happen. I will love him til' infinity."
Isinuot ko na yung singsing sa kamay nya.
"You may now kiss the bride."
Itinaas nya na yung veil at hinalikan ako sa mga labi.
Ang saya ko di maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nag tagal ang halik na iyon.
Humiwalay kami sa isat isa na habol ang hininga.
At himarap kami sa mga tao at nag palakpakan ang mga ito.
At syempre di mawawala ang picture picture.
Ng matapos ang kasal ay nag punta na kami sa venue.
****
BINABASA MO ANG
THE SEX GODDESS
RomancePwede ba kahit ngayon lang makinig ka saakin." Mahinahon ngunit madiin nyang sabi. "One minute." He took a deep breath. "Nung mga panahon na mag kasama tayo, masaya ako masaya ako kasi nakasama ko ang babaeng gusto kong maging akin.. Kaya nga nung s...